November 2013 (Manila to Edmonton) |
I was surprised talaga. Hindi talaga nila alam? I mean, one has been living in Canada for the past seven years while the other one was an OFW in UAE for many years. And never pa nila na-experience mag-karton?
Siguro nga ako ang kakaiba lol. Bringing balikbayan boxes was so natural to me that when I first visited my husband here in Canada in June 2012 (we were newly married then), I never thought of using a luggage bag. Box lang talaga ang nasa isip ko. Well siguro kasi I am so used to seeing my balikbayan relatives from the US na gumagamit ng boxes kaya ito talaga ang naging orientation ko.
November 2015 (Manila to Edmonton) |
November 2016 (Vancouver to Manila) |
April 2017 (Manila to Vancouver) |
Now what tips can I give if you are planning to use a balikbayan box on your travel?
First, alamin ang allowed dimension ng airlines mo pagdating sa check-in luggage. Wag tamarin magbasa, usually nasa ticket print-out yan o kaya i-google mo sa website nga airlines.
Second, common naman na 23kgs (or 50lbs) ang allowed na weight per baggage. Pero again, iresearch mo kasi kapag napasobra ang timbang ng box mo, nakow mahihirapan ka ng bawasan. Kaya make sure na accurate ang timbang kasi yan talaga ang pinaka-disadvantage ng paggamit ng box -- pano mo yan bubuksan sa airport? Usually pumapayag naman ang airlines na medyo sobra ng kaunti sa timbang, pero basta wag sigurong lalampas ng isang kilo. Na-experience ko na ang 23.5kgs at ok naman.
Third, make sure na hindi umaalog-alog sa loob ang box. Again, 23kgs lang usually ang allowed na laman niyan kaya posibleng hindi mo talaga mapuno lalo na kung wala kang bitbit na bulky items. I-fold mo na lang yung box para maging fit sa laman sa loob. It's really better kung hindi malaki ang bulto ng box mo para madaling buhat-buhatin.
Fourth, secure your box. Palibutan mo ng packing/masking tape o kung ano pa man na pwede mong ipambalot (like shrink wrap). Manipis ang box kaya dapat ma-stand niya ang pressure ng mga hagis-hagis. Talian din nang mabuti at syempre lagyan ng label for easier identification.
Fifth, palagyan mo ng FRAGILE sticker kahit hindi naman fragile ang contents. Although sabi nila kahit naman daw may fragile sticker eh pinaghahagis pa rin, pero wala namang mawawala kung palalagyan mo. Libre lang naman yun.
Sixth, wag naman balikbayan boxes lahat ang gamitin mo. Kasi kapag nagkagipitan at may kailangan kang item na icheck-in, like a big bottle of perfume perhaps na naiwan mo sa handbag mo, at least may mapaglalagyan ka. Saka mahirap din kasing ipack ang balikbayan boxes, hindi pwedeng last minute eh pinapack mo pa. Kailangan mo pa nga kasing i-tape at talian. Now that I travel with my son, I see to it na 50-50 ang bagahe namin -- 2 suitcases at 2 boxes. Importante sakin yung suitcases kasi nga ang dami-dami kong gamit palagi, yun ang nagagamit ko para sa dagdag-bawas packing mode ko. Yung mga fixed na kailangan kong dalhin talaga, automatic bina-box ko na agad. Sa suitcases na lang ako naga-adjust.
Seventh, don't be afraid to use carton boxes. At least eight times na akong nag-travel with balikbayan boxes and so far, ok naman. Hindi naman sumabog or anything (yan yung fear nung isang nagtanong sa akin eh). kasi nga sealed na sealed naman. Ang worst na nangyari lang ay nagkabutas nang maliit yung isang box pero wala namang nawala sa loob. Sa totoo lang, suwertihan (o malasan?) lang din naman ang pagbibiyahe talaga. Kahit sobrang tibay ng bag mo, pwede rin yang mabuksan o masira eh. Tiyempuhan lang talaga.
June 2018 (Manila to Vancouver) |
Oops, I was asked nga rin pala kung saan nakakabili ng boxes na ito.
Sa Philippines, sa SM Store (stationery section) o National bookstore ako nakakabili. Mas mura sa SM ng around Php50.00 nga pala (I compared the quality at halos same lang naman). May nakalagay naman na balikbayan box dun at pretty standard for plane check-in na ang dimension nun (pero again, i-check sa airlines!).
Dito naman sa Canada, sa mga home improvement stores like Home Depot o Lowe's kami nakakabili. Moving boxes syempre ang term nila at hindi balikbayan boxes.
So there, sana nakatulong ang post na ito. Just comment kung may questions pa kayo ha. Ciao!
No comments:
Post a Comment