I noticed last May 20, 2020 (Wed) that I was running out of Metformin (my maintenance medicine for diabetes). I sort of panicked, I had no choice but to give 'online doctor consultation' a try.
Actually pino-prolong ko talaga eh. Few weeks ago pa dapat ako nagbook ng appointment pero dahil may hesitation ako, I called my pharmacist and asked if they could give me an 'emergency prescription refill.' Pwede kasi yun kung ang request mo eh yung maintenance meds mo talaga. Binigyan naman ako pero good for two weeks lang (normally for 30 days eh), then the pharmacist instructed me nga to get a new prescription via call or video appointment.
By the way, wala na nga pala kaming family doctor kaya floating kami ngayon. Our doctor Dr. Sahil Jain, who I really like and feel very comfortable with, went back to Toronto na yata for good. We thought temporary lang, na magpa-paternity leave lang siya nang medyo matagal, but then the other doctor at their clinic advised me to look for another family doctor na. Hay, ang hirap! Tapos natapat pa na pandemic, nag-semi close ang mga clinics. Nandito na rin kami sa Aldergrove ngayon kaya dapat dito na kami makahanap ng new doctor, kaso nga alanganin pa dahil hindi advisable pumunta sa mga clinics at hospitals ngayon (unless emergency) dahil sa Covid-19.
Hence, the proliferation of virtual clinics. Kahit naman daw sa Pinas uso na rin ang online consultation.
Grabe talaga ang hesitation ko sa online consultation, ewan ko ba. Mas gusto ko syempre ang face-to-face. Pero dahil prescription lang naman nga ang kailangan ko, walang ibang magagawa.
I've been seeing a lot of "doctors online" sites dito sa BC (just google online doctors canada/BC) pero dahil itong VivaCare ang medyo familiar sa akin (dahil nagki-clinic sila sa mga Walmart), sige ito na lang.
Ang dali lang palang magbook. You just need to ready your Personal Health Number (PEN). Pili ka lang ng date at time na gusto mo. Sobrang daming available dates and time, hindi kagaya ng sa physical clinics na pahirapan magbook. I chose a 3:45pm appointment the following day (May 21). I just chose the "prescription" option nga pala tapos nilagay ko yung mga medicines na kailangan ko.
NOTE: If you're not a BC resident, they will charge you $150 pala for the consultation. Shaiks!
I received an email afterwards, providing me a meeting link.
The next day, I received another email reminding me of my appointment.
And 28 minutes before my appointment, may reminder na naman via text.
Tapos after aroun 3:35, may nagtext again, saying: "the doctor is available now." I was waiting na rin naman so clicked the meeting link in the email.
I first talked to a receptionist/nurse who just verified if I am indeed Celeste Blanco. Tapos tinransfer nya na ako sa virtual waiting room. A few seconds later, kausap ko na ang doctor, who I thought will be female (kasi babae ang name ng assigned physician sa email eh).
The consultation only took a few minutes. After saying hi and hello, he just asked me kung kelan pa ako nagstart magtake ng Metformin at kung may allergy ako sa mga gamot na nirequest ko (I also asked for my cholesterol meds). He also asked me kung ano ang current blood sugar ko, I answered that I haven't had it checked yet because I am afraid to go to the lab. But I am sure that it is high because I've been eating a whole lot more during this quarantine period.
And it's done, ifoforward nya na raw yung prescription to my pharmacist. I put my pharmacy details nga rin pala when I booked my appointment. I chose the pharmacy located insider our kapitbahay-grocery store Frescho para malapit lang.
Before we hang up nga pala, I asked him if he could access my file kasi may gusto akong itanong about my gallstone surgery (Yep, I have gallstones! Ang daming sakit noh?). Ang sabi nya walang access ang telehealth doctors sa ibang health records namin. Ganun pala yun.
Hay nakatapos din! The experience was not as 'dreadful' as I thought it would be pero syempre mas gusto ko pa rin ng normal face-to-face consultation. Pero baka nga ito na ang "new normal" talaga sa ngayon. But I admit na mas madali ito kung prescription refill lang ang kailangan, ang bilis eh. Walang kahassle-hassle. Very accessible din ang doctors, kahit within the day pwede.
I called on the pharmacy after and asked kung naforward na sa kanila yung prescription ko. Yes daw. I asked my husband to pick up my medicines na lang para hindi na ako lalabas. So easy!
NOTE: We actually don't pay anything for our prescription medicines. Pinapaluwalan lang namin tapos pinapa-reimburse online sa health insurance provider namin. Ia-upload lang ang receipts tapos after a few days, papasok na sa bank account namin yung reimbursement. =)