You see, Jollibee Philippines has this Hello Kitty Fun Carnival theme and I love it! Everyone knows that I am a big fan of Hello Kitty. But I tell you, I am also very much a Jollibee girl so ang perfect lang, di ba?
(Picture taken from the net. Credits to the owner) |
I was super excited talaga. In fact, na-announce ko na nga sa mga pamangkin ko sa pinsan last Christmas ang plan ko. Nainvite ko na sila.
Picture courtesy of Laling |
Actually noong first birthday-baptismal ni Nathan, nag-order din ako ng Jollibee food for the kids at syempre two mascots (Jollibee and Twirlie). The party was held in a pavilion at catered ang food. Nagdagdag lang talaga kami ng Jollibee para sa mga bata. Kaso naman my little boy was too young pa to remember that. Kaya sabi ko, bago ma-outgrow ni Nathan si Jollibee eh kelangan maka-experience siya ng Jollibee party.
So everything was planned na in my head. Kaso ba naman, I learned about three weeks ago that my friend Laling is also throwing a Hello Kitty Jollibee party for her youngest daughter in July. Waaah, so wala ng justification ang pagpapa-Jollibee party ko kasi nga makaka-attend na rin kami ni TanTan.
Our other friends were cool about it. Sabi nila ok lang if the same theme, different experience pa rin naman daw yun. Laling even asked me if I want her to change the theme para hindi kami magkamukha, pero syempre sabi ko hindi noh. Hello Kitty is a nice theme and her daughter deserves it.
So na-convince na nga ako na ok lang. Nakabili na nga ako ng ilang hello kitty activity kits (na on sale) na ilalagay ko sa lootbags ng kids. I was also planning on buying Bath and Body Works and/or Victoria's Secret merchandise for adults. Pero ewan ko ba, lately eh I am having a change of heart. Parang ayaw ko na.
Naisip ko rin yung $600. I could use that money to treat my significant others separately (per group) na lang. At least makakapag-bonding pa kami nang matagal-tagal. Two hours lang kasi ang Jollibee party, medyo bitin. Syempre mahahati pa ang attention ko sa mga bisita. Madodoble-doble rin ang gastos ko kasi kailangan ko pang i-treat nang hiwalay ang mga girls ko (my core group) kasi lagi kaming may girls-day-out kapag birthday namin.
May point naman noh? But on the other hand, there's also a part of me who wants to experience a Jollibee party haha! Parang bata lang. Deprived kasi lol. I know I am not alone. May nabasa nga ako na maraming call center agents and nagpapabook ng morning parties (as in 7-8am kasi nga iba ang work hours nila) sa Jollibee for themselves. I've also seen a lot of adult FB friends na nagpa-Jollibee party.
Hay ang gulo ko! Ano ba talaga? Ayaw na tuloy akong seryosohin ng asawa ko. Bahala raw ako sa buhay ko. Oh well, I have a few weeks to decide. I blogged about this para lang kapag hindi natuloy eh maalala ko itong I-want-a-Jollibee-party-for-myself thingy ko.
With the budget, baka pwede mong i-book ang Jollibee na for 2 slots, mag add ka nga lang ng additional for the party amenities, so bale 2x ang party amenities mo and 2 mascots na rin. So it means 4 hours ang magiging party. Happy preps! :)
ReplyDeleteHello! Sorry for the super late reply. Hindi natuloy yung Jollibee party ko last year. But I am planning to have one pa rin for my son next year naman. I will keep your suggestion in mind. Thank you ha! =)
Delete