Anyway, before I make kwento about our recent trip to Alberta last August 3-7, 2018, share ko muna sa inyo ang naging expenses namin. Natapos ko na kasing i-compute. Gusto ko lang din talagang ma-document ito kaya iba-blog ko in detail hehe.
So magkano nga ba ang nagastos namin?
We've shelled out at least $1103.10 (or Php44,124.00) for this trip. Eto yung breakdown:
- Gas -- $355.14 (Php14,205.60). Honestly, medyo nagulat ako dito haha. Akala ko around $250 lang ang balikan. Pero sabagay, dumaan pa kasi kami ng Lake Louise at Banff. Mahigit 20+ hours kaming nag-drive noong first day at 14+ hours pauwi. But take note, maliit lang ang kotse namin ha. Mas magastos pa syempre kapag malaki ang sasakyan.
- Food -- $313.34 (Php12,533.60). Halos wala kaming ginastos sa Edmonton sa pagkain kasi pinakain talaga kami nang husto ng mga kaibigan namin (once lang kami kumain sa labas sa Edmonton kasi namiss namin ang crispy pata ng Manila Grill). Yan lang yung mga kain namin sa biyahe (ang mahal ng pagkain sa Banff!). Ahh, at may beer pa pala dyan na binili ni Ford para sa inuman nila.
- Pasalubong -- $312.57 (Php12,502.80). Almost 30% din pala ng total trip ang napunta sa pasalubong na siopao, Purefoods hotdogs, at Krispy Kreme para sa mga kaibigan namin sa Edmonton. Medyo kulang nga eh, dapat mas marami pa pala, kaso ang bigat din kapag sabay-sabay silang bibigyan hehe.
- Others -- $87.10 (Php3,484.00). Included dito yung Banff Park fees, WEM Galaxyland admission fees, at car wash. Parang yan lang naman.
- Souvenirs -- $34.95 (Php1,398.00). Syempre hindi pwedeng hindi gastusan ang souvenirs. Ref magnets lang naman, actually. Souvenir-shopping ang pinaka-enjoyable part ng trip para sakin haha. Medyo nagsisi pa nga ako kasi I should have bought more, kaso nga namamahalan din ako. Di bale, nandyan lang naman ang Alberta. Babalik uli kami syempre.
Not included in this list pala are other auxiliary expenses like new clothes, gas (in buying pasalubong), other food baon, etc.
Kung tutuusin matipid pa talaga yan kasi nga nag-stay kami sa house ng friends namin tapos libre kain haha. Pinoy hospitality at its finest talaga. #Ilovemyfriends
$1103.10 is not a small amount here in Canada pero I am glad that we were able to reunite with our very good friends in Edmonton for that amount. Priceless ang naging bonding namin. If only we could visit them every year hay.
----------------------------------
Note: $1.00 = Php40.00
No comments:
Post a Comment