We're fortunate to be living in a first world country during this pandemic period. Maraming naging tulong ang gobyerno para sa mga nawalan ng trabaho, business owners, renters, students, etc. Kapag nababasa ko ang hirap ng mga Pinoy para makakuha ng ayuda sa gobyerno ng Pinas, di ko maiwasang maikumpara syempre sa naging sistema dito. May program nga dito na tinatawag na CERB (or Canada Emergency Response Benefit) kung saan makakapag-apply ng financial assistance ang sinumang nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19. That's $2,000 per month ($500 per week) for up to 4 months. Anyone, as in ANYONE, who applies will be approved. Kahit obviously hindi eligible ha. Kasi nga wala na raw silang time magcheck at magverify, gusto na nilang maiparating agad sa tao ang tulong. Honor system na lang muna daw, later na sila mago-audit.
Luckily, hindi naman namin kinailangan talaga ng tulong mula sa gobyerno kasi hindi naman nawalan ng trabaho ang asawa ko. Sa totoo lang, noong bandang March-April ay nag-worry rin ako kasi nga baka magclose din ang office nila temporarily kasi hindi naman talaga sila "essential" business eh. Thankfully, hindi naman nga.
The only "ayuda" that we are entitled to during this pandemic is the one time Canada Child Benefit (CCB) payment increase of $300. Dito kasi sa Canada, we receive a monthly child support from the government, depende sa income ng parents. They decided to give an additional $300 per child for the month of May to help families during these difficult times.
Noong una nga akala namin hindi fixed na $300, na maximum na yun at hindi namin makukuha ng buo. Katulad ng sentiments ng middle class sa Pinas, may bitter feelings din kami paminsan (normal naman siguro yun) na puro na lang lower class ang pinapaboran ng gobyerno samantalagang ang laki-laki ng tax na binabawas sa sweldo ng asawa ko. One income family lang kasi kami at marami ring gastusin buwan-buwan. Pero buti naman nga at across the board naman pala ang $300. Kaya ang swerte nung maraming anak haha (4 kids x $300 = 1,200!).
Anyway, I just checked our account online kanina at pumasok na nga ang $300 (every 20th of the month ang CCB payment). I am so happy!
Anong plano ko sa $300? Actually nagastos na namin siya kahit hindi pa dumarating lol!
We badly need a colored printer kasi nga nago-online schooling si Nathaniel ngayon, syempre may mga kailangang iprint. Bibigay na ang 6-year-old laser printer namin kaya kailangan ng palitan.
Pero ang mahal nito ha, inabot ng $337.67 (tax included) kaya paluwal pa kami kaloka.
Salamat sa ayuda, Canadian Government! Malaking tulong rin ang printer na ito for my sanity! I have a lot of projects in mind na sana magawa ko hehe.
--------------------------
Ayuda = assistance
No comments:
Post a Comment