Thursday, May 28, 2020

Looking forward to more pasyal in the future

I first showed you our fridge magnet display here. Pero ni-relocate ko na siya sa ibaba, malapit sa front door, late last year kasi medyo magulo pala sa mata kapag nasa may tapat ng kitchen counter. Hindi bagay sa 'minimalist' interior design ko.


Anyway, my son is currently obsessed with our small (pa lang naman) travel magnet collection. Palagi yan nakatitig sa magnets, kabisado na nya nga lahat. He's into places na kasi these days (he also loves looking at our world globe), napapanood sa youtube at ABC Mouse. Ang dami na nyang alam na countries/cities -- Paris, Japan, Malaysia, Africa, Arizona, India, Indonesia, Mexico, London, etc. -- and he would always ask us kung nakapunta / kelan kami pupunta sa mga yun.

Hay, sobrang sarap na sanang mag-travel ngayon! Nathan is already 5 1/2 kaya mas madali na syang isama at talagang interesado na siyang mamasyal. Kaso naman, kung dati eh time (and budget na rin syempre) lang ang issue, eto ngayon at dumagdag pa si Covid. It's now very uncertain kung kelan ba uli magiging safe ang mamasyal, ang pumunta sa airport at sumakay sa eroplano.

This year, two international travels na namin ang hindi natuloy/matutuloy. We were supposed to go to California last March 20 to attend my sister-in-law's wedding pero ayun at naghigpit na nga a few days before our flight. Tapos this July 8 naman sana ang uwi namin uli sa Pilipinas pero syempre hindi na rin matutuloy. Hay! Kung kelan pasyal na pasyal pa naman ako! Syempre hindi naman na bago samin ang pumunta sa California at Pinas pero I was looking forward to going to places there na hindi pa namin napupuntahan syempre (like Legoland!).

Kahit dito sa nga sa BC, ang dami-dami pa naming hindi nae-explore. Although unti-unti na nilang binubuksan ang mga public parks, ang hirap pa rin mag-enjoy kung nandyan pa rin si Covid sa paligid-ligid.

Tsk, so pano na nga ba? Nathan's very excited pa naman to buy more magnets. His goal daw is to full this whole wall with them.


When this pandemic is over, I will really make sure na mamasyal kami nang mamasyal kahit sa malapit lang. Sa totoo lang medyo tinamad din kasi ako the past years eh, mas ginusto ko na lang mag-mall palagi. Pero katulad nga ng sabi nila, we should invest on experiences and not on material things. Tama naman (pero material girl din talaga ako kaya hindi pwedeng walang shopping hehe). Tapos who would have thought na mangyayari ito, na mare-restrict sa travel ang mga tao. Ni hindi kami makapag-Jollibee sa Washington kaloka! (FYI, closed ang Canada-USA border sa ngayon at kung sakali man na lumabas ka ng Canada, kailangan mong mag-quarantine ng 14 days pagbalik).

-----------------------------

PS: I will buy at least two magnetic boards pa sana sa Ikea soon kaso hindi na available! Waaaaaaaaah! Gusto kong maiyak! Sana magre-stock sila. Sana talaga.

No comments:

Post a Comment