I remember getting very bored last August 2018 so I searched for some kits in Amazon.ca. Tapos I asked the hubby to buy them for me haha, tutal kako malapit na ang birthday ko. We paid $42.95 (or around Php1,700) these three. Medyo mahal kaso wala namang ibang mabilhan dito eh. Saka gusto ko talagang gumawa para maipa-frame at maisabit sa bagong bahay.
Very limited ang choices sa Amazon. Kaunting-kaunti lang ang ang mga fully beaded na designs kaya ito lang ang napili ko. At halos pare-parehas sila ng color scheme - pink, purple, light blue.
I started doing this kit in September 11, 2018. I normally finish a design this small (12x16in) in 2-3 days pero this February ko nga lang natapos. Tinamad kasi ako (plus andami naming pinagdaanang problema ng last quarter of 2018) kasi hindi ako nagandahan. Malabo kasi siya sa actual, hindi ganun ka-detalyado (malinaw lang tingnan sa picture). Nanghinayang lang ako kaya ko tinapos. I'll just give it to my mother haha.
Right after finishing the first one, tinapos ko na rin agad itong dalawa. Talagang kinarir ko, to the point na wala na akong ginawa sa bahay haha. Buti di ako napagalitan ng asawa ko.
Nice sila, in fairness.
Sayang hindi ma-capture ng picture ang kinang nila.
I'll be bring these home para ipa-frame. Ang mahal kasing magpa-frame dito. Sa Pinas around Php400 (or $10) lang aabutin ang isa.
I am planning to finish a lot of diamond paintings in the Philippines. Yung malalaki sana kasi trip na trip yang gastusan ng nanay ko (iiwan ko rin naman sa kanya), kaso naman wala pa akong mahanap na ok na supplier. Actually, the best bumili sa Heavenly Stitchin' Moment sa SM North (yung original na bilihan ng crossstitch supplies) kasi sobrang gaganda at sososyal ng designs nila pero naman, sobrang pricey din. Nasa Php2,000-4,000 ang designs na gusto ko, hindi pa ganun kalalaki yun ha. Di kaya ng budget ko waaah. Sana talaga dumami pa ang suppliers para bumaba rin ang presyo.
----------------------------------------
PS. Syempre dahil nakita ng little boy ko na gumagawa (uli) ako, he insisted to try. And I was impressed, ang dali niyang natuto. Great job, anak!
Nathan @ 4 years old |
No comments:
Post a Comment