Ang init! Ilang araw ng ganito. Hay, bakit nga ba sinalo ko ang lahat ng summer ngayong taon?
Kung tutuusin, no match ang init dito sa init sa Pilipinas kaso hindi ko pa rin talaga ma-take. Dati na akong mainitin, mas grumabe pa nang matira ako dito sa Canada syempre. Mas nasasanay na kasi lalo ang katawan ko sa lamig.
Hindi ko masyadong nadama ang init the previous summers kasi nag-stay lang ako sa airconditioned room the whole day. Pero ngayon kasi ayaw na ni Nathan sa kwarto, gusto niya sa may sala kasi nandun most of his toys. Hindi naman namin pwedeng dalhin sa room kasi ang lalaki at wala ng space. Extra warm din dito sa apartment kasi kulang sa ventilation. Yung sliding door lang ang pinaka-window namin. Kaya sobrang parusa kapag nagluluto kasi kulob sa kusina.
I can't wait na matapos ang summer. I hate, hate, hate it. It is predicted na medyo lalamig-lamig this weekend, sana nga.
People here in Metro Vancouver were given extreme heat warnings. Concerned na concerned talaga sila sa mga tao, lalo na kapag 30+ (o feels like 30+ na ang weather). Ang government nagse-set up na ng cooling areas. Pet owners are being reminded din not to leave their pets in their vehicles. Basta alarmed na alarmed sila. Nevertheless, enjoy na enjoy ang mga puti sa sikat ng araw. Mega-sun bathing pa ang mga yan. Exact opposite ng mga Pinoy (tulad ko) na takot na takot maarawan haha.
No comments:
Post a Comment