Monday, July 30, 2018

No more Pinoy cheese in Canada for 2018

When I decided to cook Pinoy spaghetti a few weeks ago, I naturally had to look for Eden Cheese pang sauce topping. We went to several Filipino / Asian stores pero wala kaming nakita. I remembered seeing a few pieces of Eden sa isang store (near T&T Guildford) kaya tiningnan ko nang magawi uli kami doon. I was shocked kasi $5.99 ang presyo niya (normal is $3+) tapos may nakalagay pang sign na maximum of 2 per family lang ang pwedeng mabili.

Ang sabi sa akin ng may-ari, "bilhin mo na yan kasi yan na lang ang natitira." Dedma ako. Why the hell will I spend 6 bucks on a small box of cheese? Isip-isip ko, antay na lang ako ng next shipment.

Napapansin ko kasi na kapag may isang Pinoy product na wala sa isang store, karaniwan wala rin (o kakaunti na ang stock) sa iba. Kaya ang theory ko, isang shipment lang ang ginagawa ng Lucky Me sa sotanghon cup halimbawa, tapos ididistribute na lang sa iba't ibang stores / sellers across Canada. Kaya ang buong akala ko magkakaroon din uli ng Eden cheese soon.

Until I read this on Facebook. Post ito nung Pinay (photo credits to her) na binibilhan ko ng masarap na cake.


Shaiks, ganun pala yun! Bigla ko tuloy naisip na sana bumili na lang ako sa Seafood City noong nag-cross border kami.

Pero parang di ko naman masikmurang bilhin itong last piece na nakita ko. Ang Mahal! Pumapatak na CAD7.55 siya o Php302.00! Ganun ba talaga ang presyo ng Eden Cheese sa America?


Unlike sa amin sa Canada na nagsamantala lang yung store owner na itaas ang presyo ng Eden Cheese to CAD5.99 dahil sa lack of supply (oh well, business nga naman kasi), mukhang di naman sila kapos sa keso ah. I was surprised pa nga kasi ang dami-daming palang available na Pinoy cheese brands doon -- Magnolia, Quez-O, QBB, Che-Vital, Anchor. May mga quick melt pa. Sa Canada talagang Eden Cheese lang eh.


So now I know what to do. Dapat pala mag-hoard na ng Eden Cheese sa first half pa lang ng taon kasi nagkakaubusan pala kapag quota na sa pagimport ng cheese ang Canada. Pero syempre be mindful sa expiration lol.

Kung uuwi naman sa Pinas, dapat magbaon din ng keso pabalik kasi you'll never know kung may mabibili ka sa Canada. Pwede ring keso ang request na ipadala kung me mapapakisuyuan. Pero may limit lang din nga pala ang pwedeng daling dairy products papunta / pabalik dito (20kgs per person).

Anyway, ayaw ko ng mag-panic. Hindi naman talaga ako masyadong Pinoy cheese-user. Nilalagay ko nga lang yan sa spaghetti o puto. Yung Kraft sliced cheese dito ang ginagamit kong pampalaman sa tinapay eh. Pero pagbalik namin sa Seafood City, bibili na nga rin ako ng isang malaking Quez-O. Buti na lang talaga dito kami nakatira sa BC, kahit paano may iba kaming mapagkukuhanan ng Pinoy products. 

-------------------------

POSTSCRIPT: We found some Eden Cheese in the newly-opened Lucky Supermarket last July 30! Mga old stocks pa yan malamang. We only bought two pieces, sayang nga eh dapat pala mga lima na. For sure pagbalik namin ay wala na yan. Kokonti na lang din kasi ang naka-display eh.


Mainit sa Metro Vancouver

Ang init! Ilang araw ng ganito. Hay, bakit nga ba sinalo ko ang lahat ng summer ngayong taon?




Kung tutuusin, no match ang init dito sa init sa Pilipinas kaso hindi ko pa rin talaga ma-take. Dati na akong mainitin, mas grumabe pa nang matira ako dito sa Canada syempre. Mas nasasanay na kasi lalo ang katawan ko sa lamig.

Hindi ko masyadong nadama ang init the previous summers kasi nag-stay lang ako sa airconditioned room the whole day. Pero ngayon kasi ayaw na ni Nathan sa kwarto, gusto niya sa may sala kasi nandun most of his toys. Hindi naman namin pwedeng dalhin sa room kasi ang lalaki at wala ng space. Extra warm din dito sa apartment kasi kulang sa ventilation. Yung sliding door lang ang pinaka-window namin. Kaya sobrang parusa kapag nagluluto kasi kulob sa kusina.

I can't wait na matapos ang summer. I hate, hate, hate it. It is predicted na medyo lalamig-lamig this weekend, sana nga.


People here in Metro Vancouver were given extreme heat warnings. Concerned na concerned talaga sila sa mga tao, lalo na kapag 30+ (o feels like 30+ na ang weather). Ang government nagse-set up na ng cooling areas. Pet owners are being reminded din not to leave their pets in their vehicles. Basta alarmed na alarmed sila. Nevertheless, enjoy na enjoy ang mga puti sa sikat ng araw. Mega-sun bathing pa ang mga yan. Exact opposite ng mga Pinoy (tulad ko) na takot na takot maarawan haha.

Meet our future (town)house

We visited our (town)house-to-be last Saturday (July 28, 2018).


Buo na yung exterior niya. Sobrang na-excite kami nang talagang mabistahan namin ng malapitan. Dati kasi noong pumunta kami eh hindi kami nakalapit dahil may mga construction workers. Last Saturday, 7pm na kami nagpunta kaya wala ng katao-tao.


Medyo nainggit kami kasi may mga units na tapos na at naturn-over na sa may-ari. Itong phase namin ang matagal pa.


Our unit is in the middle of a 7-unit building. Second to the cheapest (yata) among the 115 townhomes in the complex. When Ford went to the sell launch kasi last March, hindi na siya actually nakapili dahil nagkaubusan na talaga (parang hot pandesal lang ang peg, dinumog ng mga tao). Second day na kasi ang appointment na nakuha niya. Buti nga meron pang natira na sakto sa budget namin. Maliit lang ang unit namin pero ayos lang kasi tatlo lang naman kami.

Pero minsan nabi-bitter pa rin ako haha. The amount that we'll be paying for this townhouse can already get us a really big brand new detached home in Edmonton (lalo na sa Winnipeg o Saskatoon).


My husband is a professional engineer and earns pretty well. It's just ironic though that people like him can no longer afford to purchase a detached house here in Metro Vancouver. Wala ng "ordinaryong" pamilya dito na nagre-rely lang sa income (at walang money manggagaling overseas) ang makakabili ng ganung bahay kasi nga milyunan na ang presyuhan ng mga yun. Hanggang townhouse o condominium na lang talaga. Yung mga low income families, maliit na lalo ang chance na makabili, forever renter na lang.

Kaya talagang nagpapasalamat pa rin ako. In 3 1/2 months time, lilipat na kami dito and we will live comfortably again. We could have chosen to buy a second (or third? fourth?) hand townhouse pero iba pa rin talaga kapag bago eh. Ang linis-linis, ang bango-bango haha!


Hay, we need more patience! Konting tiis na lang.

Sunday, July 29, 2018

His New Phone / Her Old Phone

Dad went home last Friday with a bad news -- nabasag daw niya yung phone niya. Umakyat agad ang dugo sa ulo ko, naisip ko ang mahal magpa-replace ng screen ha. More than a hundred bucks. Saka ang bago pa ng company-issued phone niya, hindi pa nasusulit talaga.

After relaying the unfortunate news, biglang bawi siya. Ang good news daw is that he has a new iPhone! Ha? Ambilis naman kako. Ang sabi niya, he told one of his bosses that he broke his phone's screen. Ayun he's lucky daw because he's got a spare iPhone 7. Inabot na agad sa kanya.


And just like that, he's got a new phone! Waaah. I was so bitter. Ako itong nagko-contemplate na magpalit ng phone for several weeks now tapos siya pag-uwi galing trabaho eh meron na. Swerte rin talaga sa buhay itong asawa ko lol.

Ford said he'll return the broken phone to the office tomorrow. He'll ask daw kung ano ang gagawin, kung 'itatapon' na daw eh hihingin niya na lang. Kaso ano naman ang gagawin namin sa phone na yun? We have two extra 'old' iPhones already, kay Nathan na nga lang yung isa. Kaloka, first world problems.

Sa totoo lang. it's so easy to have nice phones here. Kung masuwerte ka, mafi-free mo lang yan sa mobile network mo. Or pwede mong isama sa phone plan mo, minimal na dagdag lang. Kaya halos lahat dito maganda ang telepono, hindi ka magwoworry na may magi-snatch ng sayo.

By the way, my iPhone 6 plus is already 3 1/2 years old. Nagi-isip akong palitan sya kasi feeling ko hindi na maganda ang camera niya. Parang malabo at grainy na. Overused na yata. Kidding aside, million shots na siguro ang nagawa nito. Except for calling, text messaging, and web browsing, pagkuha lang ng pictures ang major function ng phone ko. Eh lately nga, parang di na ako happy sa quality ng pictures niya.

Bumili na raw ako sabi ni hubby. Palibhasa sila ni Nathan ang nagbe-benefit sa kakakuha ko ng pictures kaya supportive siya. Kaso nanghinayang ako sa pera, eh di ba lilipat pa nga kami? We could spend that money sa mga bibilhin naming ibang gamit sa bahay. Saka yun nga, ano na naman ang gagawin ko sa old phone? Sa Pinas ang daling magbenta ng lumang gamit kasi maraming sasalo, dito itatapon na yan. Hindi ko rin naman yata pwedeng ipadala yan sa Pinas kasi pang-Canada siya. Pero sabagay, lahat naman naa-unlock sa Pinas. Pero kahit pwedeng ipamigay, wala naman akong maisip na pwedeng bigyan nito sa Pinas na karapat-dapat lol.

O siya sige lang, while Dad is enjoying his new phone, I am stuck with my old. Life is really not fair huhu.

Saturday, July 28, 2018

I bought chocolates in the US

People think na katulad ng America, chocolate-heaven din ang Canada. I beg to disagree. In my almost 5 years of living here, feeling ko nga na-deprive ako ng chocolates na gusto ko. Ang konti ng variety sa totoo lang. Sabi ko nga bakit parang mas marami pang tinda sa Pinas?

To compare, ito ang chocolates aisle sa Walmart USA. Pasensya na kung medyo nakakahilo ang kuha ko.


Ito naman ang sa Walmart Canada.


Sobrang konti lang noh? Actually mas may variety sa Superstore (a Canadian grocery store dito na direct competition ng Walmart) pero no match pa rin sa mga chocolates sa US.

Sa totoo lang, napakasimple lang naman ng taste ko sa chocolates. Very basic lang, ayaw ko ng mga gourmet-type kasi tingnan ko pa lang eh natatamisan ako. Tatlo lang ang favorite ko talagang "imported" chocolates sa mundo, pero would you believe na wala sila sa Canada?

I truly find it weird na wala nitong Hershey's Milk Chocolate dito. Ang meron lang ay ung creamy milk chocolates with almonds.


Itong Kisses Milk Chocolate with Almonds ang super tagal ko ng kine-crave kaya I was so happy nang makakita ako ng malalaking packs. Walang ganung kalalaking packs sa dito eh.  Minsan pala may sumusulpot nyan dito sa Canada (last Christmas nakabili ako) pero on an ordinary day, wala talaga sa grocery shelves.


Ito pa! Made in USA lang naman ito pero bakit hindi pa nakaabot sa Canada? Dati nakakabili pa ako nito sa Dollar Tree eh, pero matagal ng wala. Minsan nakakita rin ako nito sa Daiso pero $3+ ang isa (small bar lang yun ha) kaya dedma na lang.


Aside from chocolates, itong Ruffles Cheddar and Sour Cream ang isa pang nabigo akong makita sa Canada. Favorite ko kasi ito.  Grabe, sa SM Hypermarket ay pakalat-kalat lang ito.


Oh well, blessing in disguise na rin siguro na wala nung mga gusto kong chocolates dito kasi nga haler... diabetic! Saka pasalamat na rin na we live near the border, we can cross anytime. Kapag nakalipat na kami sa bagong bahay namin, we'd probably do grocery shopping in Walmart and Target every month, para maiba naman sa panlasa namin.

Cross Border Purchases and Expenses

Dati when we cross the border, kasama sa itinerary ang Seattle Premium Outlet. But this time, dahil mataas nga ang palitan ng US dollars, mas ok pang magshopping sa Canada so we limited our purchases na lang sa mga pagkain na wala sa amin.

SEAFOOD CITY Ang pinaka-target namin on this trip was to buy Purefoods hotdogs para na rin may mapampasalubong kami sa mga kaibigan namin sa Edmonton this August. We only bought 20 packs kasi takot si Ford na ma-question sa border. Saka mahal din kasi at USD4.29 per pack (or CAD5.79 / Php229.26).

Aside from that, we also bought longganisa (na palagi rin naming binibili sa Seafood City), two different brands of lumpiang shanghai, turkey bacon (para maiba lang sa kinakain namin), Lucky Me Sotanghon Cup (na wala kaming mahanap sa Canada as of the moment), gilit na bangus (walang ganun sa Canada eh, yung ready to cook na), and Vcut (kasi sale). Bumili rin kami ng ice para sa cooler.

All in all, we spent USD 166.47 (or CAD 224.73 / Php8,896.16) sa mga ito. Grabe, ang mahal din noh?


RED RIBBON BAKESHOP. Parang katulad ng previous cross border trip namin, ito lang din ang binili ko -- Cheesy Ensaimada Family Pack and one moist choco slice. USD14.88 (o CAD 20.09 / Php795.19) na yan ha. Pero kebs na, ang sarap naman kasi ng ensaimada. Wala pa akong nahahanap na bakery sa Canada na may masarap na ensaimada eh.


Ay nagpadagdag pa pala si hubby ng chicken empanada na worth USD2.96 (CAD4.00 / Php158.18). Hindi daw ito masarap.


VALERIO'S TROPICAL BAKESHOP. May isa pang Pinoy bakery sa may Seafood City at talagang natakam ako sa ensaymada nila na nakadisplay sa glass cabinet. Last 2 pieces na lang tapos naunahan pa ako. Buti na lang may pack-of-6 pa sila na natira. Medyo nagdalawang-isip pa ako kung bibilin ko kasi nga namamahalan ako. Imagine, Php62.35 pumapatak ang isang ensaymada! Eh sa Pinas limang piso lang yan. Sa Pan de Manila, mahigit-higit bente pesos. Pero sabi nga ng asawa ko, kung convert ako ng convert eh malamang hindi talaga ako makakakain. O sige na nga, buy! Nakakita rin ako ng whole wheat pandesal kaya sakto, nagke-crave din ako dun eh.

We spent USD10.68 (CAD 14.42 / Php570.74) sa Valerio's.


WALMART. Before going home, syempre daan muna sa Walmart. Agenda rin talaga namin na bumili ng chocolates at iba pang pwedeng mabiling kutkutin dun.

So eto, nakabili kami ng Hershey's Milk Chocolates, Kisses Classic with Almonds, Nestle Crunch, diet popcon (ng asawa ko), Ruffles Cheddar and Sour Cream at beef jerky. May nabili rin nga pala akong $1 na pitchel lol. Binili ko lang kasi sale sa Flamingo haha. At tapos yung toy ni Nathan na tools work bench.

USD51.24 (CAD69.17 / Php2,782.27) ang binayaran namin sa Walmart.


Apart from those purchases, eto pa yung ibang ginastos namin to give you an idea kung bakit hesitant akong pumunta sa Washington talaga.


  • US Border fees -- USD6.00 / CAD8.10 / Php320.64
  • Jollibee lunch -- USD26.50 / CAS35.78 / Php1,416.00
  • Nathan's amusement rides -- USD3.00 / CAD4.05 / Php160.32
  • Nathan's McDonald's Happy Meal -- USD3.92 / CAD5.30 / Php209.48
  • Gas -- USD36.10 / CAD48.74 / Php1,929.18


Sa kabuuan, we spent USD321.75 (CAD434.36 / Php23,212.33). Ang laki rin pala nakakaloka! And to think puro pagkain lang halos yun ha! Buti na lang we used our US dollars kaya parang 'dead money' lang namin yun, pero syempre pera pa rin namin yun di ba.

Nakow, mukhang next time na ayain ako ng asawa ko na magcross border eh di na ako papayag. Kaso matatanggihan ko ba ang ensaimada at hotdog?

Wednesday, July 25, 2018

Cross Border -- July 21, 2018

And so, natuloy din kaming mag-crossborder last weekend. After kong magpatumpik-tumpik, I finally gave in. Hindi ko na-resist ang temptasyon ng Purefoods hotdogs haha. Saka tutal kako I passed naman the citizenship test last July 18 kaya may excuse na na mag-splurge ng konti. We are also going to Edmonton to visit our friends kaya kailangan namin ng hotdogs pamapasalubong.

Pero dahil nga mataas ang value ng US dollars, we decided to use na lang yung remaining USD namin. Naghagilap ako talaga haha! Medyo marami-rami pa naman, pwede pang gamitin ng ilang balik hehe.


July 21, 2018 (Saturday). We left our place at around 12:45pm. Late na kasi late na kaming gumising eh. Hindi naman din kami nagmamadali. We prefer to cross the border ng alanganing oras para hindi mahaba ang pila.

Upon checking online, around 30 minutes ang waiting time sa Peace Arch at Pacific Crossings kaya dun kami sa Aldergrove as usual. Mas malayo iyon pero kesa nakapila ka sa mga "famous" borders na yun ng at least 30 minutes, idrive mo na lang yung oras na yun going to Aldergrove kung saan wala halos pila.


Whenever the Border Officer asks us kung saan o ano ang gagawin namin sa US, we would answer na that we are going to Jollibee. Gets na nila yun haha. Tatawa na sila at magjo-joke.


At dahil wala akong valid I-94, we had to stop briefly in their immigration office. Walang ibang tao dun, kami lang, kaya sobrang bilis. Kinunan ako ng finger prints at photo. Ang sabi ng Immigration Officer, I lost weight daw haha. He must have seen the difference ng current picture ko sa mga nakaraan.

I paid USD6.00 again for my 6-month I-94 validity. Hmmp, di bale na nga. This will be the last time na magbabayad ako niyan because in less than 6 months, siguro naman may blue passport na rin ako.


From Aldergrove Crossing, Westfield Southcenter Mall (where the Seafood City and Jollibee are located) is around 2 1/2-hour drive pa. Nakakainip kasi takam na takam na nga kami sa Chickenjoy.

We arrived at Jollibee ng 4pm and I wasn't expecting a long line kasi nga alanganing oras. Oh well, Sabado nga kasi siguro kaya never napatid ang linya.


We missed you, Jollibee! Noong nasa Pinas kami, araw-araw akong nagmo-motor sa Jollibee (na malapit lang samin) para bumili ng hapunan ni TanTan.


The queue was long pero mas ok na rin kasi makukuha mo na agad ang food mo after you pay. Unlike before na pipila at magbabayad ka tapos bibigyan ka nung parang alarm na iilaw kapag ready na ang order mo. Ang tagal tagal mag-antay. 


Wow, chickenjoy! We paid USD26.50 (or CAD35.78 / Php1,416.16) for these. We wanted to add pa sana spaghetti and burger after kaso pipila na naman ng mga 35-40 minutes.


One Pinoy guy handed this toy to me, baka raw gusto ng bata. Syempre I happily accepted kahit na meron na kami niyan sa Pinas.

Bakit niya binigay sa amin yung toy? Kasi "free" lang yan. Would you believe na parehas lang ang presyo kapag umorder ka ng spaghetti with drinks at kiddie meal na spaghetti with drinks? Tila USD5.99 yata. I learned about it in California kaya sabi ko sa sarili ko na kapag gusto ko ng spaghetti eh yung kiddie meal na ang oorderin ko kahit ayaw ko ng toy.


 After eating, lakad-lakad muna sa mall syempre. Ang tagal kong naghanap ng dresses sa JCPenney at Macy's kaso bigo ako. Kailangan ko kasi ng mga damit for a wedding na aattendan namin sa August at sa forthcoming oathtaking ko (naks!).

Then we went na to Seafood City to buy hotdogs and other pang-ulam. I'll show you what we bought there in another post.


Before leaving, we bought some ensaimadas din from Red Ribbon and Valerio's Bakery. Nakaalis kami ng 7:30pm na.



Off to our next destination -- Walmart! Oo, dinayo pa namin talaga ang Walmart. Ang saya-saya kasi ng mga Walmarts sa US, ang dami-daming paninda. Ibang-iba sa mga Canadian stores.


May batang nabuhayan ng dugo haha. Ang cute nitong nakita naming work tools na trolley kaya binili na rin namin. Walang ganito sa Canada eh.


Ay syempre nagutom ang bagets kaya nagpabili ng Happy Meal. Buti na lang nakaabot pa kami sa Incredibles toy. We got Dash yipeee! (Iba ang toys sa Canada at sa US booo!).


So yun, bago umuwi, pakarga ng gas as usual. Ang laki ng kamurahan ng gas sa US kesa Canada kaya talagang doon nagfu-full tank ang mga Canadians.


Medyo mahaba pa rin ang pila sa Pacific Crossing pauwi. Pero ayos lang kasi ang bait ng border officer na babae. Ni hindi kami tinanong kung ano ang pinamili namin haha. Usually kasi tinatanong nila kung bumili ng liquor o cigarettes eh. Kapag grocery items naman o other goods na hindi naman malaki ang halaga, di naman na nila pinata-taxan.

Anyway, it always feels good to be back in Canada kahit na a few hours lang kaming lumabas. Canada is really our home.


Twelve midnight na nang makarating kami sa bahay. Hindi na nga pala kami nagdinner sa labas, yung mga tinapay na binili na lang namin ang kinain namin.

Tuesday, July 24, 2018

High Cholesterol

In addition to Metformin for my diabetes, nagsimula na rin akong mag-take nito since July 19.


Yep, maintenance meds to lower high cholesterol. Nang magsabog yata ang mundo ng sakit, sinalo ko na lahat. Mag-39 pa lang ako pero may mga gamot na ako for life. Whew!

Kasali sa blood works ko ang cholesterol last July 7 and just as I had expected, mas tumaas pa ang cholesterol level ko kesa last December. Sa dami ba naman ng nilaklak kong isaw sa Pinas. I am to be blamed, I know. Wala talaga akong disiplina.

From 6.14 in December 30, 2017, 6.57 na siya ngayon. Normal is between 2.00 to 5.19. Very high na daw talaga kung tutuusin. Walang epekto ang fish oil ha. My doctor gave me a month to lower my cholesterol, tapos magpakuha daw uli ako ng dugo. When I asked him papano kung hindi pa rin bumaba, no choice na raw kundi mag-take ako ng gamot. I told him resetahan na niya ako kasi mukhang di ko naman kakayanin.

I want to be realistic. The only solution for my cholesterol level to drastically lower down is for me to significantly cut down on red meat and fried foods. Ano pa ang pwede kong kainin kung ganun? Since I am diabetic, talagang konting carbs na lang ang kinakain ko. At para ako mabusog, talagang nilalakasan ko sa ulam o protein.

It's actually hard to live here in Canada kapag hindi ka talagang taga-dito. I've had a Filipina doctor in Edmonton two years ago and I won't forget our last conversation. Noon pa lang kasi nakita na na medyo mataas ang cholesterol ko.

Ang sabi niya, sa talagang maggagamot na lang ang mga Pinoy dito sa Canada dahil nga sa nature ng pagkain. Mostly greasy, high in carbs and calories, processed. Ano bang healthy ang pwedeng kainin dito sa totoo lang? Salad lang yata. To be honest, hindi naman salad-eating ang average Pinoy (ako hindi kumakain ng salad). Hindi tayo mabubuhay nang yan lang. Ang mga isda naman na nabibili dito na galing Asia, puro frozen na. At dahil frozen, usually ipiprito mo na lang kasi hindi naman masarap sabawan. Super mahal din ang Asian vegetables dito tapos ang lalaki ng pack. Kung magluluto ka ng chopsuey, sobrang laki ng magagastos mo sa dami ng ingredients na kailangan. Sana kung marami kayong kakain. Pinakamura na talagang iulam ang karne sa totoo lang.

Tapos dahil mabilisan ang buhay dito, pinaka-convenient talagang kumain ng mga instant food (noodles, canned goods). Pinakamadaling luto rin ang prito. Sa case namin, ako lang ang kumakain ng mga niluluto kong may sabaw kaya nakakatamad magluto sa totoo lang. Yung anak ko puro pritong galunggong at manok lang kaya madalas sinasabayan ko na lang. Ang sabi ng doktor ko, mag-ihaw na lang daw ako instead na magprito. Ang tedious kaya nun, tapos good for one person lang iihawin ko for lunch halimbawa? Eh madalas gutom na gutom na ako by lunch time tapos magluluto pa ako ng ibang pagkain para sa anak ko tapos susubuan ko pa. Kung may nabibilhan lang sana ng lutong ulam dito sa tabi-tabi na parang sa Pinas, ayos sana.

Basta ang punto ko, ang hirap mag-healthy-eating dito lalo na sa puntong ito ng buhay ko huhu. Kaya talagang tinanggap ko na na maggagamot na lang ako. Pero siyempre pipilitin ko namang bawasan ang pagkain ng mga bawal na pagkain pero I doubt it kung talagang maiiwasan ko totally. Kahit ang nanay ko naiintindihan ang sitwasyon ko. Siya nga raw na nasa Pinas na eh hindi na rin malaman kung ano ang kakainin, ako pa ba na very limited ang food options dito.

Hay, diabetes at high cholesterol. Apart from my unhealthy lifestyle, namana ko rin ang mga sakit na yan sa magulang ko. Pero buti na nga lang at hindi ako "high blood" na katulad ng nanay ko. Bata pa lang ako eh low blood na talaga ako. Sana Po talaga hindi magbago.

July 19, 2019

I am grateful though kasi covered naman ng health insurance namin ang maintenance meds ko kaya hindi ko pinoproblema ang additional gastos. Kung nasa Pinas siguro ako, sobrang manghihinayang ako sa pera. Ang sabi ng nanay ko, Php52 ang isang piraso nung cholesterol medicine niya. Hindi birong halaga yun ha.

Pero dito pala sa Canada, usually 'generic' lang yata ang gamot. Basta ibibigay mo lang ang prescription sa Pharmacy tapos sila na ang bahalang mag-dispense. Unlike sa Pinas na makakapili ka (o ang doktor mo) ng brand na iinumin mo.

Kaya kung titingnan mo, mura lang naman pala ang cholesterol medicine ko for 90 days. $23.17 lang o Php926.80 (around Php10.30 per day). Mas mura pa nga sana yan kung walang dispensing fee na $10.

Yun nga pala, sa bawat prescription medicine na bibilhin mo dito, may $10 silang china-charge. Kahit na good for one month lang halimbawa (o 30 pieces), $10 pa rin ang babayaran mo. So better na imaximize mo na ng for 3 months para tipid. Good for three months lang ang maximum na pwede nilang ibigay eh.


Sa ibang health insurance companies, may co-pay. Minsan 20% ang share ng patient. Buti sa insurance namin (sa company ni Daddy Ford), sinasagot nila ng 100%. May health spending allowance kami in a year at iyon lang ang dapat naming iconsume. Malaki naman sya kaya hindi naman basta mauubos. Kailangan mo lang munang paluwalan sa pagbayad tapos irereimburse nila kaagad through bank deposit kapag nasubmit mo na ang resibo online. =)

Monday, July 23, 2018

Lucky Supermarket Surrey is opening on July 30!

Finally, the long wait is over! Lucky Supermarket's first BC branch is opening next week, July 30!

Photo taken from Lucky Supermarket's FB page

Grabe, sobra ang excitement ko! Feeling ko nagiging ok na unti-unti ang buhay ko rito sa BC. I am about to have a house again (Thank God!) tapos magbubukas na ang Lucky Supermarket dito sa Surrey. Haha, friends na lang ang kulang!

Aayain ko talaga si Ford sa Lucky pagkagaling niya sa work. I am hoping na parehas ang sistema sa stores nila sa Edmonton -- mura ang meat, maraming choices ang fish, maraming Pinoy products, may frozen calamansi, pwedeng magpa-barbecue cut ng liempo, at masarap ang lutong pagkain.

One week to go!

Jollibee Canada Update

We went to Jollibee in Tukwila, Washington yesterday to devour some chickenjoy. Nakakamiss na rin kasi. Siguro kung hindi lang 3-hour crossborder drive ang nearest Jollibee sa amin, every weekend talaga kaming pupunt dun.

Now the question is, kumusta na nga ba ang Jollibee dito sa Canada?

December 2016 nang una silang magbukas ng branch sa Winnipeg. First ever yun sa buong Canada. Nakakainggit talaga na nakaka-bitter talaga haha. Tapos they opened another branch pa uli doon.

After more than a year (nito lang April) they opened their third store naman in Scarborough, Ontario. Tapos this July 20, yung fourth store naman ang binuksan sa Mississauga, Ontario.

Four stores in 2 years and 7 months. Nakakaloka, bakit apat lang??? I really thought magbubukas na ang Jollibee sa Edmonton kasi ginagawa na talaga noon ang establishment with Jollibee signage na. Tapos sa website ng Jollibee may job postings na rin sila for the Edmonton branch. Anyare nga ba?

I guess people could only speculate. Some say na may disagreement ang Jollibee Management with the Alberta government kasi daw gusto ng Alberta na Alberta beef ang gamitin sa burgers. Oh well, we'll never know really.

But there's one thing for sure, ang bagal bagal ng expansion nila noh! Talong-talo pa sila ng Miniso? Obviously, ang laki laki ng market ng Jollibee anywhere in Canada. And there's really a big clamor to open up stores here, sa lahat ng probinsya, so what are they waiting for? Nakapag-start na sila sa Manitoba in 2016, bat hindi pa nila tinulo-tuloy? Nakakainis talaga.

According to Jollibee North America's President, they are planning to open 100 stores here in Canada in the next 5 years. Sana naman hindi paasa. At paspas-paspasan naman nila.

-------------------------------

Anyway, I saw this menu in Jollibee Canada's Facebook page. I am not sure kung pare-pareho lang ang prices sa four branches but this is specific to the Mississauga store:


Hmmm. Yung C1 (2-pc chicken, 1 side, 1 soda) costs $8.49 plus 5% GST = $8.91. Kung iko-convert sa pesos, around Php356.58 yan. Mahigit doble ng presyo sa Pinas (parang Php160 yata doon the last time I ate). Pero dito, ayos na rin yung presyo na ganyan. Presyong foodcourt na rin. At least iyan may bottomless drinks na at medyo marami ang rice (kung parehas sila sa Jollibee USA ha).

Hay naku Jollibee, punta ka na rito sa BC please!

T&T Haul (July 19, 2018)

We ran out of white rice (for Nathan) so we went to T&T Supermarket last July 19. As usual, napabili pa ng iba hehe.

You want to have an idea on how much these cost in pesos?

  • Thai Jasmine Rice 18 Lb (or 8.2 kgs) --- 711.60
  • Datu Puti Soy Sauce and Vinegar (Sale) --- 107.20
  • Lapidchoice Original Chicharon --- 205.38
  • Sugo Peanuts - Hot Spicy --- 70.98
  • Blueberry Coconut Bun --- 62.58
  • Watson Whole Wheat Flour Bun ---- 174.00
  • Sunrise Petite Tofu Puffs --- 79.60
  • Ground Pork - Lean (0.902 kg) --- 341.20
  • Pork Neckbone (0.812kg) --- 164.00
  • DSK Pork Dumpling --- 399.60
  • 2 Carrots (0.53kg) --- 46.40
  • 1 Potato (0.52kg) --- 45.20
  • 1 Bunch Spinach (Sale) --- 35.30
  • Red Delicious Apples (1.78kg) --- 202.40
All in all, we paid Ca$66.14 or Php2,645.60 for these 14 items. Ang mahal noh? Pero syempre dapat naman talaga hindi na nagko-convert para hindi sumama ang loob. =)

________________________

Note: Ca$1.00 = Php40.00

Thursday, July 19, 2018

Filipino Stye Hotdogs in Canada

My two most popular posts are those about Purefoods Tender Juicy Hotdogs. So obviously, I am a fan of those red Pinoy hotdogs. Kaya nga nahirapan ako nang mag-migrate ako dito, hinanap-hanap talaga ng panlasa ko.

Eight months after I gave birth, I went home to the Philippines for a 4-month vacay. Then I learned when I was there na may bagong Filipino style hotdogs na daw from Calgary. I was so excited! Sabi ko sana masarap para hindi na ako ma-deprive sa hotdogs sa Canada.

Kaya ayun, pagbalik na pagbalik ko, bumili ako agad when I saw several packs on display at Lucky Supermarket. Pikit-mata pa nga because it was so expensive! $20 for a pack of 12 jumbo hotdogs (sale pa kasi $22 ang original price).

December 19, 2015

I cooked it right away and got very disappointed after tasting it. Hindi siya masarap! Sorry, I can really be brutally frank. Pero talagang sapilitan lang para maubos ko ang pinirito ko. That's the reason why I didn't blog about it back then, ayaw ko kasing magsabi ng negative sa produkto ng kapwa-Pinoy ko. Syempre we want to support Filipino businesses. Tayo rin naman kasi ang market nila, tayo rin ang makikinabang.

Naisip ko noon, baka ako lang ang hindi nasarapan? Baka masyado lang mataas ang standards ko sa hotdogs? Kasi sa Pinas Purefoods lang naman ang kinakain ko, baka kako pwede na ring ihalintulad ito sa ibang 'cheaper' hotdogs sa Pinas.

But no, hindi ko talaga ma-convince ang sarili ko. Hindi talaga ako nasarapan. Hindi naman talaga mataas ang expectations ko eh, normal lang naman ang panlasa ko. Ni hindi nga ako marunong magluto talaga para maging kritikal sa mga timpla timpla eh.

I asked my husband kung ano sa palagay niya, hindi nga raw talaga masarap. Ni hindi niya naubos ang isang piraso. Medyo nahiya nga ako sa kanya kasi syempre ako ang nagpabili ng $20-hotdogs na yun noh.

Parang hindi na uli ako nagprito ng hotdogs. Kaya nga wala akong pictures. Yung unang luto kasi hindi ko na napicturan sa sobrang excitement kong kainin. I remember, yung biyenan ko nilagay niya na lang sa spaghetti yung natirang hotdogs kasi nga walang gumagalaw sa ref.

By the way, I asked several friends na nakatikim na rin ng hotdogs na ito at iisa ang comment nila -- ang mahal tapos hindi pa masarap. Hindi na talaga kami umulit bumili.

----------------

When we moved here in Surrey, nawalan na ako ng problema sa hotdogs. Kasi nakakapag-crossborder na kami at nakakapamili sa Seafood City (in Tukwila, Washington) ng Purefoods hotdogs. Aside from Purefoods, ok din yung Martin Purefoods Hotdogs nila.

----------------

It was last year when I heard that these Pinoy hotdogs, na originally from Alberta nga, have reached BC. Nag-expand na rin sila ng products, dumami na.

When we went to Henlong Market a few weeks ago, nakakita na nga ako nito sa Freezer. Medyo bumaba na ang presyo, $15.50 na lang yung jumbo pack, pero namamahalan pa rin ako. Sabagay, lahat naman dito sa Canada ay mahal lol. Pero kasi siguro dahil nga hindi ako nasarapan noon kaya ganun ako.


However, dahil kababalik lang namin uli sa Canada mula Pinas, wala pa kaming stock ng Purefoods hotdogs sa ref. Hindi pa kasi kami nakakapag-crossborder uli. Kaya naisipan kong bumili ng small pack na cocktail size. $3.99 siya. Naisip ko baka nag-improve na ang lasa.


Twelve pieces lang ang laman kaya medyo mahal pa rin siya sa palagay ko.


I can easily devour 12 pieces of cocktail hotdogs pero dahil mahal nga, I only cooked 5 pieces. Haha, kahit minsan hindi ko naisip na magtitipid ako sa hotdogs!


The verdict? Mas maayos na ang lasa kumpara dati although masyado siyang ma-pepper para sa akin. Basta hindi ko ma-describe. Pero in fairness talaga, it tasted better than two years ago (o baka dahil mas masarap talaga ang cocktail-size hotdogs?).

Yun nga lang, katulad ng ilang comments sa post ko, this hotdog maker markets their product ala purefoods hotdogs pero please manage your expectations kasi ang layo talaga sa lasa. Hindi ko alam ang lasa ng mga cheaper o unbranded hotdogs sa Pinas (Purefoods loyalist nga kasi ako) so baka ganun ang ka-tipo niya. 

Will I buy again? Probably, kapag gustung-gusto ko siguro talaga ng red hotdogs. Pero honestly, hindi naman ito yung lasang hahanap-hanapin ko.


Pero napabili nga pala uli ako ng one pack when I cooked spaghetti last week. Sobrang nag-crave kasi ako sa pasta so when we saw a wheat pasta and Reno Liverspread sa Henlong Market, nag-decide na akong magluto ng Pinoy spaghetti. And what's a Pinoy spaghetti without hotdogs?

Mas ok pala ang lasa niya kung nakahalo sa sauce kesa pinirito. Kaso gusto ko ng hotdogs na maraming-marami sa spaghetti kaya medyo nabitin ako kasi nga 12 small pieces lang ang isang pack.


----------------------------

NOTE: We are going to Seafood City tomorrow! Ayan makaka-hoard na ako ng Purefoods hotdogs!