By the way, this townhouse was turned over to us on November 14, 2018 but we only officially moved on the night of November 20. Here in Canada, every two months sila maningil ng kuryente at tubig kaya nito nga lang namin nakuha ang first ever utility bills namin.
Electricity
From November 14, 2018 to January 16, 2018, they charged us $302.44 (or around Php12,100.00). Dividing it by 58 days (instead of 64 kasi nga November 20 kami lumipat), that's around $5.21 (Php210.00) per day or $160 (Php6,300) per month.
Not bad, actually. Kasi kasama na ang space at water heating dyan. Pati na rin ang cooking (stove) at washing at drying. Winter kasi ngayon kaya 24-7 na nakabukas ang heater. Our townhouse is medium-sized kaya medyo malaki rin ang pinaiinitan. Kung ikukumpara mo sa Pinas, sobrang mura na talaga pumapatak ang kuryente dito. Imagine mo sa Pinas kung magkano aabutin ang bill mo kung maghanapon-magdamag na nakabukas ang centralized aircon. Ginto, grabe.
We'll compare sa summer kung magkano ang bill kapag hindi na kami naka-heater (pero portable aircon naman ang gumagana).
Water.
Sa water naman, $56.27 (discounted final amount) ang binayaran namin for 65 days (November 14, 2018 to January 17, 2019). Dividing it by 59 days, pumapatak na $0.95 (or Php40.00) lang siya per day o around $30.00 (Php1,200) per month. Hindi na rin masama kasi hindi naman ako nagtitipid talaga ng tubig lalo na sa paghuhugas ng pinggan at paliligo (#guilty).
Our water bill could rise up a bit siguro during the summer kung magbababad kami sa bathtub o magi-inflate kami ng swimming pool for Nathan o maghuhugas kami ng car sa labas, pero I am sure hindi pa rin ganun kalaki ang aabutin.
--------------------------
So there, our water and electricity bill for the past two months. Later on, ita-tabulate ko naman ang kabuuang monthly expenses namin para magka-idea kayo how much we're spending. =)
--------------------------
NOTE: Other households have natural gas connection (meron din kami nun dati sa Edmonton) for space/water heating, gas oven, barbecue grill, etc. but we opted not to get one kasi nga all our appliances naman are electric-powered. Yung barbecue grill lang namin ang nangangailangan ng gas connection but my husband is planning to replace it na lang kasi sayang daw kung doon lang namin gagamitin. May fixed fee din yata kasi kahit hindi ka nag-konsumo in a month eh hindi naman laging nagba-barbecue lalo na kapag winter o umuulan.
No comments:
Post a Comment