It was around 7:30pm last night (matagal na uling lumubog ang araw ngayon), nang may marinig akong parang maingay sa labas. Nathan was biking with a neighbor friend and Dad naman was grilling burgers in the balcony.
Lumabas ako sa balcony to ask what was happening. Ayun, may ice cream truck daw. Kaya pala nakarinig ako ng ingay ng mga bata. Ang unang naisip ko, "Talaga, may ice cream truck na dumaan dito?"
Pagsilip ko sa baba, itong itsura ng anak ko ang bumungad sa akin. Dad told me na sinabihan daw nya si Nathan na wag ng bumili kasi ang dami naming ice cream dito sa bahay (kabibili ko lang kasi talaga ng marami last Saturday).
Knowing my son, hindi naman yan magpapabili. Inunahan lang ni Dad na wag ng bumili. But I know him so well, matiisin lang pero syempre gusto nya rin. Ang dami kayang batang bumibili kaya nakakaengganyo. I asked him kung gusto niya. Syempre tumango ang bagets.
Medyo sinermonan ko ang asawa ko. "Hay naku, hindi naman ice cream ang bibilhin mo dun eh! EXPERIENCE!" Nahimasmasan din naman agad ang tatay at dali-daling kumuha ng cash sa wallet nya para mahabol namin ang ice cream truck.
Kaloka, mas excited pa yata ako kay Nathan sa pagbili eh!
Sa Pinas nga kasi ako lumaki at sa batang edad pa lang syempre eh sanay na sanay na akong bumili sa mga sari-sari stores at street vendors. Part ng culture natin yan eh. Minsan yan ang iniimagine ko dito, yung lalabas ka lang ng bahay mo tapos lalapit na sayo ang mga tindero. Nakakamiss talaga!
Nathan is already 5 1/2 years old pero hindi pa nya naranasan bumili talaga on his own, using cash. Wala namang canteen sa school eh, wala ring mga nagtitinda sa labas. Parang feeling ko tuloy kulang na kulang ang life skills nya at this point.
Nagmadali talaga kami kasi baka umalis na ang truck. Haha, nag-uwian pa talaga ang kids para tawagin ang mga nanay nila para magpabili. =)
It was my first time din to experience a food truck na dumaan sa area namin (usually sa mga events lang). Sabagay, we were in Pinas noong ganitong month last year. The previous years naman, sa apartment building kami nakatira.
Medyo kinabahan ako sa presyo noong una (lol!) pero ayos lang naman pala. $5 ang pinakamahal, $2 ang pinakamura. Akala ko talaga lalampas ng five dollars eh.
As usual, hindi nya alam ang pipiliin hehe. Wag na raw drumstick kasi puro ganun na ang kinakain niya sa bahay.
I ended up choosing for him kasi alam kong di niya magugustuhan yung Oreo na tinuro niya. Like me, plain lang ang mga trip nya eh. Gusto ko man siyang maging independent at pumili on his own, sayang ang $4 hahaha!
This one's only $2.50. Shaiks, pag kinonvert pala eh halos 100 pesos din! Sa Pinas, limang piso lang pwede na eh.
Parang bigla kong naisip na gusto ko ring magtinda ng ice cream! Ang laki ng tubo eh!
Yung playmate niyang Pinoy, kasunod din naming bumili. Kinarag din ang nanay haha. Ang mga bata nga naman!
Ayan, happy boy na siya! Nag-additional thank you pa sa akin kasi I made a good choice daw. Naks.
No comments:
Post a Comment