Friday, June 29, 2018

Salary increase celebration

June 27, 2018 (Wed). Ford's company just had their annual wage and work review and we were happy kasi syempre may salary increase ang asawa ko. The increase will take effect starting July.

To celebrate, nagpakain si Mayor sa labas. Where else eh di sa favorite naming Il Uk Jo Korean-Japanese Buffet Restaurant. Susme, parang nung Father's Day lang eh nandun din kami.

We were contemplating kasi kung sa isang ala carte restaurant kami kakain o doon (wala naman kasi kaming ibang gustong buffet restaurant dito). Nanaig ang pagiging praktikal, nanalo ang Il Uk Jo. kasi kung sa ala carte kami, hindi pa kami mabubusog sa $50. Sa Il Uk Jo, less than $55 lang eh busog na busog na kami. Yun nga lang, ang diabetes! Kaso may excuse naman kami to cheat di ba?


Children below 4 years old are free kaya isa pang gusto namin doon. Eh kasi hindi naman kumakain si TanTan ng food nila, sayang kung ipagbabayad namin tapos walang kakainin. Nagbabaon pa tuloy kami ng Mc Donald's Happy Meal for him.

But anyway, narealize namin na mas ok talagang kumain doon pag lunch time kasi mas mura ang rate. Mas makakamura ka ng around $15 for two persons.


Now about the salary increase.

To be honest, medyo malaki naman siya. Ang problema lang kasi talaga eh malaki ang tax. Sa compute ko, around 60% lang din noon madadagdag sa monthly income niya. At dahil nga lalaki ang gross income ng asawa ko, lalaki rin ang percentage ng income tax.

You know what, minsan bitter si Ford haha. Kasi sobrang daming privileges daw ng low-income families - at the expense syempre of middle-income earners. Kawawa raw talaga ang professional class kasi sila ang talagang nagsa-subsidize sa lower class. Syempre ibang usapin ang sa upper class.

I can't blame him. Nakakalula naman talaga ang annual income tax niya. Equivalent na sa yearly income ng isang 'ordinaryong' empleyado dito.

Not that super laki ng income niya. Kung sobrang laki nun eh di sana hindi na namin kailangang mamroblema sa pagbili ng bahay dito sa BC. At sana hindi na namin kailangang magtipid. Sadyang malaki lang talaga ang deduction sa kanya kanya ganun.

Pero usapan lang naman yung bitterness na yun, syempre talagang nagpapasalamat kami. Ang sabi ko nga sa kanya, mas mabuti ng siya ang nagsu-subsidize kesa kami ang under welfare. Hindi naman maganda sa pakiramdam na umaasa ka sa tulong ng gobyerno noh. When he lost his job in Edmonton, nakakakuha siya ng Employment Insurance (EI) from the government every 2 weeks. And although he paid for that insurance (through monthly deduction sa sweldo niya) and is very much entitled to it, nandun pa rin yung feeling na ayaw mo ng ganun. Na mas ok pa rin na may trabaho ka at kumikita ng sarili mong pera.

Salamat po, Lord, for all the blessings!

No comments:

Post a Comment