Wednesday, March 6, 2019

Ash Wednesday 2019

Whew, where did the first two months of 2019 go? I can't believe it's already March and it's Ash Wednesday, the start of lent.

Honestly, I want to be a more "active" Catholic kaya gusto ko sanang magsimba at magpalagay ng abo bukas kaso may pasok si Ford kaya hindi kami makakaalis ng bahay ni Tantan. There's a church nearby (2 minute-drive pero mahaba-habang lakarin) kaso it will be very cold tomorrow. Uulan yata at magi-snow, mahirap lalo na at may kasamang bata.

Credits: https://encounterchurchofpalmyra.org/event/ash-wednesday-service-2/

So naisip ko na magparticipate na lang "personally." Narealize ko na never kong inobserve ang abstinence from eating meat during Ash Wednesday and all fridays of lent (I am not a good Catholic, I know) kaya sisimulan ko na talaga ngayon. Yung fasting, medyo ginagawa ko naman na talaga normally kasi I only eat one full (rice) meal a day tapos small portions na lang throughout the day. Ayon sa Catholic law, dapat daw one full meal plus two smaller meals (that together don't add up to a full meal) so I will try to abide by that. Except nga lang kapag nag-low sugar ako (which happened to me yesterday) syempre.

Sana mapangatawanan ko ito. Madali lang ito for most people pero carnivore kasi talaga ako at meat ang pinakamadaling lutuin/bilihin/kainin dito sa Canada eh.

I am glad that I will be celebrating the Holy Week again in the Philippines (three consecutive years na). This might be the last for the meantime kasi mag-school na si Nathan come September at hindi na kami makakauwi ng Pinas around this time. I am excited. Kahit mainit, susubukin kong gawing meaningful at memorable ang 2019 lenten season experience namin.

Fridge Magnet Display

We've been living here in our new townhouse for 3 1/2 months already and still, para pa rin kaming bagong-lipat. Hindi pa rin talaga namin naayos ang mga gamit, many of our stuff are still in boxes na nasa garahe.

If you will ask why, sige ang primary reason na siguro talaga ay katamaran. Nakakatamad talagang maghalukay haha! Kung tutuusin, we are ok na with all the things that we are using now kaya parang nate-take for granted na namin yung ibang gamit. Tsk, saka parang nire-remind lang ako ng mga yun sa engagement ko to excessive counsumerism. Ewan ko ba. Oh well, crammer naman ako. I have one month pa para mag-ayos kami ng bahay bago kami umuwi ni Nathan sa Pinas so I'll make sure na gagalaw na ako in the coming days. Ayaw ko namang abutan pa ang mga ito pagbalik namin sa August noh.

Anyway, since hindi ko pa maipakita sa inyo ang bahay namin, unti-unting parts/areas na lang muna. Let's start with our fridge magnet display. Haha, sa Pinas we call it "ref magnets" pero dito kasi they use the word fridge. I remember when we were in a shop in Squamish, I asked the salesperson for a ref magnet tapos hindi niya gets kung ano yun. Since then, sabi ko fridge magnet na nga ang magamit na term.

So eto na nga ang display boards ko ng fridge magnets. As I have mentioned in this post, nag-start na uli akong mag-collect ng travel souvenirs, including magnets.

I still have more magnets, di ko pa lang naa-unearth hihi.

Noon pa lang naga-apartment kami, sinabihan ko na ang asawa ko na gawan niya ako ng something similar to this (in white frame). Nakita ko kasi na may ganyan din sa house ng in-laws ko sa Califonia na ginawa daw ni father-in-law. So syempre oo lang ang sagot ng dyowa ko. Ayun, nitong nakalipat na kami eh narealize ko na aabutin siguro ng siyam-siyam bago ako magkaroon nito kung siya ang aasahan ko. Aside sa kulang sa time (syempre marami pa kaming dapat unahing gawin at ayusin dito sa bahay), eh hindi naman talaga crafty ang asawa ko. He's good with the usual manly fixings and repairs pero sa may mga kailangan ng creativity, medyo sabit siya lol.

Credits: www.leesheatac.com

Buti na lang I found this white magnetic memo board noong naglalakad-lakad kami sa Ikea. Naisip ko agad na pwede na ito for our fridge magnets.



We bought two muna for $22.39 (tax included) each. Shaiks, almost Php1,000.00 na pala haha. Maliit siya sa totoo lang at parang konti lang ang malalagay. Naisip ko na magdadagdag na lang ako ng boards habang papadami ang collection ko.

White as usual ang theme ng house namin kaya perfect siya.


This is a temporary location, I guess (patay, yari ako kay hubby!). Kapag nagdagdag ako ng boards, malamang ililipat ko sila. We have limited wall spaces so baka sa may bandang stair na lang.


We actually have a bigger refrigerator now that can accommodate lots of magnets kaso ayaw ko naman ngang maglagay doon. Some magnets are fragile (especially yung mga ceramic type) at tiyak magkakandahulog kung palaging nagagalaw. Tapos ang hirap pang linisan ng ref kapag maraming nakalagay. At ang kalat pang tingnan.

O siya, I hope to be able to show you more parts of our house soon. Please stay tuned. =)

Thursday, February 21, 2019

Eden Cheese Spotted!

This is in connection with this post -- No more Pinoy cheese in Canada for 2018.

-----------------------------------

It's already 2019 and Eden Cheese (the only imported Filipino cheese here in Canada, as far as I know) has 'probably' made a comeback.

I spotted this at Henlong Market in Surrey.


Inisip ko pa kung old stock ba ito (I was able to buy Eden Cheese pa sa Henlong last October kahit na out of stock na sa ibang stores as of July) or what. Walang nakasulat na expiration date pero siguro bago ito kasi yung dating box ay walang nakaprint na "Free 40MB Data" haha.

This cheese retails for $3.99 (no tax). Medyo mahal siya kumpara sa ibang stores na nabibilhan ko dati pero pwede na rin kesa wala. As of this writing, wala pa akong nakikitang Eden Cheese uli sa T&T at Lucky Supermarkets. Di ako sure sa small Filipino stores.

By the way, hindi na ako bumili since uuwi naman kami ni Nathan sa Pinas sa April at magbabaon na lang ako ng marami pabalik dito. Bringing commercially-packaged cheese is allowed into Canada with a limit of 20kgs per person.

Daiso Addict

Family Day last Monday, February 18, 2019, so walang pasok si Hubby. Nag-crave kami pareho sa crispy fried squid kaya nagkayayaan sa Richmond Public Market. At syempre dahil nasa Richmond na rin lang kami, kailangang idaan niya ako sa Daiso hehe.

Nag-concede na ang husband ako. He knows na mahilig talaga ako sa kung anik-anik kaya pinababayaan na rin niya ako kahit na para sa kanya ay "kalat" lang ang pinagbibili ko. Well, totoo naman. Pero ewan ko ba, grabe talaga ang saya ko kapag nasa mga dollar stores ako. Lalo na sa Daiso kasi nga kaisa-isang branch lang ito sa buong Canada, tapos super layo pa sa amin (one-hour drive). Feeling ko tuloy sobrang deprived ako.

Pero kung tutuusin, hindi naman talaga. In fact, simula ng lumipat kami dito sa bahay last November ay medyo napadalas na nga kami sa Daiso.

Nag-addict nga kasi ako sa organizers lol.


Buti na lang talaga nga at kunsintidor ang asawa ko haha! Saka in fairness, nakita rin naman niya na useful yung mga white organizers na nabili ko.

November 27, 2018

February 2, 2019

I checked my records and we've been to Daiso five times na pala simula nga nang maglipat kami. At nakakaloka ha, $318.12 (or Php12,724.80) na pala ang nagagastos namin waaah! Shookt ako!

November 27, 2018 -- $88.48
December 1, 2018 -- 75.62
January 12, 2019 -- 77.29
February 2, 2019 -- 47.04
February 18, 2019 -- 29.69
__________________________

Total ------------ $318.12 

To be honest, marami rin naman akong nabili talaga na hindi para sa bahay. Hala, bigla naman akong na-guilty! Sabi ko pa naman eh titigil nako sa kakabili ng mga walang katutuwang bagay.

January 12, 2019

Itong ngang recent Daiso trip namin eh wala na talaga akong maisipang bilhin, pero bumili pa rin ako for the sake of buying. I know, there's really something wrong with me.


I keep on telling myself na magtitipid na ako blah blah pero kapag nasa store naman ako eh nagpa-palpitate ako. Ganun din ba kayo? This is something that my Ilocano husband won't understand haha. Pero aaminin ko, mukhang malabo akong magbago lol. Buti na nga lang din at malayo kami sa Daiso.

By the way, ang base price ng Daiso dito ay $2.00 (or around Php80). Pero dahil may additional 12% tax pa, papatak na $2.24 (or Php89.60). Halos kapareho lang ng presyo sa Pinas na Php88.00.


----------------------------------

My only wish from my husband on our 7th year wedding anniversary was for him to take me to Daiso lol. Talk about addiction. Panay kasi ang nood ko ng Youtube lately at puro Daiso haul ang nakikita ko hehe.



Wednesday, February 20, 2019

A Canadian passport at last!

Finally, my Canadian passport is here! Yes, I am so thrilled! Why, blue passport = MOBILITY!


I applied for this passport in Service Canada - Passport Service in Central City in Surrey last January 25, 2019. The process was fast. There were many applicants pero marami rin namang open na servicing windows kaya mabilis lang din. After checking my documents and making me pay $160 (ten years validity), they told me that the process will take 10 business days and they will deliver it na lang daw (akala ko nga pwedeng ipick-up na lang para mabilis pero walang ganung option).


And so after the not-so-long-but-agonizing wait, we finally saw a notice in our mailbox stating that I have a package in Canada Post in London Drugs near us. Around 8:30pm na nun ng Valentine's Day. The store will close at 9pm so talagang nagmadali kami para abutan. Ayaw ko ng ipagpabukas pa haha!

Honestly, ang saya-sayang magkaroon ng "powerful" passport! Sobrang nakakakilig yung idea na hindi na ako kukuha ng visa sa kahit anong bansang gusto kong puntahan. Grabe, parang di pa rin nga ako makapaniwala na plane ticket na lang ang kailangan ko at voila, makakabiyahe na ako anywhere. Sobrang nagpapasalamat talaga ako, lalo na sa asawa ko who made this possible for me.

Yun nga lang, me blue passport na pero wala pang budget pang-travel haha! Kakabili lang namin ng bahay tapos bumili pa ng share si hubby sa company nila kaya nasimot din talaga kami sa cash hehe. Pero keri na yun, marami pa namang araw. Ang importante ay ready-to-go na ako anytime lol. At syempre, makakauwi na ako sa Pinas yebaaah!

Friday, February 15, 2019

Be wary of so-called friends

I honestly miss having friends around. I actually already have two friends here but I seldom see them, kapag may birthday lang. Aside from us living in different cities, I honestly don't think we have common interests. Siguro sobrang taas lang din ng benchmark ko sa friendship. Kasi nga ang saya-saya ng samahang iniwan namin sa Edmonton, hindi talaga ako maka-move on.

Anyway, in one children's party thrown by a friend here, I met this girl who seemed very very nice. May anak din siyang (almost) 3 years old na boy. Nakiupo siya sa amin at nakipagkwentuhan. I instantly liked her. She looked educated, soft-spoken, decent. Gusto ko siyang maging kaibigan talaga.

I later learned na acquaintance lang din siya ng friend ko na host ng party. Nagkakilala lang daw sila sa Toys R Us and my friend invited her to the party. I was surprised, kasi why would she bother to go to a party of someone she barely knows? I mean unlike us, she's fully settled na dito sa Vancouver and I am sure she has family and friends and co-workers here. Hindi siya deprived sa social gatherings. She reasoned na gusto lang din daw niyang maka-attend ng kiddie parties ang anak niya. I accepted that.

Before we parted that night, she asked for my contact number. Sabi ko invite niya na lang ako sa Facebook which she instantly did.

After a few days, she PM'd me para mangumusta. Christmas season noon and I thought she was just being extra friendly. Pero syempre nagtataka na ako kung bakit niya ako mine-message. I believe in the stages of friendship, gradual ang pagdevelop niyan. Wala akong makitang reason para imessage niya ako ng ganun na wala namang specific na dahilan o tanong man lang. Basta plain kumusta lang.

After some time, ayun nangumusta na naman. Papasok daw siya sa office nila. Tapos ayun na nga, nagtanong na rin siya if I know someone who wants to do some part-time work sa bagong office na itatayo ng company nila. Syempre itatanong ko kung ano ba nature ng job niya (and why she can bring her son to work). Brokerage firm daw, tumutulong sa may mga utang sa credit cards, o bumili ng ng bahay, etc.

Ayun, gets ko na! Network pala ang purpose ng pakikipagkaibigan. Kung may kilala daw akong nangangailang ng services nila eh sabihin ko lang. I politely said yes, na irerefer ko sa kanya kapag may kilala ako.

I knew right there and then that I will stop replying to her. Wala rin naman siyang mapapala sa akin. Wala nga akong friends dito sa BC eh, at lalong wala kaming utang sa credit card noh.

Kaya ayan dedma na ako sa kanya kahit panay ang papansin at pangungumusta niya.


Sorry, pero user-friendly talaga ang tingin ko sa kanya. And I refuse to be used.

I can't blame people like her, though. Syempre trabaho nila yan, ang maghanap ng clients. Kaya pala siya nakikipagkilala at nagpupunta sa parties ng mga Pinoy dito eh para makahanap ng contacts.

Siguro nga kailangan ko ng madala haha. Sa edad at puntong ito ng buhay ko at sa lugar na kinalalagyan ko, it will be hard to find quality friendships. Yung genuine at totoo. I have to be contented sa company ng anak at asawa ko kasi kami lang talagang tatlo ang magkakasama dito. I actually felt guilty pa nga kasi bakit ba naghahanap pa ako ng "life" outside our family eh ok naman kami. I have friends naman in Pinas and Edmonton na palagi kong nakaka-chat kung gusto ko ng ibang kausap.

I've subscribed to some Youtube vloggers who are based here in Canada and I realized na hindi naman din sila mabarkada at maraming kaibigan. Palaging silang magpapamilya lang din ang magkakasama. all the time. Ganun naman nga kasi ang buhay dito, trabaho at bahay/pamilya lang.

I am still hoping to find good friends here someday. Pero hindi na ako magmamadali. Dadating yun kung talagang dadating (naks, parang love lang lol!).

----------------------------------
UPDATE -- March 12, 2018

I brought Nathan to Central City's play area last Friday, March 8. There was this Filipina with three kids na katabi ko na nakipagkuwentuhan sa akin because she heard that I was talking to my son in Tagalog. Talagang mega chika siya sa akin and I was starting to believe na genuinely friendly talaga siya. Kaso after several minutes of talking, ayun I found out na nagpapart-time siya as insurance agent. Waaah! Di pa kasi ako natuto. Talagang nawalan ako ng ganang makipagkwentuhan (kaso nabigay ko na ang phone number ko). Buti na lang nag-aya na rin ang mga anak niya pauwi at saktong dumating din yung friend ko.

Wednesday, February 13, 2019

My Application to Canadian Citizenship Timeline

Tinanong ako kanina ng friend ko sa Edmonton kung gaano katagal inabot ang Canadian citizenship application ko I decided to blog about my timeline.

Actually, asawa ko ang talagang atat na mag-apply ako (siguro kasi mae-expire na rin ang Permanent Resident Card ko ng January 2019). In fact, siya lahat ang gumawa ng paperworks. Kaya wala akong alam kung may tanong kayo about sa filling up ng application form kasi talagang pinaubaya ko na kay hubby. Ewan ko ba, tamad na tamad talaga ako. All I did was sign.

At syempre, ipasa ang language requirement.

College graduate naman ako Pinas at kung tutuusin, pwede namang isubmit ang diploma at transcript of record (TOR) as language proof pero naisip namin na hassle pa at magtatagal. First, kailangang kumuha pa ng TOR at certification sa Pinas at is-ship so talagang it will take time. Pwede rin iyong i-reject ng Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) kung hindi sila satisfied.

Second, medyo worried nga kasi ako sa documents ko. You see, graduate ako ng University of the Philippines Diliman. Modesty aside, alam naman natin na number 1 university yan sa Pinas. Ang problema lang, yung mismong diploma namin ay nakasulat sa Filipino. O di ba, kailangan pa ng translation? Parang alanganin na. Kaya naisip namin things will be easier if I will take CELPIP-General LS Test na lang. CELPIP stands for The Canadian Language Proficiency Index Program.  For the purpose of applying for citizenship, you just need to take and pass the Listening and Speaking Tests.

Here's how much we paid for the test and the online reviewer. Medyo pricey noh?


I had 8 days to review at sobrang na-stress ako haha. There was a part of me that's rebelling, sabi ko I've been speaking English since I was a child at nakapagsulat na ako ng sangkatutak na term papers in English tapos ngayon kailangaan kong patunayan sa kanila sa nakakaintindi at nakakasalita ako ng Ingles. Based sa mga nabasa ko, sobrang nakaka-pressure daw talaga ang Speaking part kasi nga you'll be talking to the computer. Parang napaka-unnatural. Oh well, wala naman nga akong choice but to comply.

I took the test on December 9, 2017 and I was confident naman na papasa ako. Sixteen yata kaming takers noon and I was the first one to finish. Ang awkward lang kasi tabi-tabi kaming nag-test kaya nagkakarinigan talaga.

I was able to view the results online after just a few days. And as expected, I did well on the listening part and not-so-well on the speaking haha! Kaya panay kantyaw ang asawa ko, parang di raw ako UP graduate. Kahit ako natawa sa sarili ko, pero kasi naman nga napaka-unnatural nung set-up (ang hirap ipaliwanag). Basta wala na akong paki, ang importante eh pumasa ako at masa-submit na namin yung application.

A few more days and I received na rin this letter that contains the CELPIP Official Score Report. Ito ang iaattach sa canadian citizenship application form.


And so we thought ok na. Ime-mail na sana namin ang application when my husband realized na may namiss-out siya. Kailangan ko pala ng NBI clearance from the Philppines kasi nga twice na umuwi ako doon for several months. Sakto naman na pauwi uli ako ng Pinas on January 9, 2018 kaya makakakuha ako at maime-mail back ko kay Ford. Basta I signed na my application na dated kung kailan nasa Canada pa ako.

Buti na lang may NBI Office sa amin sa Marilao so I was able to apply agad for a clearance on January 11, 2018. After a week (January 18), lumabas na at naipadala ko na kay Ford via registered mail.

My husband got hysterical when he learned na via registered mail ko lang pinadala at hindi EMS. Eh kasi naman sobrang mahal nun, Php1,500 (3-10 days daw) as compared to postal na Php125 lang (15 days). Nanghinayang talaga ako. I truly prayed na dumating sana kako or else yari talaga ako sa asawa ko.

Whew, dumating naman nga! At wala pang 15 days ha. Ford received it on January 30 (Canadian time), went online to pay the $630-application fee, and mailed it the following day.

So eto na nga ang timeline:

January 31, 2018 -- mailed the application

March 6, 2018 -- got an acknowledgment receipt of application

July 5, 2018 -- received a notice of invitation to Canadian Citizenship test

July 18, 2018 -- took the Canadian Citizenship test

December 27, 2018 -- received an invitation for Canadian Citizenship ceremony

January 16, 2019 -- attended the Canadian Citizenship oath-taking

All in all, it took almost a year for the whole citizenship application process to commence and finish. I honestly thought it'll be less than a year because I was told in July, when I passed the citizenship test (which I perfected, by the way), that I just had to wait for 2 to 3 months to receive the invitation for oath-taking. But in my case, December ko na na-receive (more than 4 months).

I wondered why and I read somewhere na minsan daw maaga lang nila pinapa-take ng exam ang applicants kasi may open na slots for the test. Tapos syempre medyo magtatagal ang invitation kasi marami pang pending syempre. It actually makes sense kasi nga ang aga nila akong pinag-exam eh.

Hay, I can't believe until now that this is over and that I am finally a Canadian citizen. I am just happily waiting for my passport now. Sana dumating na bukas. =)