Monday, July 30, 2018

No more Pinoy cheese in Canada for 2018

When I decided to cook Pinoy spaghetti a few weeks ago, I naturally had to look for Eden Cheese pang sauce topping. We went to several Filipino / Asian stores pero wala kaming nakita. I remembered seeing a few pieces of Eden sa isang store (near T&T Guildford) kaya tiningnan ko nang magawi uli kami doon. I was shocked kasi $5.99 ang presyo niya (normal is $3+) tapos may nakalagay pang sign na maximum of 2 per family lang ang pwedeng mabili.

Ang sabi sa akin ng may-ari, "bilhin mo na yan kasi yan na lang ang natitira." Dedma ako. Why the hell will I spend 6 bucks on a small box of cheese? Isip-isip ko, antay na lang ako ng next shipment.

Napapansin ko kasi na kapag may isang Pinoy product na wala sa isang store, karaniwan wala rin (o kakaunti na ang stock) sa iba. Kaya ang theory ko, isang shipment lang ang ginagawa ng Lucky Me sa sotanghon cup halimbawa, tapos ididistribute na lang sa iba't ibang stores / sellers across Canada. Kaya ang buong akala ko magkakaroon din uli ng Eden cheese soon.

Until I read this on Facebook. Post ito nung Pinay (photo credits to her) na binibilhan ko ng masarap na cake.


Shaiks, ganun pala yun! Bigla ko tuloy naisip na sana bumili na lang ako sa Seafood City noong nag-cross border kami.

Pero parang di ko naman masikmurang bilhin itong last piece na nakita ko. Ang Mahal! Pumapatak na CAD7.55 siya o Php302.00! Ganun ba talaga ang presyo ng Eden Cheese sa America?


Unlike sa amin sa Canada na nagsamantala lang yung store owner na itaas ang presyo ng Eden Cheese to CAD5.99 dahil sa lack of supply (oh well, business nga naman kasi), mukhang di naman sila kapos sa keso ah. I was surprised pa nga kasi ang dami-daming palang available na Pinoy cheese brands doon -- Magnolia, Quez-O, QBB, Che-Vital, Anchor. May mga quick melt pa. Sa Canada talagang Eden Cheese lang eh.


So now I know what to do. Dapat pala mag-hoard na ng Eden Cheese sa first half pa lang ng taon kasi nagkakaubusan pala kapag quota na sa pagimport ng cheese ang Canada. Pero syempre be mindful sa expiration lol.

Kung uuwi naman sa Pinas, dapat magbaon din ng keso pabalik kasi you'll never know kung may mabibili ka sa Canada. Pwede ring keso ang request na ipadala kung me mapapakisuyuan. Pero may limit lang din nga pala ang pwedeng daling dairy products papunta / pabalik dito (20kgs per person).

Anyway, ayaw ko ng mag-panic. Hindi naman talaga ako masyadong Pinoy cheese-user. Nilalagay ko nga lang yan sa spaghetti o puto. Yung Kraft sliced cheese dito ang ginagamit kong pampalaman sa tinapay eh. Pero pagbalik namin sa Seafood City, bibili na nga rin ako ng isang malaking Quez-O. Buti na lang talaga dito kami nakatira sa BC, kahit paano may iba kaming mapagkukuhanan ng Pinoy products. 

-------------------------

POSTSCRIPT: We found some Eden Cheese in the newly-opened Lucky Supermarket last July 30! Mga old stocks pa yan malamang. We only bought two pieces, sayang nga eh dapat pala mga lima na. For sure pagbalik namin ay wala na yan. Kokonti na lang din kasi ang naka-display eh.


No comments:

Post a Comment