Monday, July 30, 2018

No more Pinoy cheese in Canada for 2018

When I decided to cook Pinoy spaghetti a few weeks ago, I naturally had to look for Eden Cheese pang sauce topping. We went to several Filipino / Asian stores pero wala kaming nakita. I remembered seeing a few pieces of Eden sa isang store (near T&T Guildford) kaya tiningnan ko nang magawi uli kami doon. I was shocked kasi $5.99 ang presyo niya (normal is $3+) tapos may nakalagay pang sign na maximum of 2 per family lang ang pwedeng mabili.

Ang sabi sa akin ng may-ari, "bilhin mo na yan kasi yan na lang ang natitira." Dedma ako. Why the hell will I spend 6 bucks on a small box of cheese? Isip-isip ko, antay na lang ako ng next shipment.

Napapansin ko kasi na kapag may isang Pinoy product na wala sa isang store, karaniwan wala rin (o kakaunti na ang stock) sa iba. Kaya ang theory ko, isang shipment lang ang ginagawa ng Lucky Me sa sotanghon cup halimbawa, tapos ididistribute na lang sa iba't ibang stores / sellers across Canada. Kaya ang buong akala ko magkakaroon din uli ng Eden cheese soon.

Until I read this on Facebook. Post ito nung Pinay (photo credits to her) na binibilhan ko ng masarap na cake.


Shaiks, ganun pala yun! Bigla ko tuloy naisip na sana bumili na lang ako sa Seafood City noong nag-cross border kami.

Pero parang di ko naman masikmurang bilhin itong last piece na nakita ko. Ang Mahal! Pumapatak na CAD7.55 siya o Php302.00! Ganun ba talaga ang presyo ng Eden Cheese sa America?


Unlike sa amin sa Canada na nagsamantala lang yung store owner na itaas ang presyo ng Eden Cheese to CAD5.99 dahil sa lack of supply (oh well, business nga naman kasi), mukhang di naman sila kapos sa keso ah. I was surprised pa nga kasi ang dami-daming palang available na Pinoy cheese brands doon -- Magnolia, Quez-O, QBB, Che-Vital, Anchor. May mga quick melt pa. Sa Canada talagang Eden Cheese lang eh.


So now I know what to do. Dapat pala mag-hoard na ng Eden Cheese sa first half pa lang ng taon kasi nagkakaubusan pala kapag quota na sa pagimport ng cheese ang Canada. Pero syempre be mindful sa expiration lol.

Kung uuwi naman sa Pinas, dapat magbaon din ng keso pabalik kasi you'll never know kung may mabibili ka sa Canada. Pwede ring keso ang request na ipadala kung me mapapakisuyuan. Pero may limit lang din nga pala ang pwedeng daling dairy products papunta / pabalik dito (20kgs per person).

Anyway, ayaw ko ng mag-panic. Hindi naman talaga ako masyadong Pinoy cheese-user. Nilalagay ko nga lang yan sa spaghetti o puto. Yung Kraft sliced cheese dito ang ginagamit kong pampalaman sa tinapay eh. Pero pagbalik namin sa Seafood City, bibili na nga rin ako ng isang malaking Quez-O. Buti na lang talaga dito kami nakatira sa BC, kahit paano may iba kaming mapagkukuhanan ng Pinoy products. 

-------------------------

POSTSCRIPT: We found some Eden Cheese in the newly-opened Lucky Supermarket last July 30! Mga old stocks pa yan malamang. We only bought two pieces, sayang nga eh dapat pala mga lima na. For sure pagbalik namin ay wala na yan. Kokonti na lang din kasi ang naka-display eh.


Mainit sa Metro Vancouver

Ang init! Ilang araw ng ganito. Hay, bakit nga ba sinalo ko ang lahat ng summer ngayong taon?




Kung tutuusin, no match ang init dito sa init sa Pilipinas kaso hindi ko pa rin talaga ma-take. Dati na akong mainitin, mas grumabe pa nang matira ako dito sa Canada syempre. Mas nasasanay na kasi lalo ang katawan ko sa lamig.

Hindi ko masyadong nadama ang init the previous summers kasi nag-stay lang ako sa airconditioned room the whole day. Pero ngayon kasi ayaw na ni Nathan sa kwarto, gusto niya sa may sala kasi nandun most of his toys. Hindi naman namin pwedeng dalhin sa room kasi ang lalaki at wala ng space. Extra warm din dito sa apartment kasi kulang sa ventilation. Yung sliding door lang ang pinaka-window namin. Kaya sobrang parusa kapag nagluluto kasi kulob sa kusina.

I can't wait na matapos ang summer. I hate, hate, hate it. It is predicted na medyo lalamig-lamig this weekend, sana nga.


People here in Metro Vancouver were given extreme heat warnings. Concerned na concerned talaga sila sa mga tao, lalo na kapag 30+ (o feels like 30+ na ang weather). Ang government nagse-set up na ng cooling areas. Pet owners are being reminded din not to leave their pets in their vehicles. Basta alarmed na alarmed sila. Nevertheless, enjoy na enjoy ang mga puti sa sikat ng araw. Mega-sun bathing pa ang mga yan. Exact opposite ng mga Pinoy (tulad ko) na takot na takot maarawan haha.

Meet our future (town)house

We visited our (town)house-to-be last Saturday (July 28, 2018).


Buo na yung exterior niya. Sobrang na-excite kami nang talagang mabistahan namin ng malapitan. Dati kasi noong pumunta kami eh hindi kami nakalapit dahil may mga construction workers. Last Saturday, 7pm na kami nagpunta kaya wala ng katao-tao.


Medyo nainggit kami kasi may mga units na tapos na at naturn-over na sa may-ari. Itong phase namin ang matagal pa.


Our unit is in the middle of a 7-unit building. Second to the cheapest (yata) among the 115 townhomes in the complex. When Ford went to the sell launch kasi last March, hindi na siya actually nakapili dahil nagkaubusan na talaga (parang hot pandesal lang ang peg, dinumog ng mga tao). Second day na kasi ang appointment na nakuha niya. Buti nga meron pang natira na sakto sa budget namin. Maliit lang ang unit namin pero ayos lang kasi tatlo lang naman kami.

Pero minsan nabi-bitter pa rin ako haha. The amount that we'll be paying for this townhouse can already get us a really big brand new detached home in Edmonton (lalo na sa Winnipeg o Saskatoon).


My husband is a professional engineer and earns pretty well. It's just ironic though that people like him can no longer afford to purchase a detached house here in Metro Vancouver. Wala ng "ordinaryong" pamilya dito na nagre-rely lang sa income (at walang money manggagaling overseas) ang makakabili ng ganung bahay kasi nga milyunan na ang presyuhan ng mga yun. Hanggang townhouse o condominium na lang talaga. Yung mga low income families, maliit na lalo ang chance na makabili, forever renter na lang.

Kaya talagang nagpapasalamat pa rin ako. In 3 1/2 months time, lilipat na kami dito and we will live comfortably again. We could have chosen to buy a second (or third? fourth?) hand townhouse pero iba pa rin talaga kapag bago eh. Ang linis-linis, ang bango-bango haha!


Hay, we need more patience! Konting tiis na lang.

Sunday, July 29, 2018

His New Phone / Her Old Phone

Dad went home last Friday with a bad news -- nabasag daw niya yung phone niya. Umakyat agad ang dugo sa ulo ko, naisip ko ang mahal magpa-replace ng screen ha. More than a hundred bucks. Saka ang bago pa ng company-issued phone niya, hindi pa nasusulit talaga.

After relaying the unfortunate news, biglang bawi siya. Ang good news daw is that he has a new iPhone! Ha? Ambilis naman kako. Ang sabi niya, he told one of his bosses that he broke his phone's screen. Ayun he's lucky daw because he's got a spare iPhone 7. Inabot na agad sa kanya.


And just like that, he's got a new phone! Waaah. I was so bitter. Ako itong nagko-contemplate na magpalit ng phone for several weeks now tapos siya pag-uwi galing trabaho eh meron na. Swerte rin talaga sa buhay itong asawa ko lol.

Ford said he'll return the broken phone to the office tomorrow. He'll ask daw kung ano ang gagawin, kung 'itatapon' na daw eh hihingin niya na lang. Kaso ano naman ang gagawin namin sa phone na yun? We have two extra 'old' iPhones already, kay Nathan na nga lang yung isa. Kaloka, first world problems.

Sa totoo lang. it's so easy to have nice phones here. Kung masuwerte ka, mafi-free mo lang yan sa mobile network mo. Or pwede mong isama sa phone plan mo, minimal na dagdag lang. Kaya halos lahat dito maganda ang telepono, hindi ka magwoworry na may magi-snatch ng sayo.

By the way, my iPhone 6 plus is already 3 1/2 years old. Nagi-isip akong palitan sya kasi feeling ko hindi na maganda ang camera niya. Parang malabo at grainy na. Overused na yata. Kidding aside, million shots na siguro ang nagawa nito. Except for calling, text messaging, and web browsing, pagkuha lang ng pictures ang major function ng phone ko. Eh lately nga, parang di na ako happy sa quality ng pictures niya.

Bumili na raw ako sabi ni hubby. Palibhasa sila ni Nathan ang nagbe-benefit sa kakakuha ko ng pictures kaya supportive siya. Kaso nanghinayang ako sa pera, eh di ba lilipat pa nga kami? We could spend that money sa mga bibilhin naming ibang gamit sa bahay. Saka yun nga, ano na naman ang gagawin ko sa old phone? Sa Pinas ang daling magbenta ng lumang gamit kasi maraming sasalo, dito itatapon na yan. Hindi ko rin naman yata pwedeng ipadala yan sa Pinas kasi pang-Canada siya. Pero sabagay, lahat naman naa-unlock sa Pinas. Pero kahit pwedeng ipamigay, wala naman akong maisip na pwedeng bigyan nito sa Pinas na karapat-dapat lol.

O siya sige lang, while Dad is enjoying his new phone, I am stuck with my old. Life is really not fair huhu.

Saturday, July 28, 2018

I bought chocolates in the US

People think na katulad ng America, chocolate-heaven din ang Canada. I beg to disagree. In my almost 5 years of living here, feeling ko nga na-deprive ako ng chocolates na gusto ko. Ang konti ng variety sa totoo lang. Sabi ko nga bakit parang mas marami pang tinda sa Pinas?

To compare, ito ang chocolates aisle sa Walmart USA. Pasensya na kung medyo nakakahilo ang kuha ko.


Ito naman ang sa Walmart Canada.


Sobrang konti lang noh? Actually mas may variety sa Superstore (a Canadian grocery store dito na direct competition ng Walmart) pero no match pa rin sa mga chocolates sa US.

Sa totoo lang, napakasimple lang naman ng taste ko sa chocolates. Very basic lang, ayaw ko ng mga gourmet-type kasi tingnan ko pa lang eh natatamisan ako. Tatlo lang ang favorite ko talagang "imported" chocolates sa mundo, pero would you believe na wala sila sa Canada?

I truly find it weird na wala nitong Hershey's Milk Chocolate dito. Ang meron lang ay ung creamy milk chocolates with almonds.


Itong Kisses Milk Chocolate with Almonds ang super tagal ko ng kine-crave kaya I was so happy nang makakita ako ng malalaking packs. Walang ganung kalalaking packs sa dito eh.  Minsan pala may sumusulpot nyan dito sa Canada (last Christmas nakabili ako) pero on an ordinary day, wala talaga sa grocery shelves.


Ito pa! Made in USA lang naman ito pero bakit hindi pa nakaabot sa Canada? Dati nakakabili pa ako nito sa Dollar Tree eh, pero matagal ng wala. Minsan nakakita rin ako nito sa Daiso pero $3+ ang isa (small bar lang yun ha) kaya dedma na lang.


Aside from chocolates, itong Ruffles Cheddar and Sour Cream ang isa pang nabigo akong makita sa Canada. Favorite ko kasi ito.  Grabe, sa SM Hypermarket ay pakalat-kalat lang ito.


Oh well, blessing in disguise na rin siguro na wala nung mga gusto kong chocolates dito kasi nga haler... diabetic! Saka pasalamat na rin na we live near the border, we can cross anytime. Kapag nakalipat na kami sa bagong bahay namin, we'd probably do grocery shopping in Walmart and Target every month, para maiba naman sa panlasa namin.

Cross Border Purchases and Expenses

Dati when we cross the border, kasama sa itinerary ang Seattle Premium Outlet. But this time, dahil mataas nga ang palitan ng US dollars, mas ok pang magshopping sa Canada so we limited our purchases na lang sa mga pagkain na wala sa amin.

SEAFOOD CITY Ang pinaka-target namin on this trip was to buy Purefoods hotdogs para na rin may mapampasalubong kami sa mga kaibigan namin sa Edmonton this August. We only bought 20 packs kasi takot si Ford na ma-question sa border. Saka mahal din kasi at USD4.29 per pack (or CAD5.79 / Php229.26).

Aside from that, we also bought longganisa (na palagi rin naming binibili sa Seafood City), two different brands of lumpiang shanghai, turkey bacon (para maiba lang sa kinakain namin), Lucky Me Sotanghon Cup (na wala kaming mahanap sa Canada as of the moment), gilit na bangus (walang ganun sa Canada eh, yung ready to cook na), and Vcut (kasi sale). Bumili rin kami ng ice para sa cooler.

All in all, we spent USD 166.47 (or CAD 224.73 / Php8,896.16) sa mga ito. Grabe, ang mahal din noh?


RED RIBBON BAKESHOP. Parang katulad ng previous cross border trip namin, ito lang din ang binili ko -- Cheesy Ensaimada Family Pack and one moist choco slice. USD14.88 (o CAD 20.09 / Php795.19) na yan ha. Pero kebs na, ang sarap naman kasi ng ensaimada. Wala pa akong nahahanap na bakery sa Canada na may masarap na ensaimada eh.


Ay nagpadagdag pa pala si hubby ng chicken empanada na worth USD2.96 (CAD4.00 / Php158.18). Hindi daw ito masarap.


VALERIO'S TROPICAL BAKESHOP. May isa pang Pinoy bakery sa may Seafood City at talagang natakam ako sa ensaymada nila na nakadisplay sa glass cabinet. Last 2 pieces na lang tapos naunahan pa ako. Buti na lang may pack-of-6 pa sila na natira. Medyo nagdalawang-isip pa ako kung bibilin ko kasi nga namamahalan ako. Imagine, Php62.35 pumapatak ang isang ensaymada! Eh sa Pinas limang piso lang yan. Sa Pan de Manila, mahigit-higit bente pesos. Pero sabi nga ng asawa ko, kung convert ako ng convert eh malamang hindi talaga ako makakakain. O sige na nga, buy! Nakakita rin ako ng whole wheat pandesal kaya sakto, nagke-crave din ako dun eh.

We spent USD10.68 (CAD 14.42 / Php570.74) sa Valerio's.


WALMART. Before going home, syempre daan muna sa Walmart. Agenda rin talaga namin na bumili ng chocolates at iba pang pwedeng mabiling kutkutin dun.

So eto, nakabili kami ng Hershey's Milk Chocolates, Kisses Classic with Almonds, Nestle Crunch, diet popcon (ng asawa ko), Ruffles Cheddar and Sour Cream at beef jerky. May nabili rin nga pala akong $1 na pitchel lol. Binili ko lang kasi sale sa Flamingo haha. At tapos yung toy ni Nathan na tools work bench.

USD51.24 (CAD69.17 / Php2,782.27) ang binayaran namin sa Walmart.


Apart from those purchases, eto pa yung ibang ginastos namin to give you an idea kung bakit hesitant akong pumunta sa Washington talaga.


  • US Border fees -- USD6.00 / CAD8.10 / Php320.64
  • Jollibee lunch -- USD26.50 / CAS35.78 / Php1,416.00
  • Nathan's amusement rides -- USD3.00 / CAD4.05 / Php160.32
  • Nathan's McDonald's Happy Meal -- USD3.92 / CAD5.30 / Php209.48
  • Gas -- USD36.10 / CAD48.74 / Php1,929.18


Sa kabuuan, we spent USD321.75 (CAD434.36 / Php23,212.33). Ang laki rin pala nakakaloka! And to think puro pagkain lang halos yun ha! Buti na lang we used our US dollars kaya parang 'dead money' lang namin yun, pero syempre pera pa rin namin yun di ba.

Nakow, mukhang next time na ayain ako ng asawa ko na magcross border eh di na ako papayag. Kaso matatanggihan ko ba ang ensaimada at hotdog?

Wednesday, July 25, 2018

Cross Border -- July 21, 2018

And so, natuloy din kaming mag-crossborder last weekend. After kong magpatumpik-tumpik, I finally gave in. Hindi ko na-resist ang temptasyon ng Purefoods hotdogs haha. Saka tutal kako I passed naman the citizenship test last July 18 kaya may excuse na na mag-splurge ng konti. We are also going to Edmonton to visit our friends kaya kailangan namin ng hotdogs pamapasalubong.

Pero dahil nga mataas ang value ng US dollars, we decided to use na lang yung remaining USD namin. Naghagilap ako talaga haha! Medyo marami-rami pa naman, pwede pang gamitin ng ilang balik hehe.


July 21, 2018 (Saturday). We left our place at around 12:45pm. Late na kasi late na kaming gumising eh. Hindi naman din kami nagmamadali. We prefer to cross the border ng alanganing oras para hindi mahaba ang pila.

Upon checking online, around 30 minutes ang waiting time sa Peace Arch at Pacific Crossings kaya dun kami sa Aldergrove as usual. Mas malayo iyon pero kesa nakapila ka sa mga "famous" borders na yun ng at least 30 minutes, idrive mo na lang yung oras na yun going to Aldergrove kung saan wala halos pila.


Whenever the Border Officer asks us kung saan o ano ang gagawin namin sa US, we would answer na that we are going to Jollibee. Gets na nila yun haha. Tatawa na sila at magjo-joke.


At dahil wala akong valid I-94, we had to stop briefly in their immigration office. Walang ibang tao dun, kami lang, kaya sobrang bilis. Kinunan ako ng finger prints at photo. Ang sabi ng Immigration Officer, I lost weight daw haha. He must have seen the difference ng current picture ko sa mga nakaraan.

I paid USD6.00 again for my 6-month I-94 validity. Hmmp, di bale na nga. This will be the last time na magbabayad ako niyan because in less than 6 months, siguro naman may blue passport na rin ako.


From Aldergrove Crossing, Westfield Southcenter Mall (where the Seafood City and Jollibee are located) is around 2 1/2-hour drive pa. Nakakainip kasi takam na takam na nga kami sa Chickenjoy.

We arrived at Jollibee ng 4pm and I wasn't expecting a long line kasi nga alanganing oras. Oh well, Sabado nga kasi siguro kaya never napatid ang linya.


We missed you, Jollibee! Noong nasa Pinas kami, araw-araw akong nagmo-motor sa Jollibee (na malapit lang samin) para bumili ng hapunan ni TanTan.


The queue was long pero mas ok na rin kasi makukuha mo na agad ang food mo after you pay. Unlike before na pipila at magbabayad ka tapos bibigyan ka nung parang alarm na iilaw kapag ready na ang order mo. Ang tagal tagal mag-antay. 


Wow, chickenjoy! We paid USD26.50 (or CAD35.78 / Php1,416.16) for these. We wanted to add pa sana spaghetti and burger after kaso pipila na naman ng mga 35-40 minutes.


One Pinoy guy handed this toy to me, baka raw gusto ng bata. Syempre I happily accepted kahit na meron na kami niyan sa Pinas.

Bakit niya binigay sa amin yung toy? Kasi "free" lang yan. Would you believe na parehas lang ang presyo kapag umorder ka ng spaghetti with drinks at kiddie meal na spaghetti with drinks? Tila USD5.99 yata. I learned about it in California kaya sabi ko sa sarili ko na kapag gusto ko ng spaghetti eh yung kiddie meal na ang oorderin ko kahit ayaw ko ng toy.


 After eating, lakad-lakad muna sa mall syempre. Ang tagal kong naghanap ng dresses sa JCPenney at Macy's kaso bigo ako. Kailangan ko kasi ng mga damit for a wedding na aattendan namin sa August at sa forthcoming oathtaking ko (naks!).

Then we went na to Seafood City to buy hotdogs and other pang-ulam. I'll show you what we bought there in another post.


Before leaving, we bought some ensaimadas din from Red Ribbon and Valerio's Bakery. Nakaalis kami ng 7:30pm na.



Off to our next destination -- Walmart! Oo, dinayo pa namin talaga ang Walmart. Ang saya-saya kasi ng mga Walmarts sa US, ang dami-daming paninda. Ibang-iba sa mga Canadian stores.


May batang nabuhayan ng dugo haha. Ang cute nitong nakita naming work tools na trolley kaya binili na rin namin. Walang ganito sa Canada eh.


Ay syempre nagutom ang bagets kaya nagpabili ng Happy Meal. Buti na lang nakaabot pa kami sa Incredibles toy. We got Dash yipeee! (Iba ang toys sa Canada at sa US booo!).


So yun, bago umuwi, pakarga ng gas as usual. Ang laki ng kamurahan ng gas sa US kesa Canada kaya talagang doon nagfu-full tank ang mga Canadians.


Medyo mahaba pa rin ang pila sa Pacific Crossing pauwi. Pero ayos lang kasi ang bait ng border officer na babae. Ni hindi kami tinanong kung ano ang pinamili namin haha. Usually kasi tinatanong nila kung bumili ng liquor o cigarettes eh. Kapag grocery items naman o other goods na hindi naman malaki ang halaga, di naman na nila pinata-taxan.

Anyway, it always feels good to be back in Canada kahit na a few hours lang kaming lumabas. Canada is really our home.


Twelve midnight na nang makarating kami sa bahay. Hindi na nga pala kami nagdinner sa labas, yung mga tinapay na binili na lang namin ang kinain namin.