I know it's almost Valentine's but because my primary objective in blogging is to document, let me post the highlights of our 2018 Christmas. Let's start with our tree.
We moved here in our new home on November 20, 2018. And with me recovering from a procedure, sangkatutak na ligpitin, at visitors (Pod's parents came here to spend the holidays with us), talagang nagahol kami for Christmas. In fact, I was only able to decorate our tree on December 22!
I really had no intention of buying a new set of tree ornaments kasi nga gahol na, saka maraming gastos sa paglilipat syempre, so I planned on using our 2015 Christmas tree decors na lang. Kaso hindi talaga namin makita-kita sa garahe (kung saan nakatambak pa ang lahat ng gamit namin). Kaya nga nagtagal ang pagkakabit ko ng decors, I was really hoping na makita pa namin pero wala talaga.
Hence, I had no choice but to use the 2014 ornaments. Hesitant akong gamitin talaga yun kasi nga hindi pambata pero wala namang choice. We only had two sets eh. Noong December 2016, wala na kaming bahay kasi nakalipat na kami dito sa BC (tapos nasa Pinas kami noong Christmas season). Last 2017 naman, hindi na kami nagput-up ng tree kasi ang sikip at ang pangit naman sa apartment.
At eto na nga ang kinalabasan. I modified the design para hindi naman kaparehong-kapareho noong 2014. Goal ko talaga na huwag maulit ang design ng Christmas tree para may distinction naman sa annual pictures hehe.
As expected, hindi masyadong trip ng anak ko ang naging Christmas tree namin. Ang sabi nga niya, "Mommy, ang pangit naman ng Christmas tree natin. Eh kasi pink."
Sorry naman, anak. At least ang pogi mo namang mowdel ng tree hehe.
--------------------------------
Ford wants to have a new tree by next year. Medyo high ceiling kasi itong bagong town house namin kaya parang biglang lumiit tingnan ang 7-ft Christmas tree. Pero ayaw ko, masasayang naman kasi ito eh ang bago-bago pang tingnan. Saka would you believe na $11.00 lang namin ito nabili? Closing sale na kasi ng isang store nun kaya nachambahan namin ito.
Next year, we will have a white-silver-red theme. I was able to buy most of the ornaments already from Walmart last December 26, naka-50% off na. Sana maganda ang kalabasan. I was never a fan of silver/white Christmas theme eh. Doon ako palagi sa traditional colors of gold, red and green. But since I want a different tree look every year, sige susubukan ko nang maiba naman.
No comments:
Post a Comment