Thursday, June 21, 2018

#CheapEats: Fresh Slice (pizza by the slice)

Ever since I got diagnosed with diabetes last year, ito na lang yatang Fresh Slice ang kinakainan ko sa mga foodcourt. Kasi dito per slice ang bili ng pizza at tantyado ko na that my sugar level wouldn't rise kung isang slice lang naman ang kakainin ko. In fact, I noticed na kapag ito lang ang kinakain ko for dinner, nababawasan ako ng weight haha. Sabi ko friend ko, meron daw isang food talaga na no matter how "unhealthy" or "fattening" ay makakapagpapayat sayo. Hmm, totoo kaya yun?


Anyway, if you're on a budget din at ayaw mong mag-splurge ng $10-13 sa foodcourt, mag-Fresh Slice ka na nga lang.


Maraming flavors to choose from (minsan nga lang you have to wait kung naubos yung gusto mo at nagbe-bake pa sila):


A slice only costs $1.99 (classic flavor) or $2.59 (feast flavor). Pwede ng ipambayad yung mga barya-barya mo sa bulsa. Additional $1.00 if you want to add a cup of pop (or softdrinks).


Ayan for $3.77 (tax included), may dinner na ako. Around Php150.00 na yan pero syempre dito sa Canada mura na yan hehe.


I always order the "all meat" flavor kasi feeling ko sobrang nabubusog ako talaga sa protein. Very filling siya. At ang sarap din ng Diet Pepsi nila ha.


Solb na ako talaga dito! No guilt-feeling pa. =)

No comments:

Post a Comment