Wednesday, June 20, 2018

Father's Day 2018

As usual, we had a very simple Father's Day celebration last Sunday (June 17, 2018). Days before, we were searching na for a nice restaurant na hindi pa namin nakakainan, pero we ended up having lunch at Il Uk Jo Japanese-Korean Buffet Restaurant again. Kasi comfort restaurant talaga namin ito haha. Bukod sa mura (lalo na kapag lunch), nasasarapan naman kami sa food. Saka matagal na nga rin kaming hindi nakakain dito kasi nga five months kami ni Nathan sa Pinas.

By the way, last year dito rin kami nag-celebrate ng Father's Day haha. We're such creatures of habit.


However, eating there wasn't a good idea. Punuan kaya ang pangit ng puwesto namin. Wala kasi kaming reservation. At dahil maraming tao, ang tagal ding dumating ng order namin. Oh well, ganun naman talaga kapag may occasion, dagsa ang tao sa restos.


Sobrang pangit ng lighting sa loob kaya nanghihinayang ako kapag kumakain kami doon. Di ko makuhanan ng maayos ang food.


I will always be thankful that this guy is the father of my son. Swerte kaming mag-ina. =)


After eating, we went lang sa Guildford Town Centre para maglakad-lakad at magpababa ng kinain. Pero kaloka, ang Nathan nagpoo-poo while I was shopping for pants sa Old Navy. Buti na lang ever-mabait si Daddy Ford kasi inuwi niya talaga si Nathan sa bahay namin (na malapit lang naman) para dun linisin. Bumalik na lang sila sa mall after. Yep, that's Daddy Ford! Kapag nasa labas kami, siya talaga ang in-charge kay little boy. Pinapabayan niya talaga ako na mag-enjoy hehe.

Umuwi na kami after mag-Starbucks (na hindi masarap) at bumili ng new headset ni Dad. Then binigay namin yung gift namin ni TanTan for him. Noong bandang gabi na, naga-aya pa siyang lumabas kaso tinamad ako kasi nga busog pa at nahahassle akong lumabas. Sabi ko mag-fishballs na lang kami sa bahay haha! Buti pumayag naman.

----------------------------

Happy Father's Day, Daddy Ford! Not everyone is blessed with a great father like you! Thank you for everything that you do for us. We love you so much! 




Gifts for Daddy Ford (2018)

I don't usually give gifts to my husband. Aside from the fact that I don't have money of my own here (haha, ang corny naman na bilhan siya ng gift out of his own pocket), mahirap talaga siyang bilhan ng regalo kasi wala siyang gusto. Siya na siguro ang pinaka-non-materialistic person na kilala ko, bukod sa ermats ko.

But now that Nathan is bigger at mas nakakaintindi na, gusto kong ma-instill sa kanya ang value ng gift-giving. Gusto ko na hindi lang siya excited tumanggap, marunong din dapat siyang magbigay. I am glad na as early as two, enthusiastic na talaga siya na mag-abot ng gifts sa ibang tao. Kahit nakabalot na regalo o simpleng pasalubong man yan, excited na excited siyang magbigay at tingnan ang masayang expression ng mga taong binibigyan niya.

So for Father's Day, dapat may maiabot kami kay Daddy Ford na kahit ano lang. It's the thought that counts, anyway. Sa Pinas na ako naghanap kasi nga one week lang after namin bumalik dito ay Father's Day na.

I am glad may stock ako ng Marvel heroes gift wrapper (bought in Dollarama), perfect ito for our own super hero. =)

 Daddy Ford was actually surprised when we handed him these gifts.


Na eto lang naman ang laman lol.


  • Father's Day card -- from Dollarama, $1.12 (lagi naman namin siyang binibigyan ng card pag Father's Day o birthday niya)
  • San Miguel Beer Light bottle opener / ref magnet -- from Blue Magic, Php50.00 (kasi favorite ni Dad ang beer na ito haha)
  • Desk Pad -- from Papemelroti, Php149.00 yata (haha, sabi nga ni dad eh para sa akin naman ito!)
  • Body Bag -- from Girbaud, Php525.00 yata (Dad doesn't use bag but I felt that he needs one now for an updated "baby bag" lol. Siya kasi ang tagabitbit ng baby bag ni Nathan pero dahil bigger na ang bagets, less things na ang kailangan naming dalhin. At least iyan pang-lalaki haha. And why Girbaud? Kasi "special" sa amin ang brand na yan. Nung panahon namin (i.e. when we were in college), sikat na sikat ka kapag naka-Girbaud ka hahaha! Eh ngayon sobrang cheap na lang ng Girbaud, saka walang ganyan dito sa Canada noh. I am glad natuwa naman siya sa bag. Sabi niya sana bigger daw para magamit niya sa office. Aba me ganun pa siya ngayon!

Ayan tapos na ang Father's Day. Next occasion to prepare for naman is Dad's 40th birthday in September. Dapat medyo bongga naman ng konti hehe. 

Tuesday, June 19, 2018

Goodbye, Auntie Nen. =(

Ford's 88-year-old aunt passed away yesterday (June 19, 2018 - Philippine time). She recently had a pacemaker insertion and we thought she'll be ok na. Kaso dahil medyo may edad na talaga, marami na ring ibang sakit ang dumapo sa kanya.

Auntie Nen is so special to my husband. She acted like his second mother when he was growing up kasi nga kasama nila sa bahay. She was his math teacher and mentor. Siya nga raw ang favorite among the nephews and nieces.

December 2016

If there's one thing I regret, it's that Nathan and I weren't able to visit her during our 5-month stay in Pinas. She was looking for Nathan daw. Kaso they live in Luna, La Union and I don't go there without Ford kasi nga ang layo. Hindi ko kayang dalhin ang bata doon mag-isa. Wala na rin kasing tao masyado sa probinsya, my immediate family-in-law are all based abroad. Kaya walang maga-aasikaso sa amin doon, given na may sakit na nga si Auntie Nen. Siya na lang kasi ang naiwan mag-isa sa ancestral house nila (with some helpers, of course).

Sayang nga, she passed away just merely 10-days after namin umalis ng Pinas. Sana nandoon kami to pay our last respects.

----------------

Anyway, my husband is in a dilemma. Uuwi ba siya ng Pilipinas o hindi? There's a part of him na gustong-gustong umuwi (lalo na at tinawag ang name niya bago mamatay nang makita pa namin sa Facetime), pero given our current situation, parang hindi feasible. Ang daming dapat i-consider eh:

BUDGET -- Ang mahal ng plane ticket na mabilisan. Mahina ang Ca$1,600 (o Php65,000) kung uuwi siya. Idagdag pa ang additional expenses like airport parking (for at least a week), expenses sa Pinas, contribution sa hospital bills and burial, etc. Aabutin siguro ng around Ca$3,000 (Php120,000). To be honest, dati madali lang sa aming gastusin ang ganyang amount. Pero dahil kabibili lang namin ng bahay at maraming naka-ambang gastos sa mgas susunod na buwan, malaki na iyon. Sobrang bigat, actually.

VACATION LEAVE -- Isa pa ito sa major concern kapag kailangang umuwi ng Pinas agad-agad -- may leave credits ka pa ba at/o papayagan ka ba ng boss/company mo? Sa case ni Ford, madali lang para sa kanya ang magpaalam (yung mga bosses na yata niya ang pinaka-compassionate employers sa mundo) pero he was alloting sana all his remaining leaves sa paglipat namin sa bahay. Medyo matagal din kasi maghakot at magsettle sa new house kaya kailangan niya umabsent ng matagal-tagal kasi wala naman kaming ibang aasahang tutulong sa amin. With a very clingy toddler, malamang siya lang ang gagawa ng bulk ng trabaho by that time.

By the way, may 3-day bereavement leave dito sa Canada pero it only applies to deaths of immediate family members eh.

LONG AND TIRING TRAVEL TIME -- We need at least 24-hours para makauwi sa Pinas (including na yung commuting time to/from airport, waiting times, plane rides, layovers, etc.). Mas matagal pa ang kakailanganin niya since sa La Union siya uuwi at malamang walang susundo sa kanya kasi nga nasa probinsya na lahat ng tao. So we're seeing na 3-4 whole days lang siya sa Pinas tapos babalik na sa Canada. Tapos back to work na rin agad. Talagang parusa sa katawan yun.

SOME FAMILY CONCERNS -- I am actually hesistant na payagan siyang umuwi kasi natatakot ako maiwan dito mag-isa with Nathan. I am useless here, if something happens, matutulala lang ako. I also feel so alone here, pakiramdam ko wala akong ibang maaasahan in case of emergency. Buti sana kung nasa Edmonton pa kami at maraming kaibigan. Saka physically, hindi ko kaya si Nathan mag-isa ng 24/7. By body is too weak at mentally, nakakabaliw kapag kaming dalawa lang. Kaya sobrang takot din ang asawa ko na iwan kami (haha) kasi kawawa daw ang anak niya dahil baka masigawan ko lang pag na-stress ako.

Pero dahil ayokong maging KJ, I told Ford that he could go. I told him that the decision is up to him. Tingin ko gusto nya rin umuwi dahil uuwi ang parents at sister niya from California. Yung brother niya from Qatar, nagpa-plano rin. Ang sabi ko lang sa kanya, timbangin niya nang maayos. Wag kakong magpa-peer pressure (lol) kasi iba-iba naman ang circumstances ng mga tao.

His grandmother passed away in May (2014) and he was able to decide to go home kaagad kasi nga madali that time. I was pregnant with Nathan that time at thankfully nasa second trimester na kaya I was feeling better. Tapos nasa Edmonton pa kami noon, marami kaming kaibigan na matatakbuhan. Wala ring problema sa budget kasi talagang settled na kami that time with a house na hindi kasing laki ang mortgage ng tulad ng magiging mortgage namin dito sa BC.

Hay, ito talaga ang isang malungkot when you are living abroad. Hindi ka basta-basta makakauwi kung may mga ganitong pangyayari. Naexperience ko na ito when my grandfather naman died in October 2014. I wasn't able to go home kasi nga manganganak na ako.

Anyway, whatever the husband decides, alam ko naman na maiintindihan yun ni Auntie Nen.

Monday, June 18, 2018

Back to drinking milk

Yey, TanTan is back into drinking milk! Mommy Ces is so happy!


The past five months na nasa Pinas kami, hindi talaga siya nag-milk. I never expected na magkakaproblema ako sa gatas kasi the last time na umuwi kami (he was 2 years old), Anchor Full Cream Milk ang dinedede niya. Pero nitong huling uwi namin, ayaw niya. Iba daw ang lasa (from the fresh milk that he was drinking here in Canada). Marami kaming sinubakang brands ng fresh milk pero ayaw niya talaga. So he ended up not drinking milk at all.

May ok din namang nadulot ang hindi niya pag-inom ng milk kasi natuto siyang kumain ng solids (no choice kasi magugutom siya). Bago kasi kami umuwi kasi, halos 80% ng diet niya ay milk. Ni hindi siya nagra-rice. Konting fried chicken at fruits lang tapos puro dede na. Busog na kasi sa milk pero ayaw naman paawat.

Sa Pinas, in lieu of milk, Zest-O ang ipinalit niyang liquid. Alam naming bad kasi nga matamis yun pero I am telling you, when your child is a picky-eater, ipagpapasalamat mo na lang kung meron siyang ibang magugustuhang kainin o inumin. Buti na rin nga at natuto na siyang magrice at kumain ng more biscuits and fruits. Pero syempre worried kami, lalo na ang lola niya, kasi nga too young pa raw si Tan to not drink milk. I assured her na pagbalik na pagbalik namin sa Canada, paiinumin ko uli ng gatas.

And that's exactly what we did. On our second night here, talagang hinainan na namin siya ng milk. My husband was hesitant in giving him milk on the bottle kasi nga babalik na naman daw sa pagdede, eh nasanay na nga na hindi. But the mom in me was desperate, I don't care kahit magdede siya uli, basta uminom lang uli siya ng gatas. I reasoned to my husband that when I was young, I never drank milk on glass kasi iba kako ang lasa. Nagdedede ako hanggang grade 2 (about 8 years old). Sabi ko maiibahan sya ng lasa kung hindi sa bote at baka ayawan agad. I won.

I was so shocked though that when I handed him a bottle of milk, he was clueless on what to do. Sabi ko isubo niya yung nipple and that's what he did, pero hindi siya sinisipsip. "Turuan mo ako, Mommy," he told me.

Really? In just five months, nakalimutan na niyang dumede? Pwede pala yun! Akala ko very natural ang pagdede sa bata, na parang instinct lang talaga. I was totally surprised.

At dahil wala siyang masipsip (ayaw niya kasing i-suck nang maayos), we suggested that he use a drinking store. Pumayag naman but he kept saying "iba lasa." It took him so long to almost finish his milk. Pero good sign iyon kasi pinipilit niyang inumin talaga. Yung iba kasing pagkain o inumin sobra ang resistance niya, ni ayaw tikman man lang.

After a day, we tried giving him milk on a sippy cup naman. Medyo nahirapan siya so sabi namin inumin na niya directly. At ayun nga, jackpot! Umiinom na siya uli ng milk! Bonus pa na hindi na thru bottle/dede.

Unti-unti, na-socialize na sa dila niya ang lasa ng milk. So now, 9 days after we arrived, sanay na sanay na uli siyang uminom ng milk. Saka sa gabi na lang, bago matulog. In fact, siya na mismo ang nagsasabing iinom na siya ng milk before he goes to bed. Ang bilis din tuloy niyang makatulog after.

Basta super saya ko lang kaya nag-blog pa talaga ako about this haha!

Ooops, dapat pala twice a day siya mag-gatas, one in the morning and one at night. Pero sa ngayon kasi dahil late siyang gumising, halos lunch na ang unang nagiging meal of the day niya. Pero gagawan ko ng paraan in the coming days na makadalawang baso siya. Pramis!

No more US trips for now

My husband went to our bank the other day to request for a bank draft because he wanted to send a little amount to his godson in the US who just graduated from high school.

Medj nalungkot kami when we learned na ganito na pala ang palitan ng Canadian to US dollar ngayon.


Waaah! It will mean one thing -- no more cross border trips for now. Naglu-look forward pa naman ako na mag-Seattle uli at mamili ng Tender Juicy hotdogs sa Seafood City dun. Saka mag-Jollibee uli syempre. Pero it's really not the best time to go out of Canada. Walang value ang datung namin.

My in-laws, who are based in California, were also asking us to visit them again (kahit kami lang daw ni Nathan since may trabaho si Ford). Ang sabi namin mahirap kasi nga ang baba ng Canadian dollar. Ang lahat ng bilihin dun parang magiging sobrang mahal ang labas, hindi ka rin mage-enjoy kapag ganun.

Hay, kelan kaya tataas uli ang Canadian dollar? Mahirap i-wish na bumaba ang US dollar eh.

Saturday, June 16, 2018

On using balikbayan boxes in lieu of luggage bags

It's very evident on my social media posts that I am fond of carrying balikbayan boxes instead of luggage bags or suitcases. To be honest, I actually thought that it's very normal for OFWs and Pinoys residing abroad to use these carton boxes whenever they go home to Pinas or return to their respective countries of destination. Until two friends recently solicited my advice regarding this. Apparently, hindi sila sanay gumamit ng kahon.

November 2013 (Manila to Edmonton)
I was surprised talaga. Hindi talaga nila alam? I mean, one has been living in Canada for the past seven years while the other one was an OFW in UAE for many years. And never pa nila na-experience mag-karton?

Siguro nga ako ang kakaiba lol. Bringing balikbayan boxes was so natural to me that when I first visited my husband here in Canada in June 2012 (we were newly married then), I never thought of using a luggage bag. Box lang talaga ang nasa isip ko. Well siguro kasi I am so used to seeing my balikbayan relatives from the US na gumagamit ng boxes kaya ito talaga ang naging orientation ko.


November 2015 (Manila to Edmonton)
The primary reason for my preference of using boxes instead of bags is, of course, the WEIGHT. Ang gaan-gaan ng box kesa bags noh. Kahit uso na rin ngayon ang lightweight suitcases, wala ng tatalo pa sa box. You'll have at least 3 to 4 kgs extra weight allowance for your kargada. Big deal talaga yan sa akin kasi I travel heavy. Anywhere I go, ang dami-dami kong dala. 

November 2016 (Vancouver to Manila)
Tapos syempre there are times na may medyo malaki (or irregularly-shaped) kang gamit na gustong iuwi sa Pinas o dalhin sa Canada mula sa Pinas na hindi kasya sa suitcase. Patok na patok ang box kapag ganyan.

April 2017 (Manila to Vancouver)
Now what tips can I give if you are planning to use a balikbayan box on your travel?

First, alamin ang allowed dimension ng airlines mo pagdating sa check-in luggage. Wag tamarin magbasa, usually nasa ticket print-out yan o kaya i-google mo sa website nga airlines.

Second, common naman na 23kgs (or 50lbs) ang allowed na weight per baggage. Pero again, iresearch mo kasi kapag napasobra ang timbang ng box mo, nakow mahihirapan ka ng bawasan. Kaya make sure na accurate ang timbang kasi yan talaga ang pinaka-disadvantage ng paggamit ng box -- pano mo yan bubuksan sa airport? Usually pumapayag naman ang airlines na medyo sobra ng kaunti sa timbang, pero basta wag sigurong lalampas ng isang kilo. Na-experience ko na ang 23.5kgs at ok naman.

Third, make sure na hindi umaalog-alog sa loob ang box. Again, 23kgs lang usually ang allowed na laman niyan kaya posibleng hindi mo talaga mapuno lalo na kung wala kang bitbit na bulky items. I-fold mo na lang yung box para maging fit sa laman sa loob. It's really better kung hindi malaki ang bulto ng box mo para madaling buhat-buhatin.

Fourth, secure your box. Palibutan mo ng packing/masking tape o kung ano pa man na pwede mong ipambalot (like shrink wrap). Manipis ang box kaya dapat ma-stand niya ang pressure ng mga hagis-hagis. Talian din nang mabuti at syempre lagyan ng label for easier identification.

Fifth, palagyan mo ng FRAGILE sticker kahit hindi naman fragile ang contents. Although sabi nila kahit naman daw may fragile sticker eh pinaghahagis pa rin, pero wala namang mawawala kung palalagyan mo. Libre lang naman yun.

Sixth, wag naman balikbayan boxes lahat ang gamitin mo. Kasi kapag nagkagipitan at may kailangan kang item na icheck-in, like a big bottle of perfume perhaps na naiwan mo sa handbag mo, at least may mapaglalagyan ka. Saka mahirap din kasing ipack ang balikbayan boxes, hindi pwedeng last minute eh pinapack mo pa. Kailangan mo pa nga kasing i-tape at talian. Now that I travel with my son, I see to it na 50-50 ang bagahe namin -- 2 suitcases at 2 boxes. Importante sakin yung suitcases kasi nga ang dami-dami kong gamit palagi, yun ang nagagamit ko para sa dagdag-bawas packing mode ko. Yung mga fixed na kailangan kong dalhin talaga, automatic bina-box ko na agad. Sa suitcases na lang ako naga-adjust.

Seventh, don't be afraid to use carton boxes. At least eight times na akong nag-travel with balikbayan boxes and so far, ok naman. Hindi naman sumabog or anything (yan yung fear nung isang nagtanong sa akin eh). kasi nga sealed na sealed naman. Ang worst na nangyari lang ay nagkabutas nang maliit yung isang box pero wala namang nawala sa loob. Sa totoo lang, suwertihan (o malasan?) lang din naman ang pagbibiyahe talaga. Kahit sobrang tibay ng bag mo, pwede rin yang mabuksan o masira eh. Tiyempuhan lang talaga. 

June 2018 (Manila to Vancouver)
Oops, I was asked nga rin pala kung saan nakakabili ng boxes na ito.

Sa Philippines, sa SM Store (stationery section) o National bookstore ako nakakabili. Mas mura sa SM ng around Php50.00 nga pala (I compared the quality at halos same lang naman). May nakalagay naman na balikbayan box dun at pretty standard for plane check-in na ang dimension nun (pero again, i-check sa airlines!).

Dito naman sa Canada, sa mga home improvement stores like Home Depot o Lowe's kami nakakabili. Moving boxes syempre ang term nila at hindi balikbayan boxes.

So there, sana nakatulong ang post na ito. Just comment kung may questions pa kayo ha. Ciao!

Friday, June 15, 2018

Two months delay

Hello! I am back! Nandito na uli kami sa Canada and I've been meaning to blog na uli kaso may jet lag pa rin ako hanggang ngayon. Ewan ko ba, matindi ang tama sa akin ng jet lag ngayon.

Anyway, almost one week na kami rito at medyo nakaka-adjust na uli. Kaso something happened yesterday afternoon that made me feel really really disappointed and sad. Kaya nga ako biglang napa-blog ngayon -- para makapag-release ng sama ng loob huhu.

As I have mentioned on this post, nakabili na kami ng bagong townhouse. It's still in the construction-phase and we were first advised na kung walang delay, matu-turn over sa amin yung unit by September 18.

Asang-asa ako, bes! Naisip ko na kung may delay man, matagal na siguro ang one month.

Pero hindi, two months pala ang aabutin!


Para talaga akong biglang nawalan ng gana sa buhay after ko mareceive ito. Seriously, inip na inip na nga akong mag-antay ng September, tapos magiging November pa?!?! Same length yan ng long vacation namin sa Pinas ahh. Five months wait.

My friend Tess told me to let it go. Wala naman daw magagawa. Eh ano pa nga ba. Kaso ang dami-daming naming plans na masasagasaan dahil sa two months delay na yan.

A late 40th birthday celebration sana ni Ford (kung kakayanin, kasi September 6 ang birthday niya talaga).

A bonggang-bonggang Thanksgiving dinner this October.

A nice Halloween set-up (super excited ako talaga dito!) and trick-or-treating in our new neighborhood.

A simple 4th birthday celebration for Nathan at home (kasi hindi pa siya nagbi-birthday sa Canada ever).

Ang dami-dami ring hassle na kakabit ang paglipat sa mid-November. Sobrang maulan na noon. Tataas na naman yata ang rent namin dito sa apartment by October (kasi yearly yata ang increase), tapos baka pati storage rental. Magre-renew din ng driver's license yata si Ford kaso he couldn't use our future address pa, so ibig sabihin pag lumipat kami magpapa-revise na naman siya ng card (dapat kasi current address) kaya additional expense pa.

Saka sa totoo lang, I want to leave this place asap. Ayaw ko na dito, masikip at luma (bratty problems, I know). Kaso what choice do we have, we're stuck here for the next five months. Susme magpa-pasko na paglipat namin! Di ko talaga ma-imagine! Kung pwede lang umuwi uli ng Pinas, gagawin ko talaga.

O siya, yun lang po. Please excuse my rant. Kelangan ko lang talaga ng outlet.

I will blog again soon! Please stay tuned.