Buo na yung exterior niya. Sobrang na-excite kami nang talagang mabistahan namin ng malapitan. Dati kasi noong pumunta kami eh hindi kami nakalapit dahil may mga construction workers. Last Saturday, 7pm na kami nagpunta kaya wala ng katao-tao.
Medyo nainggit kami kasi may mga units na tapos na at naturn-over na sa may-ari. Itong phase namin ang matagal pa.
Our unit is in the middle of a 7-unit building. Second to the cheapest (yata) among the 115 townhomes in the complex. When Ford went to the sell launch kasi last March, hindi na siya actually nakapili dahil nagkaubusan na talaga (parang hot pandesal lang ang peg, dinumog ng mga tao). Second day na kasi ang appointment na nakuha niya. Buti nga meron pang natira na sakto sa budget namin. Maliit lang ang unit namin pero ayos lang kasi tatlo lang naman kami.
Pero minsan nabi-bitter pa rin ako haha. The amount that we'll be paying for this townhouse can already get us a really big brand new detached home in Edmonton (lalo na sa Winnipeg o Saskatoon).
My husband is a professional engineer and earns pretty well. It's just ironic though that people like him can no longer afford to purchase a detached house here in Metro Vancouver. Wala ng "ordinaryong" pamilya dito na nagre-rely lang sa income (at walang money manggagaling overseas) ang makakabili ng ganung bahay kasi nga milyunan na ang presyuhan ng mga yun. Hanggang townhouse o condominium na lang talaga. Yung mga low income families, maliit na lalo ang chance na makabili, forever renter na lang.
Kaya talagang nagpapasalamat pa rin ako. In 3 1/2 months time, lilipat na kami dito and we will live comfortably again. We could have chosen to buy a second (or third? fourth?) hand townhouse pero iba pa rin talaga kapag bago eh. Ang linis-linis, ang bango-bango haha!
Hay, we need more patience! Konting tiis na lang.
No comments:
Post a Comment