By the way, last year dito rin kami nag-celebrate ng Father's Day haha. We're such creatures of habit.
However, eating there wasn't a good idea. Punuan kaya ang pangit ng puwesto namin. Wala kasi kaming reservation. At dahil maraming tao, ang tagal ding dumating ng order namin. Oh well, ganun naman talaga kapag may occasion, dagsa ang tao sa restos.
Sobrang pangit ng lighting sa loob kaya nanghihinayang ako kapag kumakain kami doon. Di ko makuhanan ng maayos ang food.
I will always be thankful that this guy is the father of my son. Swerte kaming mag-ina. =)
After eating, we went lang sa Guildford Town Centre para maglakad-lakad at magpababa ng kinain. Pero kaloka, ang Nathan nagpoo-poo while I was shopping for pants sa Old Navy. Buti na lang ever-mabait si Daddy Ford kasi inuwi niya talaga si Nathan sa bahay namin (na malapit lang naman) para dun linisin. Bumalik na lang sila sa mall after. Yep, that's Daddy Ford! Kapag nasa labas kami, siya talaga ang in-charge kay little boy. Pinapabayan niya talaga ako na mag-enjoy hehe.
Umuwi na kami after mag-Starbucks (na hindi masarap) at bumili ng new headset ni Dad. Then binigay namin yung gift namin ni TanTan for him. Noong bandang gabi na, naga-aya pa siyang lumabas kaso tinamad ako kasi nga busog pa at nahahassle akong lumabas. Sabi ko mag-fishballs na lang kami sa bahay haha! Buti pumayag naman.
Happy Father's Day, Daddy Ford! Not everyone is blessed with a great father like you! Thank you for everything that you do for us. We love you so much!
No comments:
Post a Comment