Wednesday, June 27, 2018

I bought a Juicy Couture bag

I promised myself (and my mother) that I won't be buying bags for the time being. I have lots already, at hindi ko naman nagagamit talaga dahil ako ay dakilang tambay sa bahay lang naman. And you know what, there was even a time in my life na mas marami pa ang bags ko kesa sa damit ko na kasya (kasi nga sobrang tumaba ako noon at naubusan ako ng masusuot). I am not exaggerating, super dami ko talagang bags as in! Magkukuwento na lang ako ng bag addiction ko in a separate post, oki?

Anyway, I got bored yesterday so the good hubby took me to Winners-Homesense in Coquitlam na lang para malibang. Medyo house-mode na uli kasi kami ngayon dahil may bago na kaming bahay na lilipatan.

Yung Winners nga pala ay bilihan ng mga branded stuff (clothes, shoes, toys, bags, house items, etc) at lesser price. Yung Homesense naman na kapartner niya ay pang lahat ng gamit sa bahay.


The moment we entered the store, nag-aya na agad si Nathan sa toys section. Sumunod ako pero napatingin ang mata ko sa bags section din. Haha, pinabayaan ko na silang mag-ama at ako'y naningin muna ng bags.

Eto agad ang kumuha ng atensyon ko. I am drawn sa mga floral thingy talaga na ganyan. Tapos sling bag pa. Sobrang gustung-gusto ko ng sling bag kasi napaka-convenient gamitin lalo na at may bata ako na palaging kasama.

Original Price is $80.00

I checked the price at namurahan ako -- $39.99 + 12% tax. Sabagay hindi naman kamahalan ang material.

Bitbit-bitbit ko siya the whole time na nagtitingin kami ng mabibiling gamit sa bahay. My mind was telling me to just leave it behind kasi nga ang dami ko ng bags kaso I didn't have the heart to do it. Type ko kasi talaga haha! Ang gaan pa kasi... saka sabi ko ke Ford wala pa akong Juicy Couture na bag. I know na pambata ang JC kaso yung design naman na ito eh pwede na sa age group ko lol.

Wala namang kontra ang asawa ko ever. In fairness, hindi ako kinokontra nun sa bilihan. Pero syempre kunwari nagpapaalam pa rin ako hehe.


Ayan, me bago na naman akong bag. My first this 2018. Last year super dami kong nabili, puro mahal pa -- Michael Kors, Kate Spade, Furla, Tory Burch, Dooney and Bourke, Herschel, etc.). Kaya malaking improvement na ito ha.

Pero sige na nga, once a bag addict, always a bag addict.

No comments:

Post a Comment