Nag-concede na ang husband ako. He knows na mahilig talaga ako sa kung anik-anik kaya pinababayaan na rin niya ako kahit na para sa kanya ay "kalat" lang ang pinagbibili ko. Well, totoo naman. Pero ewan ko ba, grabe talaga ang saya ko kapag nasa mga dollar stores ako. Lalo na sa Daiso kasi nga kaisa-isang branch lang ito sa buong Canada, tapos super layo pa sa amin (one-hour drive). Feeling ko tuloy sobrang deprived ako.
Pero kung tutuusin, hindi naman talaga. In fact, simula ng lumipat kami dito sa bahay last November ay medyo napadalas na nga kami sa Daiso.
Nag-addict nga kasi ako sa organizers lol.
Buti na lang talaga nga at kunsintidor ang asawa ko haha! Saka in fairness, nakita rin naman niya na useful yung mga white organizers na nabili ko.
November 27, 2018 |
February 2, 2019 |
I checked my records and we've been to Daiso five times na pala simula nga nang maglipat kami. At nakakaloka ha, $318.12 (or Php12,724.80) na pala ang nagagastos namin waaah! Shookt ako!
November 27, 2018 -- $88.48
December 1, 2018 -- 75.62
January 12, 2019 -- 77.29
February 2, 2019 -- 47.04
February 18, 2019 -- 29.69
__________________________
Total ------------ $318.12
To be honest, marami rin naman akong nabili talaga na hindi para sa bahay. Hala, bigla naman akong na-guilty! Sabi ko pa naman eh titigil nako sa kakabili ng mga walang katutuwang bagay.
January 12, 2019 |
Itong ngang recent Daiso trip namin eh wala na talaga akong maisipang bilhin, pero bumili pa rin ako for the sake of buying. I know, there's really something wrong with me.
I keep on telling myself na magtitipid na ako blah blah pero kapag nasa store naman ako eh nagpa-palpitate ako. Ganun din ba kayo? This is something that my Ilocano husband won't understand haha. Pero aaminin ko, mukhang malabo akong magbago lol. Buti na nga lang din at malayo kami sa Daiso.
By the way, ang base price ng Daiso dito ay $2.00 (or around Php80). Pero dahil may additional 12% tax pa, papatak na $2.24 (or Php89.60). Halos kapareho lang ng presyo sa Pinas na Php88.00.
----------------------------------
My only wish from my husband on our 7th year wedding anniversary was for him to take me to Daiso lol. Talk about addiction. Panay kasi ang nood ko ng Youtube lately at puro Daiso haul ang nakikita ko hehe.
No comments:
Post a Comment