Uuwi kami sa Pinas soon (late March or early April) and I am somewhat scared because there's currently a measles outbreak there. Nakaka-praning. When I was still living there, hindi ako bothered sa ganyang mga isyu at balita pero ngayon, talagang naga-alala ako. Una, may anak na ako. Pangalawa, medyo nasanay na rin kasi ako sa first world living (walang halong kayabangan, sadyang pagpapakatotoo lang) kaya medyo "umaarte" na.
Naalala ko noon, naaartehan ako sa mga kamag-anak kong from the US na nagbabakasyon sa Pinas kasi nga masyado silang worried sa safety and security nila. Ngayon naiintindihan ko na na natural lang pala iyon kasi nga sa ibang mundo ka na naninirahan at hindi ka na sanay sa pamumuhay sa Pinas.
Anyway, dahil nga natatakot ako sa tigdas, hinanap ko talaga ang immunization record ko dito. I remembered kasi na noong time na pinababakunahan pa namin si Nathan, pati kaming mag-asawa ay tinusok na rin. They saw something in my blood daw (when I was pregnant) that I wasn't immune to something (I forgot what it was) so kailangan ko din ng bakuna. At dahil wala nga kasi kaming immunization record sa Canada, they want to make sure din na hindi kami makaka-acquire ng sakit na makakahawa sa anak namin. I am confident na kumpleto ako sa bakuna noong baby pa ako (my mother is very responsible) pero wala namang mawawala kung babakunahan uli para sigurado. Wala daw over-dosage sa ganyan.
So eto na nga, nakita ko na. I am so happy! At least kampante na ang loob kong uuwi sa Pilipinas kong mahal hehe.
But before kami umuwi, kailangan ko pa palang pasaksakan si Nathan ng booster shots (including measles). Sinasaksak daw yun kapag 4 years old and above na. Noon pa ako nagpapa-schedule sana ng vaccination kaso they asked pa for Nathan's immunization record from Alberta para ma-enter nila sa system nila. Ganun kasi dito eh, hindi centralized ang health records, by province talaga.
--------------------------
Another kwento. Noong unang uwi (or pangalawa ba?) namin sa Pinas, gustung-gusto kong pasaksakan ng Dengvaxia si Nathan. Kasi nga natatakot ako sa dengue, tapos kagatin pa talaga ng lamok ang anak ko. Kahit sa mall kinakagat siya ng lamok. Ang laking pasalamat ko talaga na hindi ko siya natuloy pabakunahan nun hay!
Currently, walang nirerecommend na dengue vaccine ang Public Health Agency of Canada kasi daw"although advanced research is underway, there is currently no approved vaccine or medication that protects against dengue fever." Hindi nga rin pala present sa mosquitoes ng Canada ang dengue virus.
No comments:
Post a Comment