Sunday, July 29, 2018

His New Phone / Her Old Phone

Dad went home last Friday with a bad news -- nabasag daw niya yung phone niya. Umakyat agad ang dugo sa ulo ko, naisip ko ang mahal magpa-replace ng screen ha. More than a hundred bucks. Saka ang bago pa ng company-issued phone niya, hindi pa nasusulit talaga.

After relaying the unfortunate news, biglang bawi siya. Ang good news daw is that he has a new iPhone! Ha? Ambilis naman kako. Ang sabi niya, he told one of his bosses that he broke his phone's screen. Ayun he's lucky daw because he's got a spare iPhone 7. Inabot na agad sa kanya.


And just like that, he's got a new phone! Waaah. I was so bitter. Ako itong nagko-contemplate na magpalit ng phone for several weeks now tapos siya pag-uwi galing trabaho eh meron na. Swerte rin talaga sa buhay itong asawa ko lol.

Ford said he'll return the broken phone to the office tomorrow. He'll ask daw kung ano ang gagawin, kung 'itatapon' na daw eh hihingin niya na lang. Kaso ano naman ang gagawin namin sa phone na yun? We have two extra 'old' iPhones already, kay Nathan na nga lang yung isa. Kaloka, first world problems.

Sa totoo lang. it's so easy to have nice phones here. Kung masuwerte ka, mafi-free mo lang yan sa mobile network mo. Or pwede mong isama sa phone plan mo, minimal na dagdag lang. Kaya halos lahat dito maganda ang telepono, hindi ka magwoworry na may magi-snatch ng sayo.

By the way, my iPhone 6 plus is already 3 1/2 years old. Nagi-isip akong palitan sya kasi feeling ko hindi na maganda ang camera niya. Parang malabo at grainy na. Overused na yata. Kidding aside, million shots na siguro ang nagawa nito. Except for calling, text messaging, and web browsing, pagkuha lang ng pictures ang major function ng phone ko. Eh lately nga, parang di na ako happy sa quality ng pictures niya.

Bumili na raw ako sabi ni hubby. Palibhasa sila ni Nathan ang nagbe-benefit sa kakakuha ko ng pictures kaya supportive siya. Kaso nanghinayang ako sa pera, eh di ba lilipat pa nga kami? We could spend that money sa mga bibilhin naming ibang gamit sa bahay. Saka yun nga, ano na naman ang gagawin ko sa old phone? Sa Pinas ang daling magbenta ng lumang gamit kasi maraming sasalo, dito itatapon na yan. Hindi ko rin naman yata pwedeng ipadala yan sa Pinas kasi pang-Canada siya. Pero sabagay, lahat naman naa-unlock sa Pinas. Pero kahit pwedeng ipamigay, wala naman akong maisip na pwedeng bigyan nito sa Pinas na karapat-dapat lol.

O siya sige lang, while Dad is enjoying his new phone, I am stuck with my old. Life is really not fair huhu.

No comments:

Post a Comment