And then one time, I saw one familiar photo.
Naisip ko agad, ay kamukha ng picture ko. I let it pass.
And then after some time, I saw it again. Hmmm, kamukha nga talaga. I have taken millions of photos already (seriously) pero alam ko pa rin naman kung ano ang pinagkukuha ko. But again, I disregarded my feeling. Naisip ko malamang kamukha lang talaga. Hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganung puto using a rice cooker as steamer at gumagamit ng ganung colorful silicon molder.
Tapos nakita ko uli sa newsfeed ko. Ang kulit talaga, nagpapapansin sa akin.
That's when I decided to check my IG and this blog post. Hala, picture ko nga!
I actually felt bad. Pakiramdam ko talaga ninakaw ang picture ko. Fine, hindi naman maganda ang picture na yan, hindi rin maganda ang pagkagawa ko sa puto as I have mentioned on the blog, but still it is mine.
Here's what Kawaling Pinoy Recipes says about its account:
Kawaling Pinoy Recipes
Kawaling Pinoy Recipes™ is a collection of delicious and easy to prepare Filipino recipes compiled from various sources around the web.
Sa pag-browse ko sa FB, ayun naconfirm ko na tagpi-tagping pictures nga ang pinaglalagay nila sa mga posts nila. Compilation daw? Kahit compilation, dapat properly documented at cited ang source. Ang nangyari eh pulot na lang ng pulot ng picture sa internet kaloka.
Oh well, pabayaan na nga. Sana lang talaga magka-decency ang mga tao na rumespeto sa mga bagay na hindi kanila. Asa pa.
No comments:
Post a Comment