Wednesday, March 13, 2019

Useless party give-aways

Ang tagal tagal ko ng gustong mag-rant about this haha! Pero siyempre hindi ko naman magawa talaga in person kasi nakakahiya. But since no one I know reads this blog (I hide this away from family and friends lol), dito ko na lang gagawin.

You see, we attended a party last month. We enjoyed the food and the hosts were very nice. Before we went home, the mom of the kids-celebrants handed us these fridge magnets.

One confused Caucasian guest asked her: "What's this?" The mom replied: "It's a ref magnet." At napa-"Ohh" na lang yung guest.

Napailing din talaga ako the moment na inabot sa akin ang mga ito. Sa basurahan kasi talaga ang bagsak ng mga ito. Oo na, mean na kung mean.

Eh kasi naman, why would I put pictures of other kids on our fridge? Pwede pa siguro kung pamangking-buo ko sila. Thrice ko pa nga lang nakikita ang mga batang iyan eh, at hindi rin kami ganun ka-close ng parents. These type of souvenirs should be given to immediate family lang, yung tipong grandparents at uncles and aunts lang.

By the way, these souvenirs were made in Pinas pala. Wala naman nga kasing gumagawa ng ganyan dito. Seriously, party hosts should stop giving out this nonsense. Pwede namang chocolates and candies na lang ang ipamigay in lootbags. Basta wala yung nagsusumigaw na picture o name ng anak ninyo (this applies to other souvenir items like pillows, mugs, frames, etc.).


We attended a wedding nga rin pala last August and these were the give-aways.


Ok yung nasa left (pastries ang laman) pero napailing talaga ako sa nasa kanan. My first reaction when it was given to me: "Seriously? May nagbibigay pa pala ng ganito ngayon kaloka!" At syempre galing din sa Pinas yan.

I hope those who throw parties are mindful enough think of souvenirs na hindi jologs. Hindi yung may maibigay lang, kasi sayang din ang pera at effort nila if these things end up in trash.


No comments:

Post a Comment