The past five months na nasa Pinas kami, hindi talaga siya nag-milk. I never expected na magkakaproblema ako sa gatas kasi the last time na umuwi kami (he was 2 years old), Anchor Full Cream Milk ang dinedede niya. Pero nitong huling uwi namin, ayaw niya. Iba daw ang lasa (from the fresh milk that he was drinking here in Canada). Marami kaming sinubakang brands ng fresh milk pero ayaw niya talaga. So he ended up not drinking milk at all.
May ok din namang nadulot ang hindi niya pag-inom ng milk kasi natuto siyang kumain ng solids (no choice kasi magugutom siya). Bago kasi kami umuwi kasi, halos 80% ng diet niya ay milk. Ni hindi siya nagra-rice. Konting fried chicken at fruits lang tapos puro dede na. Busog na kasi sa milk pero ayaw naman paawat.
Sa Pinas, in lieu of milk, Zest-O ang ipinalit niyang liquid. Alam naming bad kasi nga matamis yun pero I am telling you, when your child is a picky-eater, ipagpapasalamat mo na lang kung meron siyang ibang magugustuhang kainin o inumin. Buti na rin nga at natuto na siyang magrice at kumain ng more biscuits and fruits. Pero syempre worried kami, lalo na ang lola niya, kasi nga too young pa raw si Tan to not drink milk. I assured her na pagbalik na pagbalik namin sa Canada, paiinumin ko uli ng gatas.
And that's exactly what we did. On our second night here, talagang hinainan na namin siya ng milk. My husband was hesitant in giving him milk on the bottle kasi nga babalik na naman daw sa pagdede, eh nasanay na nga na hindi. But the mom in me was desperate, I don't care kahit magdede siya uli, basta uminom lang uli siya ng gatas. I reasoned to my husband that when I was young, I never drank milk on glass kasi iba kako ang lasa. Nagdedede ako hanggang grade 2 (about 8 years old). Sabi ko maiibahan sya ng lasa kung hindi sa bote at baka ayawan agad. I won.
I was so shocked though that when I handed him a bottle of milk, he was clueless on what to do. Sabi ko isubo niya yung nipple and that's what he did, pero hindi siya sinisipsip. "Turuan mo ako, Mommy," he told me.
Really? In just five months, nakalimutan na niyang dumede? Pwede pala yun! Akala ko very natural ang pagdede sa bata, na parang instinct lang talaga. I was totally surprised.
At dahil wala siyang masipsip (ayaw niya kasing i-suck nang maayos), we suggested that he use a drinking store. Pumayag naman but he kept saying "iba lasa." It took him so long to almost finish his milk. Pero good sign iyon kasi pinipilit niyang inumin talaga. Yung iba kasing pagkain o inumin sobra ang resistance niya, ni ayaw tikman man lang.
After a day, we tried giving him milk on a sippy cup naman. Medyo nahirapan siya so sabi namin inumin na niya directly. At ayun nga, jackpot! Umiinom na siya uli ng milk! Bonus pa na hindi na thru bottle/dede.
Unti-unti, na-socialize na sa dila niya ang lasa ng milk. So now, 9 days after we arrived, sanay na sanay na uli siyang uminom ng milk. Saka sa gabi na lang, bago matulog. In fact, siya na mismo ang nagsasabing iinom na siya ng milk before he goes to bed. Ang bilis din tuloy niyang makatulog after.
Basta super saya ko lang kaya nag-blog pa talaga ako about this haha!
Ooops, dapat pala twice a day siya mag-gatas, one in the morning and one at night. Pero sa ngayon kasi dahil late siyang gumising, halos lunch na ang unang nagiging meal of the day niya. Pero gagawan ko ng paraan in the coming days na makadalawang baso siya. Pramis!
No comments:
Post a Comment