We are going to Edmonton to visit our friends this tomorrow so we went to New Town Bakery last Tuesday to buy some siopao for pasalubong. I don't eat siopao but everyone pero sabi nga ng asawa ko, masarap daw talaga ito. Request din ito ng mga kaibigan namin kasi nga dati nakakapagdala na rin kami nito sa Edmonton kapag pumupunta kami dito sa BC for a visit.
New Town Bakery has two branches -- one in Vancouver (China Town area) and another one here in Surrey (near the Central Station). Maaga silang magsara, 7:30pm lang, kaya pumunta kami kaagad pagdating ni Ford from work.
I went directly to the freezer for the frozen siopao. And my first reaction --- Syet, ang mahal na!!!
$15 na ang 6-pc pork asado.
Tapos almost $20 ang chicken bola-bola!
I kept on uttering "ang mahal na grabe, ang mahal na grabe..." kaya pinagtitinginan na siguro ako ng mga Pinoy na nakapila sa cashier. Di ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko, naiiyak talaga ako. We were planning to buy at least 16 packs kaya imagine kung magkano ang aabutin nun.
If I remember it correctly, parang $12 lang yung asado at less than $14 ang bola-bola eh nung huli kami bumili eh. Wala pang one year yun. Baka around November o December lang last year. Bakit sobrang laki naman ng itinaas?
Ang sabi ko nga kay Ford wag na kaming bumili. Pero ang sabi niya, ano raw ang ipapasalubong namin sa Edmonton? Sige na nga kako, pero babawasan ko na lang yung ibibigay namin.
We bought a total of 13 packs (13 x 6 pieces = 78 siopaos) for $204.00. Dalawang packs lang ang bola-bola kasi nga $20 yun. Tapos may additional $12.25 pa for the sauce.
Whew, $216.25 (or Php8,650.00) para lang sa ganitong siopao! I apologize if I appear so kuripot ha. Siguro ganito lang talaga ang walang trabaho hehe. Ang mistake ko rin daw kasi sabi ng asawa ko eh convert ako ng convert. But I really can't help it eh, lalo na at kagagaling ko lang uli sa Pilipinas.
New Town sell other Chinese and Filipino pastries, too. Kaso yung mga puto at palitaw nila, hindi naman lasang Pinoy.
Same lang pala ang presyo ng steamed asado nila sa frozen, $2.50 per bun. Pero ang weird kasi yung sa chicken bola-bola, $19.80 ang frozen so pumapatak na $3.30 ang isa, samantalang $2.75 lang yung luto na. Nakakaloka.
Cash basis nga lang pala sila kaya we were worried na baka hindi kumasya ang cash namin kasi nga nagtaas na sila ng presyo. $200 lang kasi ang winithdraw ng asawa ko. Maraming Chinese restaurants dito ang di tumatanggap ng credit o debit cards kaya dapat palaging me dalang cash.
No comments:
Post a Comment