Yan yung ancestral house namin (mother side) in Lolomboy, Bocaue, Bulacan. Lubog talaga. Lahat ng kamag-anak namin doon talagang apektado.
Puro baha ang nakita ko sa FB newsfeed ko. Nakakaaliw lang tingnan na parang nakakainggit din. Sa totoo lang, ang saya-saya kasi ng pakiramdam kapag baha. Naalala ko ang kabataan ko, walang pasok at feeling holiday talaga.
Pero syempre I truly feel bad for the people there. Nakakaawa na talaga ang mga Pinoy na bugbog na bugbog na sa dami ng kalamidad na dumarating sa bansa every year. Kahit na sabihing sanay na sila sa baha, haler ang hirap-hirap pa ring maglinis pagkatapos. Sana nga kung once a year lang, pero hindi eh. Several times in a year. Lalo na sa Lolomboy (where I grew up) na maghigh tide lang eh nagkakatubig all around.
I am thankful though kasi mataas at hindi binabaha ang bahay namin sa Marilao. At least hindi ko na iniisip ang kalagayan ng nanay ko. Once lang namin na-experience ang bahain talaga, noong Ondoy in September 2009.
Hay, it is during times like these na naiisip ko na sana makuha ko lahat ng kamag-anak ko sa Pinas at madala ko dito sa Canada. Actually hindi nga lang kamag-anak eh, pati mga kaibigan at kakilala, at buong sambayanan Pilipino na nga kung maaari. Ang laki-laki ng Canada, kasyang-kasya pa ang 100 milyung Pinoy.
Last night, my husband informed me that there will be a water service interruption here in our apartment today (from 10am to 5pm daw) kasi may gagawin. Grabe ang shock ko, instant panic agad! Then later on I realized na ang OA ko. Ang mga kababaryo ko nga sa Lolomboy ilang araw (o buwan o taon?) nang namomroblema sa kawalan ng tubig tapos ako eto nagi-inarte sa sandaling oras na mawawalan kami (na with notice pa kaya pwedeng paghandaan). Tsk, first world problems talaga noh?
No comments:
Post a Comment