Wednesday, March 13, 2019

Meatless Friday Dinner @ Scotts Landing Fish and Chips (Surrey)

As I have mentioned on this post, I am abstaining from eating meat on all Fridays of lent.

--------------------------------

March 8, 2019. After Nathan's vaccination, we went to Central City in Surrey to just wait for Daddy Ford there. Past 3pm pa lang kasi at dahil ilang araw kaming hindi lumabas ni Nathan, syempre kailangang gumala muna. Dad fetched us after his work and we did some errands. Pagdating ng dinner time, nag-aya na ako sa Scotts Landing Fish and Chips kasi nga ayaw kong kumain ng karne at wala naman akong maisip na ibang kainin. Sa totoo lang, ayaw kong kumain ng fries kaso nga ano ba ang pwedeng makain na labas na walang meat?

I've always wanted to eat sa Scotts. We used to live in Guildford at palagi namin yang nadadaanan. Katabi rin yan ng Church's Chicken kaya palagi kong natatanaw. I yelp'ed it at maganda naman ang review kaya sabi ko kay Ford subukan namin.

Sa totoo lang, ayaw ni hubby ng fish and chips that time. Ako na lang daw at doon siya kakain sa malapit na Filipino restaurant that sells Ilocano food. Pero closed na yung restaurant na yun so naki-join na lang din siya sa akin.


Expectedly, the place was small pero maganda at malinis naman sa loob. I wasn't able to many pictures of the interior kasi nahiya ako sa owner/cook.


May isang group of diners lang inside when we came at 6:50pm.


Here's their menu:

Picture grabbed from Scott Landing's website
We ordered the cheapest fish pollock hahaha! It's an ordinary day at parang di na kami sanay kumain sa labas ng mahal kapag walang okasyon. The past months, puro fastfood lang kami kasi yun ang mura (kaya naman kami nag-gain ng weight waaah!). Kailangan din kasing magtipid kasi ang daming gastos tapos syempre mahal ang mortgage (plus strata fees at real property tax) ng bahay.

Medyo matagal kaming nag-antay ng order namin kasi pagkabayad ko saka pa lang niluto yung fish. Medyo nakakainip na nga pero ayos lang din kasi masarap ang bagong-luto syempre.


And finally! Two orders of 2-pc pollock with homecut fries and homemade tartar sauce for $24.99 (or Php1,000.00). Wala pang drinks yan ha. Hindi na ako nagbigay ng tip kasi wala namang 'service' eh. Kinuha ko lang sa counter yung food nang maluto na. Saka yung owner na rin mismo ang nagluto.


Our Verdict --- MASARAP nga! At malaki rin ang fish. Naisip nga namin na sana nag-share na lang kami o kaya sana bumili kami ng 2-pc tapos nagdagdag na lang kami ng fish tutal eh konti lang naman ang kakainin kong fries. Oh well, we know na next time.

Mas mahal ang cod at halibut kaya mas masarap for sure. Pero naisip ko, will I shell out $9.40 (tax included) or roughly Php375.00 for one piece of fish? Hindi siguro. Haha, ang kuripot ko na talaga. Ang mahal kasi talagang kumain sa labas dito kaya nagkaka-guilt feelings ako. Tapos as a nanay, panay din ang kuwenta at convert ko.


No comments:

Post a Comment