Saturday, July 28, 2018

I bought chocolates in the US

People think na katulad ng America, chocolate-heaven din ang Canada. I beg to disagree. In my almost 5 years of living here, feeling ko nga na-deprive ako ng chocolates na gusto ko. Ang konti ng variety sa totoo lang. Sabi ko nga bakit parang mas marami pang tinda sa Pinas?

To compare, ito ang chocolates aisle sa Walmart USA. Pasensya na kung medyo nakakahilo ang kuha ko.


Ito naman ang sa Walmart Canada.


Sobrang konti lang noh? Actually mas may variety sa Superstore (a Canadian grocery store dito na direct competition ng Walmart) pero no match pa rin sa mga chocolates sa US.

Sa totoo lang, napakasimple lang naman ng taste ko sa chocolates. Very basic lang, ayaw ko ng mga gourmet-type kasi tingnan ko pa lang eh natatamisan ako. Tatlo lang ang favorite ko talagang "imported" chocolates sa mundo, pero would you believe na wala sila sa Canada?

I truly find it weird na wala nitong Hershey's Milk Chocolate dito. Ang meron lang ay ung creamy milk chocolates with almonds.


Itong Kisses Milk Chocolate with Almonds ang super tagal ko ng kine-crave kaya I was so happy nang makakita ako ng malalaking packs. Walang ganung kalalaking packs sa dito eh.  Minsan pala may sumusulpot nyan dito sa Canada (last Christmas nakabili ako) pero on an ordinary day, wala talaga sa grocery shelves.


Ito pa! Made in USA lang naman ito pero bakit hindi pa nakaabot sa Canada? Dati nakakabili pa ako nito sa Dollar Tree eh, pero matagal ng wala. Minsan nakakita rin ako nito sa Daiso pero $3+ ang isa (small bar lang yun ha) kaya dedma na lang.


Aside from chocolates, itong Ruffles Cheddar and Sour Cream ang isa pang nabigo akong makita sa Canada. Favorite ko kasi ito.  Grabe, sa SM Hypermarket ay pakalat-kalat lang ito.


Oh well, blessing in disguise na rin siguro na wala nung mga gusto kong chocolates dito kasi nga haler... diabetic! Saka pasalamat na rin na we live near the border, we can cross anytime. Kapag nakalipat na kami sa bagong bahay namin, we'd probably do grocery shopping in Walmart and Target every month, para maiba naman sa panlasa namin.

No comments:

Post a Comment