Wednesday, March 6, 2019

Fridge Magnet Display

We've been living here in our new townhouse for 3 1/2 months already and still, para pa rin kaming bagong-lipat. Hindi pa rin talaga namin naayos ang mga gamit, many of our stuff are still in boxes na nasa garahe.

If you will ask why, sige ang primary reason na siguro talaga ay katamaran. Nakakatamad talagang maghalukay haha! Kung tutuusin, we are ok na with all the things that we are using now kaya parang nate-take for granted na namin yung ibang gamit. Tsk, saka parang nire-remind lang ako ng mga yun sa engagement ko to excessive counsumerism. Ewan ko ba. Oh well, crammer naman ako. I have one month pa para mag-ayos kami ng bahay bago kami umuwi ni Nathan sa Pinas so I'll make sure na gagalaw na ako in the coming days. Ayaw ko namang abutan pa ang mga ito pagbalik namin sa August noh.

Anyway, since hindi ko pa maipakita sa inyo ang bahay namin, unti-unting parts/areas na lang muna. Let's start with our fridge magnet display. Haha, sa Pinas we call it "ref magnets" pero dito kasi they use the word fridge. I remember when we were in a shop in Squamish, I asked the salesperson for a ref magnet tapos hindi niya gets kung ano yun. Since then, sabi ko fridge magnet na nga ang magamit na term.

So eto na nga ang display boards ko ng fridge magnets. As I have mentioned in this post, nag-start na uli akong mag-collect ng travel souvenirs, including magnets.

I still have more magnets, di ko pa lang naa-unearth hihi.

Noon pa lang naga-apartment kami, sinabihan ko na ang asawa ko na gawan niya ako ng something similar to this (in white frame). Nakita ko kasi na may ganyan din sa house ng in-laws ko sa Califonia na ginawa daw ni father-in-law. So syempre oo lang ang sagot ng dyowa ko. Ayun, nitong nakalipat na kami eh narealize ko na aabutin siguro ng siyam-siyam bago ako magkaroon nito kung siya ang aasahan ko. Aside sa kulang sa time (syempre marami pa kaming dapat unahing gawin at ayusin dito sa bahay), eh hindi naman talaga crafty ang asawa ko. He's good with the usual manly fixings and repairs pero sa may mga kailangan ng creativity, medyo sabit siya lol.

Credits: www.leesheatac.com

Buti na lang I found this white magnetic memo board noong naglalakad-lakad kami sa Ikea. Naisip ko agad na pwede na ito for our fridge magnets.



We bought two muna for $22.39 (tax included) each. Shaiks, almost Php1,000.00 na pala haha. Maliit siya sa totoo lang at parang konti lang ang malalagay. Naisip ko na magdadagdag na lang ako ng boards habang papadami ang collection ko.

White as usual ang theme ng house namin kaya perfect siya.


This is a temporary location, I guess (patay, yari ako kay hubby!). Kapag nagdagdag ako ng boards, malamang ililipat ko sila. We have limited wall spaces so baka sa may bandang stair na lang.


We actually have a bigger refrigerator now that can accommodate lots of magnets kaso ayaw ko naman ngang maglagay doon. Some magnets are fragile (especially yung mga ceramic type) at tiyak magkakandahulog kung palaging nagagalaw. Tapos ang hirap pang linisan ng ref kapag maraming nakalagay. At ang kalat pang tingnan.

O siya, I hope to be able to show you more parts of our house soon. Please stay tuned. =)

No comments:

Post a Comment