I didn't really know Kuya Nilo. Kahit si Mamoosh hindi siya kilala (pero kilala niya si Mamoosh). They saw each other sa burol ng father ni Kuya Nilo sa Lolomboy at noon nga nagkatuntunan na nandito rin ako Vancouver. Basta parang cousin ni Mamoosh ang parents niya (both sides ha).
Kuya Nilo instantly added me sa FB pero dinedma ko. Kasi nga hindi ko naman kakilala. Tapos minessage niya ako na kamag-anak daw niya ako lol (hindi ko pa kasi nakakausap uli si Mamoosh noon kaya hindi ko pa alam). After a few minutes of chatting, ayun nagvoice call na. Sobrang daldal haha, nakakatuwa. Kapag daw nalalaman niya na may kamag-anak sya sa lugar kung nasan siya (tumira na kasi siya sa iba't ibang bansa bago nagsettle dito sa Canada), talagang pinupuntahan niya.
He went back to Canada after malibing ng tatay niya. One week lang talaga siya sa Pinas. The day after he arrived (June 24, 2018), we went to their house to meet him and his wife Ate Rosie and to pick up na rin yung padala ni Mamoosh. I was so happy kasi nga he told me pwede kaming makidala hehe. Kababalik ko lang ng Pinas noon pag talagang ganyang offer eh gina-grab ko!
So yun, may new relative ako dito sa Surrey. Nakakatuwa talaga. Kuya Nilo and Ate Rosie are having their church wedding this August 25 and they invited us. Magkikita-kita daw kami ng ibang kamag-anak namin dito sa Canada at US, at pati na rin ilang kababaryo sa Lolomboy. Nakaka-excite din. Hindi ko sila kilala pero alam nyo naman, nagiging close ang mga magkakamag-anak dito bigla kapag nagkatagpo-tagpo.
---------------------------------------
By the way, ito nga pala yung pinapakidala namin kay Kuya Nilo.
Insert one pack of Red Ribbon macaroons |
Ensaymada talaga ang gusto ko kaso ang bilis mag-expire eh, kaya macaroons na lang. Akala ko ako lang ang kakain kaso nakihati ang asawa ko. Hay naku, tanong ako ng tanong sa kanya kung ano ang gusto niya, ang sasabihin wala. Tapos pag nandyan na pagkain ko eh makikiagaw. Hmmmp.
Yung Fissan pala was so effective sa akin. Nung nasa Pinas ako eh nangangati at ngpapantal pantal ako sa may breast area dahil sa init at pawis, yang Fissan ang nakatulong. May baon naman ako kaso dahil summer din dito sa Canada, nagpadala pa ako ng isa to be sure na di ako mauubusan.
No comments:
Post a Comment