I went back to tracking our expenses since we got back here last June 8. As I have mentioned in my previous post, naglilista na talaga ako ng mga nagagastos namin everyday para namomonitor ko kung magkano ba talaga ang total expenses namin every month.
At nawindang ako ha! In 20 days na nandito kami, would you believe na $2133.04 (o around Php85,500.00) na ang nagastos namin? Walang fixed expenses (like apartment rental, electricity, phone, insurance, etc.) na kasama yan ha. Talagang mga purchases lang.
Grabe, ang gastos ko talaga. When Nathan and I were in the Philippines, sobrang liit lang ng gastos ng asawa ko. Ako talaga ang factor kung bakit hindi kami yumayaman lol!
Oh well, sabi naman ng asawa ko eh ayos lang yan. Kasi may mga pinagkagastusan naman kami na hindi naman palagi -- katulad ng renewal ng costco membership ($60), bike at helmet ni Nathan ($103), graduation cash gift for Ford's inaanak in the US (USD100 or CAD135), etc. Saka dahil matagal kaming nawala, ubos talaga ang grocery stock dito sa bahay (hindi kasi nagluluto ang asawa ko) kaya malaki talaga ang napamili naming pagkain the past 3 weeks. Tapos bumili pa kami ng mga Pyrex glass food containers at ilang frying pans. Ah basta, try kong pababain ang expenses namin next month. Kailangan talagang magtipid kasi nga magkaka-bahay na kami uli. Ang dami-daming gastos!
Anyway, medyo nagka-backlog ako sa pag-tabulate ng expenses namin kasi nga may mga pinagawa sakin ang asawa ko the past nights. Kagabi ko lang naayos uli ang listahan ko.
And guess what, ito ang nadiscover ko:
Twice akong na-charge sa popcorn! Waaaaah!
I know na $1.00 lang yan (plus 5% tax) kaso nakakasama pa rin ng loob syempre. Php42 pesos din yan kung iko-convert.
I don't blame the cashier naman kasi I am sure she didn't intentionally scan the item twice, overly sensitive lang siguro ang scanner. Ako naman was busy putting the other items on the counter kaya hindi ko rin napansin. But I should have checked the receipt after. Pwede namang pasadahan ng tingin saglit.
This isn't the first time that it happened to me in Dollarama. Probably two years ago, I paid $30+ something without checking the receipt. Medyo nabigla ako sa total amount na lumabas sa screen but I paid anyway, without bothering to check the receipt. Two days later, nang makita ko ang resibo sa bag ko, I was shocked kasi may unang tatlong $3 sa list of purchases ko. Talagang wala akong binili na ganun kahit anong isip ko. Kaya pala umabot ng $30+ ang total ko kasi almost $10 na yung na-mischarge sa akin. Pero syempre wala na akong nagawa, pano ko pa babawiin yun? Sobrang nanlata talaga ako.
Hay tapos eto na naman ako. Buti nga yung $1 ang nadoble. Paano kung yung $4?
Lesson learned na talaga! From now on talagang babantayan ko na ang pag-scan ng items ko sa lahat ng bilihan. Tapos iche-check ko ang receipt after.
No comments:
Post a Comment