Pero dahil nga mataas ang value ng US dollars, we decided to use na lang yung remaining USD namin. Naghagilap ako talaga haha! Medyo marami-rami pa naman, pwede pang gamitin ng ilang balik hehe.
July 21, 2018 (Saturday). We left our place at around 12:45pm. Late na kasi late na kaming gumising eh. Hindi naman din kami nagmamadali. We prefer to cross the border ng alanganing oras para hindi mahaba ang pila.
Upon checking online, around 30 minutes ang waiting time sa Peace Arch at Pacific Crossings kaya dun kami sa Aldergrove as usual. Mas malayo iyon pero kesa nakapila ka sa mga "famous" borders na yun ng at least 30 minutes, idrive mo na lang yung oras na yun going to Aldergrove kung saan wala halos pila.
Whenever the Border Officer asks us kung saan o ano ang gagawin namin sa US, we would answer na that we are going to Jollibee. Gets na nila yun haha. Tatawa na sila at magjo-joke.
At dahil wala akong valid I-94, we had to stop briefly in their immigration office. Walang ibang tao dun, kami lang, kaya sobrang bilis. Kinunan ako ng finger prints at photo. Ang sabi ng Immigration Officer, I lost weight daw haha. He must have seen the difference ng current picture ko sa mga nakaraan.
I paid USD6.00 again for my 6-month I-94 validity. Hmmp, di bale na nga. This will be the last time na magbabayad ako niyan because in less than 6 months, siguro naman may blue passport na rin ako.
From Aldergrove Crossing, Westfield Southcenter Mall (where the Seafood City and Jollibee are located) is around 2 1/2-hour drive pa. Nakakainip kasi takam na takam na nga kami sa Chickenjoy.
We arrived at Jollibee ng 4pm and I wasn't expecting a long line kasi nga alanganing oras. Oh well, Sabado nga kasi siguro kaya never napatid ang linya.
We missed you, Jollibee! Noong nasa Pinas kami, araw-araw akong nagmo-motor sa Jollibee (na malapit lang samin) para bumili ng hapunan ni TanTan.
The queue was long pero mas ok na rin kasi makukuha mo na agad ang food mo after you pay. Unlike before na pipila at magbabayad ka tapos bibigyan ka nung parang alarm na iilaw kapag ready na ang order mo. Ang tagal tagal mag-antay.
Wow, chickenjoy! We paid USD26.50 (or CAD35.78 / Php1,416.16) for these. We wanted to add pa sana spaghetti and burger after kaso pipila na naman ng mga 35-40 minutes.
One Pinoy guy handed this toy to me, baka raw gusto ng bata. Syempre I happily accepted kahit na meron na kami niyan sa Pinas.
Bakit niya binigay sa amin yung toy? Kasi "free" lang yan. Would you believe na parehas lang ang presyo kapag umorder ka ng spaghetti with drinks at kiddie meal na spaghetti with drinks? Tila USD5.99 yata. I learned about it in California kaya sabi ko sa sarili ko na kapag gusto ko ng spaghetti eh yung kiddie meal na ang oorderin ko kahit ayaw ko ng toy.
Then we went na to Seafood City to buy hotdogs and other pang-ulam. I'll show you what we bought there in another post.
Before leaving, we bought some ensaimadas din from Red Ribbon and Valerio's Bakery. Nakaalis kami ng 7:30pm na.
Off to our next destination -- Walmart! Oo, dinayo pa namin talaga ang Walmart. Ang saya-saya kasi ng mga Walmarts sa US, ang dami-daming paninda. Ibang-iba sa mga Canadian stores.
May batang nabuhayan ng dugo haha. Ang cute nitong nakita naming work tools na trolley kaya binili na rin namin. Walang ganito sa Canada eh.
Ay syempre nagutom ang bagets kaya nagpabili ng Happy Meal. Buti na lang nakaabot pa kami sa Incredibles toy. We got Dash yipeee! (Iba ang toys sa Canada at sa US booo!).
So yun, bago umuwi, pakarga ng gas as usual. Ang laki ng kamurahan ng gas sa US kesa Canada kaya talagang doon nagfu-full tank ang mga Canadians.
Medyo mahaba pa rin ang pila sa Pacific Crossing pauwi. Pero ayos lang kasi ang bait ng border officer na babae. Ni hindi kami tinanong kung ano ang pinamili namin haha. Usually kasi tinatanong nila kung bumili ng liquor o cigarettes eh. Kapag grocery items naman o other goods na hindi naman malaki ang halaga, di naman na nila pinata-taxan.
Anyway, it always feels good to be back in Canada kahit na a few hours lang kaming lumabas. Canada is really our home.
Twelve midnight na nang makarating kami sa bahay. Hindi na nga pala kami nagdinner sa labas, yung mga tinapay na binili na lang namin ang kinain namin.
No comments:
Post a Comment