Hello! I am back! Nandito na uli kami sa Canada and I've been meaning to blog na uli kaso may jet lag pa rin ako hanggang ngayon. Ewan ko ba, matindi ang tama sa akin ng jet lag ngayon.
Anyway, almost one week na kami rito at medyo nakaka-adjust na uli. Kaso something happened yesterday afternoon that made me feel really really disappointed and sad. Kaya nga ako biglang napa-blog ngayon -- para makapag-release ng sama ng loob huhu.
As I have mentioned on this post, nakabili na kami ng bagong townhouse. It's still in the construction-phase and we were first advised na kung walang delay, matu-turn over sa amin yung unit by September 18.
Asang-asa ako, bes! Naisip ko na kung may delay man, matagal na siguro ang one month.
Pero hindi, two months pala ang aabutin!
Para talaga akong biglang nawalan ng gana sa buhay after ko mareceive ito. Seriously, inip na inip na nga akong mag-antay ng September, tapos magiging November pa?!?! Same length yan ng long vacation namin sa Pinas ahh. Five months wait.
My friend Tess told me to let it go. Wala naman daw magagawa. Eh ano pa nga ba. Kaso ang dami-daming naming plans na masasagasaan dahil sa two months delay na yan.
A late 40th birthday celebration sana ni Ford (kung kakayanin, kasi September 6 ang birthday niya talaga).
A bonggang-bonggang Thanksgiving dinner this October.
A nice Halloween set-up (super excited ako talaga dito!) and trick-or-treating in our new neighborhood.
A simple 4th birthday celebration for Nathan at home (kasi hindi pa siya nagbi-birthday sa Canada ever).
Ang dami-dami ring hassle na kakabit ang paglipat sa mid-November. Sobrang maulan na noon. Tataas na naman yata ang rent namin dito sa apartment by October (kasi yearly yata ang increase), tapos baka pati storage rental. Magre-renew din ng driver's license yata si Ford kaso he couldn't use our future address pa, so ibig sabihin pag lumipat kami magpapa-revise na naman siya ng card (dapat kasi current address) kaya additional expense pa.
Saka sa totoo lang, I want to leave this place asap. Ayaw ko na dito, masikip at luma (bratty problems, I know). Kaso what choice do we have, we're stuck here for the next five months. Susme magpa-pasko na paglipat namin! Di ko talaga ma-imagine! Kung pwede lang umuwi uli ng Pinas, gagawin ko talaga.
O siya, yun lang po. Please excuse my rant. Kelangan ko lang talaga ng outlet.
I will blog again soon! Please stay tuned.
No comments:
Post a Comment