Ahh, ang gaan sa pakiramdam nang makita ko ang familiar signage ng Lucky. Parang it felt 'home.' Totoo yun ha, walang exaggeration.
At dahil sa sobrang pagkaatat kong pumasok, di ko na napicturan nang maayos ang labas. Sa susunod na lang.
My first impression of the store --- wow, ang laki!
Kumpleto ang kanilang fresh produce section. Happy ako!
Aba mura ang malunggay! |
I just took several photos and that's it. Ayaw ko na. Gusto ko ng mag-enjoy sa pagtingin-tingin sa loob.
I was so happy kasi maraming-maraming choices kumpara sa T&T at Henlong.
My disappointments --- walang frozen calamansi (baka naman di na talaga uso yun ngayon kasi wala na rin akong makita recently kahit sa T&T and other small Filipino stores) at walang beef ribs (sana magkaroon next time). Konti lang din kasi ang naka-display sa meat section nila (I forgot to take photos) kasi baka dahil kabubukas pa lang nila ng 1pm that day. I'll check kung magba-bbque cut sila ng liempo next time.
I was glad though na na-reunite na ako with this galunggong! Grabe, ito talaga ang binibili ko noon! Nathan loves galunggong (he eats it almost everyday) kaya I am so happy na may mabibilhan na ako ngayon ng matinong isda. Masyado kasing maliit yung nasa Henlong eh.
Overall, I am satisfied with this new branch of Lucky! Mura ang presyo (kumapara naman sa T&T noh!) at saka ang dami talagang Filipino products. Parang nandito na lahat, di ko na kailangang magpatalon-talong ng tindahan.
O tingnan mo may wheat pandesal pa!
At Crunch Milk Chocolate (na medyo mahal nga lang).
I was actually surprised na maraming tao ang namimili na kahit kabubukas pa lang. At talagang punuan ang cart nila ha. Galing din kaya sila sa Alberta o Winnipeg kaya familiar sila sa Lucky?
May raffle sila, sana manalo kami. Kaso hindi naman ako swerte sa mga ganyan.
I actually had no plans of buying a lot kasi nga wala naman kaming kailangan at fully stocked pa ang pantry namin kaso nakaka-engganyo talagang bumili. May mga good deals din kasi. Like yang tub ng Skyflakes, $3.99 na lang (normal price is $7+).
Our haul. Sorry di ko na naipakita isa-isa.
This will be our official palengke here in BC. Too bad kasi lilipat na kami sa November. Sobrang lapit lang kasi nito sa current place namin. Kapag nakalipat na kami, twice a month siguro kami mamimili dito.
Eto ang damage -- $117.34 (or Php4,693.60). Ang bilis maglustay ng pera dito sa Canada lol!
I'll post more of Lucky Supermarket soon!
------------------------
Nga pala, I was excited din sana na kumain sa Lucky (may kainan din kasi dun) kaso konti na lang ang mga tinda eh. Siguro kasi kabubukas lang nila noon kaya hindi pa ganun karami ang food. Next time na lang.
No comments:
Post a Comment