Eight months after I gave birth, I went home to the Philippines for a 4-month vacay. Then I learned when I was there na may bagong Filipino style hotdogs na daw from Calgary. I was so excited! Sabi ko sana masarap para hindi na ako ma-deprive sa hotdogs sa Canada.
Kaya ayun, pagbalik na pagbalik ko, bumili ako agad when I saw several packs on display at Lucky Supermarket. Pikit-mata pa nga because it was so expensive! $20 for a pack of 12 jumbo hotdogs (sale pa kasi $22 ang original price).
December 19, 2015 |
I cooked it right away and got very disappointed after tasting it. Hindi siya masarap! Sorry, I can really be brutally frank. Pero talagang sapilitan lang para maubos ko ang pinirito ko. That's the reason why I didn't blog about it back then, ayaw ko kasing magsabi ng negative sa produkto ng kapwa-Pinoy ko. Syempre we want to support Filipino businesses. Tayo rin naman kasi ang market nila, tayo rin ang makikinabang.
Naisip ko noon, baka ako lang ang hindi nasarapan? Baka masyado lang mataas ang standards ko sa hotdogs? Kasi sa Pinas Purefoods lang naman ang kinakain ko, baka kako pwede na ring ihalintulad ito sa ibang 'cheaper' hotdogs sa Pinas.
But no, hindi ko talaga ma-convince ang sarili ko. Hindi talaga ako nasarapan. Hindi naman talaga mataas ang expectations ko eh, normal lang naman ang panlasa ko. Ni hindi nga ako marunong magluto talaga para maging kritikal sa mga timpla timpla eh.
I asked my husband kung ano sa palagay niya, hindi nga raw talaga masarap. Ni hindi niya naubos ang isang piraso. Medyo nahiya nga ako sa kanya kasi syempre ako ang nagpabili ng $20-hotdogs na yun noh.
Parang hindi na uli ako nagprito ng hotdogs. Kaya nga wala akong pictures. Yung unang luto kasi hindi ko na napicturan sa sobrang excitement kong kainin. I remember, yung biyenan ko nilagay niya na lang sa spaghetti yung natirang hotdogs kasi nga walang gumagalaw sa ref.
By the way, I asked several friends na nakatikim na rin ng hotdogs na ito at iisa ang comment nila -- ang mahal tapos hindi pa masarap. Hindi na talaga kami umulit bumili.
----------------
When we moved here in Surrey, nawalan na ako ng problema sa hotdogs. Kasi nakakapag-crossborder na kami at nakakapamili sa Seafood City (in Tukwila, Washington) ng Purefoods hotdogs. Aside from Purefoods, ok din yung Martin Purefoods Hotdogs nila.
----------------
It was last year when I heard that these Pinoy hotdogs, na originally from Alberta nga, have reached BC. Nag-expand na rin sila ng products, dumami na.
When we went to Henlong Market a few weeks ago, nakakita na nga ako nito sa Freezer. Medyo bumaba na ang presyo, $15.50 na lang yung jumbo pack, pero namamahalan pa rin ako. Sabagay, lahat naman dito sa Canada ay mahal lol. Pero kasi siguro dahil nga hindi ako nasarapan noon kaya ganun ako.
However, dahil kababalik lang namin uli sa Canada mula Pinas, wala pa kaming stock ng Purefoods hotdogs sa ref. Hindi pa kasi kami nakakapag-crossborder uli. Kaya naisipan kong bumili ng small pack na cocktail size. $3.99 siya. Naisip ko baka nag-improve na ang lasa.
Twelve pieces lang ang laman kaya medyo mahal pa rin siya sa palagay ko.
I can easily devour 12 pieces of cocktail hotdogs pero dahil mahal nga, I only cooked 5 pieces. Haha, kahit minsan hindi ko naisip na magtitipid ako sa hotdogs!
The verdict? Mas maayos na ang lasa kumpara dati although masyado siyang ma-pepper para sa akin. Basta hindi ko ma-describe. Pero in fairness talaga, it tasted better than two years ago (o baka dahil mas masarap talaga ang cocktail-size hotdogs?).
Yun nga lang, katulad ng ilang comments sa post ko, this hotdog maker markets their product ala purefoods hotdogs pero please manage your expectations kasi ang layo talaga sa lasa. Hindi ko alam ang lasa ng mga cheaper o unbranded hotdogs sa Pinas (Purefoods loyalist nga kasi ako) so baka ganun ang ka-tipo niya.
Will I buy again? Probably, kapag gustung-gusto ko siguro talaga ng red hotdogs. Pero honestly, hindi naman ito yung lasang hahanap-hanapin ko.
Pero napabili nga pala uli ako ng one pack when I cooked spaghetti last week. Sobrang nag-crave kasi ako sa pasta so when we saw a wheat pasta and Reno Liverspread sa Henlong Market, nag-decide na akong magluto ng Pinoy spaghetti. And what's a Pinoy spaghetti without hotdogs?
Mas ok pala ang lasa niya kung nakahalo sa sauce kesa pinirito. Kaso gusto ko ng hotdogs na maraming-marami sa spaghetti kaya medyo nabitin ako kasi nga 12 small pieces lang ang isang pack.
----------------------------
NOTE: We are going to Seafood City tomorrow! Ayan makaka-hoard na ako ng Purefoods hotdogs!
No comments:
Post a Comment