SEAFOOD CITY. Ang pinaka-target namin on this trip was to buy Purefoods hotdogs para na rin may mapampasalubong kami sa mga kaibigan namin sa Edmonton this August. We only bought 20 packs kasi takot si Ford na ma-question sa border. Saka mahal din kasi at USD4.29 per pack (or CAD5.79 / Php229.26).
Aside from that, we also bought longganisa (na palagi rin naming binibili sa Seafood City), two different brands of lumpiang shanghai, turkey bacon (para maiba lang sa kinakain namin), Lucky Me Sotanghon Cup (na wala kaming mahanap sa Canada as of the moment), gilit na bangus (walang ganun sa Canada eh, yung ready to cook na), and Vcut (kasi sale). Bumili rin kami ng ice para sa cooler.
All in all, we spent USD 166.47 (or CAD 224.73 / Php8,896.16) sa mga ito. Grabe, ang mahal din noh?
RED RIBBON BAKESHOP. Parang katulad ng previous cross border trip namin, ito lang din ang binili ko -- Cheesy Ensaimada Family Pack and one moist choco slice. USD14.88 (o CAD 20.09 / Php795.19) na yan ha. Pero kebs na, ang sarap naman kasi ng ensaimada. Wala pa akong nahahanap na bakery sa Canada na may masarap na ensaimada eh.
Ay nagpadagdag pa pala si hubby ng chicken empanada na worth USD2.96 (CAD4.00 / Php158.18). Hindi daw ito masarap.
VALERIO'S TROPICAL BAKESHOP. May isa pang Pinoy bakery sa may Seafood City at talagang natakam ako sa ensaymada nila na nakadisplay sa glass cabinet. Last 2 pieces na lang tapos naunahan pa ako. Buti na lang may pack-of-6 pa sila na natira. Medyo nagdalawang-isip pa ako kung bibilin ko kasi nga namamahalan ako. Imagine, Php62.35 pumapatak ang isang ensaymada! Eh sa Pinas limang piso lang yan. Sa Pan de Manila, mahigit-higit bente pesos. Pero sabi nga ng asawa ko, kung convert ako ng convert eh malamang hindi talaga ako makakakain. O sige na nga, buy! Nakakita rin ako ng whole wheat pandesal kaya sakto, nagke-crave din ako dun eh.
We spent USD10.68 (CAD 14.42 / Php570.74) sa Valerio's.
WALMART. Before going home, syempre daan muna sa Walmart. Agenda rin talaga namin na bumili ng chocolates at iba pang pwedeng mabiling kutkutin dun.
So eto, nakabili kami ng Hershey's Milk Chocolates, Kisses Classic with Almonds, Nestle Crunch, diet popcon (ng asawa ko), Ruffles Cheddar and Sour Cream at beef jerky. May nabili rin nga pala akong $1 na pitchel lol. Binili ko lang kasi sale sa Flamingo haha. At tapos yung toy ni Nathan na tools work bench.
USD51.24 (CAD69.17 / Php2,782.27) ang binayaran namin sa Walmart.
Apart from those purchases, eto pa yung ibang ginastos namin to give you an idea kung bakit hesitant akong pumunta sa Washington talaga.
- US Border fees -- USD6.00 / CAD8.10 / Php320.64
- Jollibee lunch -- USD26.50 / CAS35.78 / Php1,416.00
- Nathan's amusement rides -- USD3.00 / CAD4.05 / Php160.32
- Nathan's McDonald's Happy Meal -- USD3.92 / CAD5.30 / Php209.48
- Gas -- USD36.10 / CAD48.74 / Php1,929.18
Sa kabuuan, we spent USD321.75 (CAD434.36 / Php23,212.33). Ang laki rin pala nakakaloka! And to think puro pagkain lang halos yun ha! Buti na lang we used our US dollars kaya parang 'dead money' lang namin yun, pero syempre pera pa rin namin yun di ba.
Nakow, mukhang next time na ayain ako ng asawa ko na magcross border eh di na ako papayag. Kaso matatanggihan ko ba ang ensaimada at hotdog?
No comments:
Post a Comment