Thursday, May 21, 2020

To return or not to return?

My friend Juris called me this noon, asking if I will allow Nathan to go back to school this June 1. She got a call daw kasi from her daughter's school, nagtatanong na daw kung papapasukin si Zoey.

Hay, I don't know! I was actually surprised when they announced last May 15 that BC schools will already "open" this June, but attendance is voluntary.


March 13 pa huling pumasok sa school sina Nathan. Last day talaga yun ng school before their two-week spring break. Pero yun nga, hindi na sila nakabalik ng March 30. Nagtuloy-tuloy na na walang pasok because of this pandemic.

I was so heart-broken. Nathan's in kindergarten at first time nyang school (no preschool). He really enjoyed it so much. Tapos yun nga, na-cut short bigla. Six months pa lang siyang pumapasok tapos wala na uli.

After some time, natanggap ko na rin na hindi na nga sila makakabalik this school year. Malungkot but we have to move on. Lahat naman apektado ng Covid-19 at kailangang mag-adjust.

Kung kelan naman nga ok na, saka naman sasabihing pwede na silang bumalik uli sa school, albeit twice a week lang.  Waaah, binigyan pa kaming mga magulang ng problema! Paano na nga ba?

Kung tutuusin, hanggang June 25 na lang naman talaga ang school year so ilang araw na lang din silang papasok. Many parents tuloy are mocking the BC Government, bakit papapasukin pa kung matatapos na lang din?  Ako naman, there's part of me that wanted closure for my son's kindergarten class. I still want him to spend time with his teacher and (some) classmates. He's bored na rin dito sa bahay and he really wants to go back to school. I also feel na hindi naman siya talaga nakakapag-aral nang maayos dito sa bahay via remote learning (I'll write our experiences about this in a separate post) kaya mas ok kung pumasok na lang siya uli.

Pero hindi nga ganun kadali, di ba? We are still in the middle of a pandemic, hindi pa rin nawawala ang virus. We're lucky kasi hindi ganun kalala ang Covid cases dito sa BC (only 2,467 cases and 149 deaths as of today) and na-flatten na nga raw ang curve, pero syempre hindi mawawala ang fear. Pababayaan ko bang mag-isa na lang sa eskuwelahan ang limang taong gulang kong anak samantalang nandito lang naman ako sa bahay? Health and safety is our utmost priority syempre.

Hay, Juris and I still have ten days to think about it. Kayo, ano sa tingin nyo? :(

No comments:

Post a Comment