Thursday, August 23, 2018

I returned a dress

I was getting desperate. It was 8 days before the wedding we'll attend to and I still didn't have a dress. Tsk, ang hirap pala ng walang available-dress-to-wear sa closet. You see, I don't work and we seldom attend parties that require a dress kaya wala talaga akong mga ganyan. In fact, the last event na nag-dress ako was in November 2016 pa, sa wedding ng first cousin ko dito sa Surrey.Naisip ko nga na isuot na lang yung dress na sinuot ko noon kaso nang sinukat ko, ang sagwa. Ewan ko nga ba.

I have a weird body rin kasi kaya choosy ako sa dresses. I have big arms, huge boobs, and small hips. Tapos ang laki pa ng tummy ko. Ang hirap talagang humanap ng damit na bagay sa totoo lang.

Then last Friday, we passed by Hudson's Bay in Metrotown and I saw this dress (the light old rose at the back). Naisip ko, baka pwede na yun. I am sure na may size ako kaya hinanap ko. That's one thing I like here, "normal" lang ang size ko.


Pikit-mata, I bought it for $99.68, tax included. It was my most expensive clothes-purchase to date. And the worst part was, I didn't feel good pa wearing it. Parang lalo akong tumaba.

Pero objectively, sukat na sukat siya sa akin. Saka ang lakas maka-sosyal ng tela, wedding party-appropriate pa talaga. Saka may sleeves. Since I have big arms, never talaga ako nag-sleeveless. Biggest insecurity ko talaga yan eh.

Naisip ko na lang na bibilhin ko na lang tutal I can return it naman. Grabe, may "I-can-return-anyway" mentality na rin ako na parang taga-dito! Dati kasi pinagsasabihan ko si Ford na wag bili ng bili kapag hindi naman sure tapos ibabalik after. Bad habit kako yun.

Right after purchasing it, naisip ko na agad isoli haha. Imagine, I still would have to look for shoes/sandals at a formal bag to go with it. Again, wala akong mga formal accessories na ganyan. Very casual lang kasi talaga ang mga outfit ko in the past. Tapos I gained so much weight pa so I lost interest in dressing up.

Naghanap-hanap lang ako saglit ng shoes pero talagang alam ko na that I will return the dress lol. I really wasn't happy with it. Binili ko lang talaga as panigurado that I will have something to wear just in case wala na talaga akong mahanap. Kaso how can I wear it without shoes?

Thankfully, I found a short casual dress at guess what -- Walmart! Nadaanan ko lang tapos nakita kong may potential. I fitted it at ayon, ayos naman! At dahil Walmart, given na na mura siya at $22.37 (tax included).

When I told my husband that I will buy it for the wedding, he commented: "Ang pangit naman nyan." I justified that it's a lot better than the expensive dress that I bought in Hudson's Bay. Tapos hindi ko na kailangan ng new shoes kasi I have a black sandals na na bagay sa dress. I also assume na hindi naman ganun ka-formal ang wedding reception kaya pwede na siguro yun.

We returned the $100-dress yesterday and I was so happy! Parang may mabigat na nawala sa dibdib ko haha. Hanggang di kasi nasosoli eh dagdag pa siya sa isipin ko. Returning an item here is so easy, no questions asked. Basta may resibo, attached tag, at within the return-day policy pa, they will accept it. Dapat lang dala yung card na ginamit pambili.

So now my realization. Dapat mag-stock na talaga ng ako ng dresses and other formal accessories para kapag may mga ganitong event eh hindi na ako mangangarag. I am getting old na rin (I'll be 39 in a few days) kaya dapat medyo age-appropriate na rin ako magdress-up.

Friday, August 17, 2018

New Relatives in Surrey

I haven't blogged pa pala that I have a newly-found relative here in Surrey. Ang lapit lang ng bahay nila dito sa amin, pwede ngang lakarin.

I didn't really know Kuya Nilo. Kahit si Mamoosh hindi siya kilala (pero kilala niya si Mamoosh). They saw each other sa burol ng father ni Kuya Nilo sa Lolomboy at noon nga nagkatuntunan na nandito rin ako Vancouver. Basta parang cousin ni Mamoosh ang parents niya (both sides ha).

Kuya Nilo instantly added me sa FB pero dinedma ko. Kasi nga hindi ko naman kakilala. Tapos minessage niya ako na kamag-anak daw niya ako lol (hindi ko pa kasi nakakausap uli si Mamoosh noon kaya hindi ko pa alam). After a few minutes of chatting, ayun nagvoice call na. Sobrang daldal haha, nakakatuwa. Kapag daw nalalaman niya na may kamag-anak sya sa lugar kung nasan siya (tumira na kasi siya sa iba't ibang bansa bago nagsettle dito sa Canada), talagang pinupuntahan niya.


He went back to Canada after malibing ng tatay niya. One week lang talaga siya sa Pinas. The day after he arrived (June 24, 2018), we went to their house to meet him and his wife Ate Rosie and to pick up na rin yung padala ni Mamoosh. I was so happy kasi nga he told me pwede kaming makidala hehe. Kababalik ko lang ng Pinas noon pag talagang ganyang offer eh gina-grab ko!


So yun, may new relative ako dito sa Surrey. Nakakatuwa talaga. Kuya Nilo and Ate Rosie are having their church wedding this August 25 and they invited us. Magkikita-kita daw kami ng ibang kamag-anak namin dito sa Canada at US, at pati na rin ilang kababaryo sa Lolomboy. Nakaka-excite din. Hindi ko sila kilala pero alam nyo naman, nagiging close ang mga magkakamag-anak dito bigla kapag nagkatagpo-tagpo.

---------------------------------------

By the way, ito nga pala yung pinapakidala namin kay Kuya Nilo.

Insert one pack of Red Ribbon macaroons
Medyo mabigat din yung chocolate coins ni TanTan haha! Konti lang kasi ang nabaon naming chocolate coins kaya naubos na agad, eh sobrang paborito ni TanTan that time kaya nagrequest kami sa Lola Mamoosh niya.

Ensaymada talaga ang gusto ko kaso ang bilis mag-expire eh, kaya macaroons na lang. Akala ko ako lang ang kakain kaso nakihati ang asawa ko. Hay naku, tanong ako ng tanong sa kanya kung ano ang gusto niya, ang sasabihin wala. Tapos pag nandyan na pagkain ko eh makikiagaw. Hmmmp.

Yung Fissan pala was so effective sa akin. Nung nasa Pinas ako eh nangangati at ngpapantal pantal ako sa may breast area dahil sa init at pawis, yang Fissan ang nakatulong. May baon naman ako kaso dahil summer din dito sa Canada, nagpadala pa ako ng isa to be sure na di ako mauubusan.

My picture was stolen by Kawaling Pinoy Recipes

I must have liked Kawaling Pinoy Recipes Facebook account a long time ago, I don't really remember. But I keep seeing its posts on my newsfeed.


And then one time, I saw one familiar photo.

Naisip ko agad, ay kamukha ng picture ko. I let it pass.

And then after some time, I saw it again. Hmmm, kamukha nga talaga. I have taken millions of photos already (seriously) pero alam ko pa rin naman kung ano ang pinagkukuha ko. But again, I disregarded my feeling. Naisip ko malamang kamukha lang talaga. Hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganung puto using a rice cooker as steamer at gumagamit ng ganung colorful silicon molder.


Tapos nakita ko uli sa newsfeed ko. Ang kulit talaga, nagpapapansin sa akin.

That's when I decided to check my IG and this blog post. Hala, picture ko nga!


I actually felt bad. Pakiramdam ko talaga ninakaw ang picture ko. Fine, hindi naman maganda ang picture na yan, hindi rin maganda ang pagkagawa ko sa puto as I have mentioned on the blog, but still it is mine.

Here's what Kawaling Pinoy Recipes says about its account:

Kawaling Pinoy Recipes

Kawaling Pinoy Recipes™ is a collection of delicious and easy to prepare Filipino recipes compiled from various sources around the web.

Sa pag-browse ko sa FB, ayun naconfirm ko na tagpi-tagping pictures nga ang pinaglalagay nila sa mga posts nila. Compilation daw? Kahit compilation, dapat properly documented at cited ang source. Ang nangyari eh pulot na lang ng pulot ng picture sa internet kaloka.

Oh well, pabayaan na nga. Sana lang talaga magka-decency ang mga tao na rumespeto sa mga bagay na hindi kanila. Asa pa.

More Pinoy Hotdogs in Canada

We went again to the newly-opened Lucky Supermarket last August 9 so I was able to observe more.

The one thing I noticed, ang dami ng Pinoy hotdogs na binebenta ngayon ha.

Noong bagong dating ko sa Canada, itong Pinoyfoods Tender Juicy Hotdogs lang ang meron eh. Pero bukod sa hindi siya pula, sobrang layo ng lasa sa Pinoy hotdogs talaga. I am surprised na may bumibili pa rin pala nyan kasi nagdagdag pa sila ng flavor/variety oh.


Then eventually nagkaroon nga ng Filipino Style hotdogs. Dati sa Alberta lang meron nito eh. Nakalipat na kami dito sa BC nang nag-expand sila dito.


Tapos ngayon meron na rin palang Fiesta Hotdogs ngayon. Ngayon ko lang yan nakita actually, kasi parang wala naman niyan sa T&T Supermarket at Henlong Market. Sa mga small Filipino stores may tinitinda ring variety ng hotdogs, ewan ko lang kung meron sila nyan.

I still have a lot of Purefoods Hotdogs and Martin Purefoods Hotdogs on our freezer kaya hindi muna ako bibili. Pero talagang titikman ko rin yan soon.


I am happy kasi mas dumarami ang Filipino products (kahit na gawa dito) na available dito sa Canada. Pang-iwas homesick nga kasi ang mga yan. We might be living faraway from the Philippines pero at least nakakakain pa rin kami ng mga pagkaing swak sa bitukang-pinoy.

Wednesday, August 15, 2018

Birthday Wish 2018

Good health for me and my loved ones. That's my only birthday wish this year.

Courtesy of Bitmoji

I am not the one who usually wish for good health during birthdays. Siguro kasi taken for granted ko talaga ang health matters na yan dati. But now that I am nearing 40 (I'll be 39 this year), iba na talaga ang pagtingin ko sa buhay.

It was around this time last year when I learned that I have diabetes. Tapos ang dami-dami ko pang ibang sakit, pinakyaw ko na yata lahat. Every day, I am living in fear na baka hindi ko na makitang lumaki ang anak ko kasi nga I feel so weak. Parang I have a body of a 70-year-old na (seriously).

I really am wishing and hoping now for a longer and healthier life for my husband and son.

I also wish good health for them syempre. At sa mga mahal namin sa buhay, most especially to our parents who are in their prime na. My father-in-law was recently diagnosed with a serious illness and we are praying that he'll get through this. My son needs his grandpa and we are hoping that they can spend more time together pa.

Baha sa Pinas

Grabe ang naging baha sa Pinas the past days. I had a brief video call with my niece last Sunday (August 11) there and this is what she showed me.

Yan yung ancestral house namin (mother side) in Lolomboy, Bocaue, Bulacan. Lubog talaga. Lahat ng kamag-anak namin doon talagang apektado.


Puro baha ang nakita ko sa FB newsfeed ko. Nakakaaliw lang tingnan na parang nakakainggit din. Sa totoo lang, ang saya-saya kasi ng pakiramdam kapag baha. Naalala ko ang kabataan ko, walang pasok at feeling holiday talaga.


Pero syempre I truly feel bad for the people there. Nakakaawa na talaga ang mga Pinoy na bugbog na bugbog na sa dami ng kalamidad na dumarating sa bansa every year. Kahit na sabihing sanay na sila sa baha, haler ang hirap-hirap pa ring maglinis pagkatapos. Sana nga kung once a year lang, pero hindi eh. Several times in a year. Lalo na sa Lolomboy (where I grew up) na maghigh tide lang eh nagkakatubig all around.

I am thankful though kasi mataas at hindi binabaha ang bahay namin sa Marilao. At least hindi ko na iniisip ang kalagayan ng nanay ko. Once lang namin na-experience ang bahain talaga, noong Ondoy in September 2009.

Hay, it is during times like these na naiisip ko na sana makuha ko lahat ng kamag-anak ko sa Pinas at madala ko dito sa Canada. Actually hindi nga lang kamag-anak eh, pati mga kaibigan at kakilala, at buong sambayanan Pilipino na nga kung maaari. Ang laki-laki ng Canada, kasyang-kasya pa ang 100 milyung Pinoy.

Last night, my husband informed me that there will be a water service interruption here in our apartment today (from 10am to 5pm daw) kasi may gagawin. Grabe ang shock ko, instant panic agad! Then later on I realized na ang OA ko. Ang mga kababaryo ko nga sa Lolomboy ilang araw (o buwan o taon?) nang namomroblema sa kawalan ng tubig tapos ako eto nagi-inarte sa sandaling oras na mawawalan kami (na with notice pa kaya pwedeng paghandaan). Tsk, first world problems talaga noh?

Tuesday, August 14, 2018

Edmonton Trip 2018: Souvenirs

I regret not getting 'enough' souvenirs from our trip to Alberta last week. Ito lang ang mga nabili ko.


I wanted to buy non-magnet souvenirs pa sa Banff kaso we were running out of time already. Medyo matagal kasi ako mamili kasi nga gusto ko mura hehe. Kaso hinahabol namin na makarating sa Edmonton ng wag naman super late kasi nga inaantay na kami ng pinsan ko dahil dadaan kami sa kanila for late dinner. Oh well, babalik at babalik pa rin naman kami sa Banff kaya next time na nga lang.

Sa Edmonton naman, iisa lang talaga ang alam ko na bilihan ng souvenirs -- yung small kiosk near Dollarama sa West Edmonton Mall. I found a nice magnet na nag-iisa na lang so I grabbed it na rin kahit na $10.50 sya. May ibang nice na souvenirs kaso sobrang pricey dahil nga nasa mall ang puwesto.

Yung Valemount magnet ay binili ko lang sa convenience store ng gas station na palagi naming hinihuntuan at kinakainan (may A&W Restaurant rin kasi). Naisip ko dapat may souvenir din kami doon.

Sayang hindi ako nakabili ng Alberta magnet waaah! Medyo nagpigil nga kasi ako. Imagine, $34.95 (o Php1,398.00) na agad ang nagastos namin sa mga magnets na yan.

When I posted this picture on Instagram, may dalawa akong friends na 'bumati.' Nakakainggit daw at wala daw bang tira-tira. Hay, kung pwede nga lang bang mamigay eh bakit hindi. Kaso talaga kasing mahal ang ref magnets dito sa Canada kaya hindi pwedeng pakyawin kasi mamumulubi ka. =(

Anyway, I can't wait na makalipat na kami talaga ng bahay para ma-display na namin ang mga recently acquired travel souvenirs namin. Medyo konti pa lang naman sila kasi nga kakasimula lang namin, but still, nakaka-excite syempre.

Edmonton Trip 2018: Expenses

Hello, hello! I went MIA again, I know. Ang hirap kasi pag nanggaling ka sa bakasyon di ba, parang gusto mo pa ng isa pang vacation from that vacation? Nakakaloka.

Anyway, before I make kwento about our recent trip to Alberta last August 3-7, 2018, share ko muna sa inyo ang naging expenses namin. Natapos ko na kasing i-compute. Gusto ko lang din talagang ma-document ito kaya iba-blog ko in detail hehe.

So magkano nga ba ang nagastos namin?

We've shelled out at least $1103.10 (or Php44,124.00) for this trip. Eto yung breakdown:


  • Gas -- $355.14 (Php14,205.60). Honestly, medyo nagulat ako dito haha. Akala ko around $250 lang ang balikan. Pero sabagay, dumaan pa kasi kami ng Lake Louise at Banff. Mahigit 20+ hours kaming nag-drive noong first day at 14+ hours pauwi.  But take note, maliit lang ang kotse namin ha. Mas magastos pa syempre kapag malaki ang sasakyan.
  • Food -- $313.34 (Php12,533.60). Halos wala kaming ginastos sa Edmonton sa pagkain kasi pinakain talaga kami nang husto ng mga kaibigan namin (once lang kami kumain sa labas sa Edmonton kasi namiss namin ang crispy pata ng Manila Grill). Yan lang yung mga kain namin sa biyahe (ang mahal ng pagkain sa Banff!). Ahh, at may beer pa pala dyan na binili ni Ford para sa inuman nila.
  • Pasalubong -- $312.57 (Php12,502.80). Almost 30% din pala ng total trip ang napunta sa pasalubong na siopao, Purefoods hotdogs, at Krispy Kreme para sa mga kaibigan namin sa Edmonton. Medyo kulang nga eh, dapat mas marami pa pala, kaso ang bigat din kapag sabay-sabay silang bibigyan hehe.
  • Others -- $87.10 (Php3,484.00). Included dito yung Banff Park fees, WEM Galaxyland admission fees, at car wash. Parang yan lang naman.
  • Souvenirs -- $34.95 (Php1,398.00). Syempre hindi pwedeng hindi gastusan ang souvenirs. Ref magnets lang naman, actually. Souvenir-shopping ang pinaka-enjoyable part ng trip para sakin haha. Medyo nagsisi pa nga ako kasi I should have bought more, kaso nga namamahalan din ako. Di bale, nandyan lang naman ang Alberta. Babalik uli kami syempre.

Not included in this list pala are other auxiliary expenses like new clothes, gas (in buying pasalubong), other food baon, etc.

Kung tutuusin matipid pa talaga yan kasi nga nag-stay kami sa house ng friends namin tapos libre kain haha. Pinoy hospitality at its finest talaga. #Ilovemyfriends

$1103.10 is not a small amount here in Canada pero I am glad that we were able to reunite with our very good friends in Edmonton for that amount. Priceless ang naging bonding namin. If only we could visit them every year hay.

----------------------------------
Note: $1.00 = Php40.00

Thursday, August 2, 2018

Php2,000-worth of boy's clothes

Ano ang mabibili ng Php2,000 mo na boy's clothes dito sa Canada?

Osh Kosh


Mountain Warehouse


Old Navy


Costco


Ang mura noh? $49.00 lang lahat yan o Php1,960.36. And take note, branded ang mga yan ha. Pero hindi pa rin yan yung masasabing super mura dito kasi mabilisan lang ang pagkabili namin niyan. Kailangan lang kasi ni Nathan ng new pairs of shorts for our forthcoming Edmonton trip kaya namili kami agad-agad. Normally kasi talagang naghahanap lang ako ng talagang sale kapag binibilhan ko siya mga damit.

That's one thing I like here in Canada, nasusuotan ko ng 'branded' clothes ang anak ko kahit para sa pang-araw-araw lang. Parang artista ba, laging maganda ang suot hehe. Kung sa Pinas kasi, I doubt kung mabibilhan ko siya ng Gap o Osh Kosh all the time. Baka kapag birthday lang o Pasko. Kuripot kasi ako sa damit haha, ayaw ko ng paulit-ulit lalo na kapag may picturan kaya nanghihinayang ako bumili ng mahal tapos isa o dalawang beses lang gagamitin. On the other hand, ayaw ko rin naman na Divisoria clothes lang ang ipapasuot ko sa only child ko haha. Ano ba talaga, ateng?  Problematic noh?

Sa SM Department Store pa lang kasi eh sobrang mahal na ng damit. Ang mga shorts, parang Php800 na. Ang mamahal din ng mga t-shirts na local brands lang din naman, tapos hindi pa ganun kaganda ang quality. Kaya kapag umuuwi kami sa Pinas, mga pajamas at pantulog shirts lang ang binibili ko kay Nathan. Nagdadala talaga ako ng maraming damit galing dito.

I'll post more of my cheap buys soon!

Lutein

I kept on seeing Iza Calzado's Optein Lutein commercial when I was in the Philippines kaya naengganyo akong magtanong sa Mercury Drug kung magkano nga ba yun. Na-inspire kasi ako sa doctor aunt ni Ford na nagte-take ng kung anu-anong vitamins and supplements. Ok lang naman daw kahit maraming inumin, wala naman daw mawawala.

So after maging effective sa akin ang Bitter Go (I'll post about this next time) na ampalaya supplement, naisip ko sige iinom na rin ako ng sa mata. Medyo problematic na rin kasi ang mata ko, laging strained dahil nga sa kaka-laptop at Iphone.

Ayun na nga, nagtanong ako sa Mercury. I was expecting na less than 10 pesos lang siya (kasi Php7.50 lang ang Bitter Go eh) pero Php30.00 pala! Syempre hindi na ako bumili, tutal hindi rin naman ako taga-Pilipinas para masustain ang pag-inom nun. Saka mabigat ang Php900/month na Lutein ha. Naisip ko hahanap na lang ako sa Costco.

At eto na siya! $20.78 (o Php831.20) lang ang 140 softgels. Bale pumapatak na $0.15 (Php5.94) lang ang isa. Hindi na mabigat sa bulsa.


Sa Costco talaga the best bumili ng mga vitamins and supplements sa totoo lang. Yun nga lang, talagang maramihan ang bili.

I started taking Lutein last Sunday, July 29, 2018. We'll never know kung effective nga ba ito talaga. Pero siyempre hoping ako.

-----------------------------

By the way, I only learned now na may mga binebenta rin palang generic na Lutein sa Pinas. Hindi ko kasi alam noon, eh di sana nagtanong din ako. Puro yung Optein Lutein nga lang kasi ang nakikita ko. Malakas talaga ang impluwensya ng commercial lol.

New Town's Siopao

We are going to Edmonton to visit our friends this tomorrow so we went to New Town Bakery last Tuesday to buy some siopao for pasalubong. I don't eat siopao but everyone pero sabi nga ng asawa ko, masarap daw talaga ito. Request din ito ng mga kaibigan namin kasi nga dati nakakapagdala na rin kami nito sa Edmonton kapag pumupunta kami dito sa BC for a visit.

New Town Bakery has two branches -- one in Vancouver (China Town area) and another one here in Surrey (near the Central Station). Maaga silang magsara, 7:30pm lang, kaya pumunta kami kaagad pagdating ni Ford from work.



I went directly to the freezer for the frozen siopao. And my first reaction --- Syet, ang mahal na!!!


$15 na ang 6-pc pork asado.


Tapos almost $20 ang chicken bola-bola!


I kept on uttering "ang mahal na grabe, ang mahal na grabe..." kaya pinagtitinginan na siguro ako ng mga Pinoy na nakapila sa cashier. Di ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko, naiiyak talaga ako. We were planning to buy at least 16 packs kaya imagine kung magkano ang aabutin nun.

If I remember it correctly, parang $12 lang yung asado at less than $14 ang bola-bola eh nung huli kami bumili eh. Wala pang one year yun. Baka around November o December lang last year. Bakit sobrang laki naman ng itinaas?

Ang sabi ko nga kay Ford wag na kaming bumili. Pero ang sabi niya, ano raw ang ipapasalubong namin sa Edmonton? Sige na nga kako, pero babawasan ko na lang yung ibibigay namin. 


We bought a total of 13 packs (13 x 6 pieces = 78 siopaos) for $204.00. Dalawang packs lang ang bola-bola kasi nga $20 yun. Tapos may additional $12.25 pa for the sauce.

Whew, $216.25 (or Php8,650.00) para lang sa ganitong siopao! I apologize if I appear so kuripot ha. Siguro ganito lang talaga ang walang trabaho hehe. Ang mistake ko rin daw kasi sabi ng asawa ko eh convert ako ng convert. But I really can't help it eh, lalo na at kagagaling ko lang uli sa Pilipinas.


New Town sell other Chinese and Filipino pastries, too. Kaso yung mga puto at palitaw nila, hindi naman lasang Pinoy.

Same lang pala ang presyo ng steamed asado nila sa frozen, $2.50 per bun. Pero ang weird kasi yung sa chicken bola-bola, $19.80 ang frozen so pumapatak na $3.30 ang isa, samantalang $2.75 lang yung luto na. Nakakaloka.


Cash basis nga lang pala sila kaya we were worried na baka hindi kumasya ang cash namin kasi nga nagtaas na sila ng presyo. $200 lang kasi ang winithdraw ng asawa ko. Maraming Chinese restaurants dito ang di tumatanggap ng credit o debit cards kaya dapat palaging me dalang cash.


Lucky Supermarket Surrey is now open!

July 30, 2018 (Monday). I was so excited for Ford to come home. Bihis na kami ni Nathan by 5pm (kakaiba yun ha) at kahit masakit ang tiyan ko, walang makakapigil sa pagpunta ko opening day ng Lucky Supermarket. Parang ganito ang excitement ko nang magbukas ang SM Marilao noong 2003 as in!

Ahh, ang gaan sa pakiramdam nang makita ko ang familiar signage ng Lucky. Parang it felt 'home.' Totoo yun ha, walang exaggeration.


At dahil sa sobrang pagkaatat kong pumasok, di ko na napicturan nang maayos ang labas. Sa susunod na lang.


My first impression of the store --- wow, ang laki!


Kumpleto ang kanilang fresh produce section. Happy ako!



Aba mura ang malunggay!

I just took several photos and that's it. Ayaw ko na. Gusto ko ng mag-enjoy sa pagtingin-tingin sa loob.




I was so happy kasi maraming-maraming choices kumpara sa T&T at Henlong.







My disappointments --- walang frozen calamansi (baka naman di na talaga uso yun ngayon kasi wala na rin akong makita recently kahit sa T&T and other small Filipino stores) at walang beef ribs (sana magkaroon next time). Konti lang din kasi ang naka-display sa meat section nila (I forgot to take photos) kasi baka dahil kabubukas pa lang nila ng 1pm that day. I'll check kung magba-bbque cut sila ng liempo next time.

I was glad though na na-reunite na ako with this galunggong! Grabe, ito talaga ang binibili ko noon! Nathan loves galunggong (he eats it almost everyday) kaya I am so happy na may mabibilhan na ako ngayon ng matinong isda. Masyado kasing maliit yung nasa Henlong eh.


Overall, I am satisfied with this new branch of Lucky! Mura ang presyo (kumapara naman sa T&T noh!) at saka ang dami talagang Filipino products. Parang nandito na lahat, di ko na kailangang magpatalon-talong ng tindahan.

O tingnan mo may wheat pandesal pa!


At Crunch Milk Chocolate (na medyo mahal nga lang).


I was actually surprised na maraming tao ang namimili na kahit kabubukas pa lang. At talagang punuan ang cart nila ha. Galing din kaya sila sa Alberta o Winnipeg kaya familiar sila sa Lucky?


May raffle sila, sana manalo kami. Kaso hindi naman ako swerte sa mga ganyan.


I actually had no plans of buying a lot kasi nga wala naman kaming kailangan at fully stocked pa ang pantry namin kaso nakaka-engganyo talagang bumili. May mga good deals din kasi. Like yang tub ng Skyflakes, $3.99 na lang (normal price is $7+).


Our haul. Sorry di ko na naipakita isa-isa.


This will be our official palengke here in BC. Too bad kasi lilipat na kami sa November. Sobrang lapit lang kasi nito sa current place namin. Kapag nakalipat na kami, twice a month siguro kami mamimili dito.


Eto ang damage -- $117.34 (or Php4,693.60). Ang bilis maglustay ng pera dito sa Canada lol!


I'll post more of Lucky Supermarket soon!

------------------------

Nga pala, I was excited din sana na kumain sa Lucky (may kainan din kasi dun) kaso konti na lang ang mga tinda eh. Siguro kasi kabubukas lang nila noon kaya hindi pa ganun karami ang food. Next time na lang.